3

41.2K 884 64
                                        

HER POV

Natapos na ring gumawa ang Jethro na 'yon kaya pumunta na siya ulit sa gitna at nagsalita na.

"Pagkatapos niyong makabunot ay hanapin niyo na ka-agad ang partner niyo, para makapag plano kayo ng maayos kung kailan niyo gagawin ang activity na 'to."

Agad namang tumango tango ang mga kaklase ko. "Kasi this activity will be submitted tommorow morning." he explained.

Bukas kaagad?

"Copy." sabi naman ng Theodore na 'yon.

Kaya nagsimula na siyang pabunutin ang mga kaklase namin isa-isa.

Napabaling naman ako kay Kiel. "Ilan ba tayong lahat dito?" tanong ko kay Kiel

"42 na ata tayong lahat dito." sagot niya.

"Dami ha." sabi ko. Tumango tango naman siya.

May naisip naman akong kalokohan. "May kilala ka bang pogi dito?" tanong ko sa kanya.

Ngumisi naman ito sa kain. "Pogi? Meron!" sabi niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Sino?" I asked.

"Ako." at nag pogi sign pa ito sa akin. At kumindat kindat pa nga ang loko.

I rolled my eyes. "Ew, Kiel. Kadiri." at hinampas ko pa siya sa braso.

He laughed. "Grabe ka naman Vera, pogi kaya ako." ang lakas ata ng hangin ngayon.

Napatawa naman ako sa kanya. "Tumigil ka nga diyan." sabi ko dito.

He pout. "Sige na nga! Pero kung pogi lang naman 'yung hanap mo, eh 'yan oh yung class president natin si Jethro." turo niya pa.

Napakunot naman ang noo ko. "No thanks." I said.

Halatang nagulat naman ito sa sagot ko. "Bakit?" He asked.

Tinignan ko naman ulit si Jethro at sinuri ang mukha nito. "He's not that attractive. Maputi lang talaga siya." sagot ko sa kanya.

Napangiwi naman ito sa sagot ko sa kanya. "Lahat ata ng mga babae dito gusto siya eh, ba't ikaw ayaw mo?''

Napabuntong hininga naman ako. "Kasi siguro may mga mata ako hindi katulad sa ibang mga babeng tinutukoy mo." biro ko sa kanya. Isa pa masama kasi 'yong first impression niya sakin. Lalo na 'yong ginawa niya sa akin.

He chuckled. "Impressive naman kung ganun. You didn't fall for his looks."

"Hmm, siguro oh o 'di kaya'y hindi lang talaga ako okay ngayon."

Nag-iba naman ang expresyon sa mukha niya. "Oh, why? What happened?"

"Kakagaling ko lang sa break-up to be honest."

"Really? Why?" he asked.

I sighed. "Masyado kasing possessive eh. Alam mo yun? Yung feeling na parang hindi ka makahinga sa kakaselos niya." paliwanag ko.

"Ayaw mo ng seloso?" at napakunot naman ang noo niya.

"Hindi naman sa ganun pero... to the point na parang hindi na ako makagalaw sa kakaselos niya ay parang hindi na rin tama para sa akin. Masyado na kasing mahigpit minsan. Kaya ayun... hiniwalayan ko na lang siya." paliwanag ko.

"Hindi na rin kasi healthy 'yon.''

Tumango naman ako. "Oo nga, kahit na magkarelasyon kami ay sana alam niya rin ang limits niya."

He sighed. "Oo nga. Sana–" natigil naman si Kiel sa sasabihin niya. Kaya napatingin ako sa kanya, para bang nagulat pa ito habang nakatingin sa tabi ko.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon