Her POV
"Tara na! Lumabas kana diyan." sigaw ni Eula mula sa labas ng kwarto ko. Lunes na naman at malapit na ang finals. Sa Wednesday na and by Friday lalabas na yung results ng grades namin at kinakabahan na ako sa magiging grades ko.
"Eto na." at lumabas na ako ng kwarto.
Nakita ko kaagad si Eula na may dalang bouquet of flowers.
"Saan 'yan galing?" turo ko sa bulaklak na dala-dala niya ngayon.
"I don't know. Iniwan lang to sa labas ng bahay namin." at tinignan niya ulit yung bulaklak.
Hmm... baka kay Kiel na "yan galing.
"Maganda ba?" tanong ko.
"Yeah, they're pretty." at ngumiti siya.
Napangiti na lang din aki. "Ikaw ha! May admirer kana!" sabi ko dito.
"Baka nantitrip lang 'to." sabi niya at natawa.
"Hindi naman siguro." sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman siya. "Tara na nga. Iiwan ko muna 'to dito babalikan ko na lang mamaya."
"Sure." at bumaba na kami.
Nadatnan naman namin si papa na nanunuod ng Tv sa baba habang umiinom ng kape.
"Good morning, pa! Wala ka bang duty ngayon?" I asked him.
"Wala pa eh. Mamayang alas onse pa anak." sagot ni Papa.
"Ganun ba?"
Tumango naman siya. "Oo."
"Baon ko nga po pala, pa penge ako " at nag pacute pa ako sa kanya para mas malaki ang baon na makukuha ko.
"Aba! Kahapon lang kita binigyan ng 500 ah!" sabi niya.
"Eh binili ko po yun ng materials sa project ko." sagot ko. Pero totoo naman na binili ko talaga iyon.
"Ganun ba?" tanong niya tumango naman ako. Kaya kinuha niya naman ang pitaka niya sa bulsa nito. "Sige, ito oh." at binigyan ako ng 500 ulit.
"Yie! Thanks pa!" sabi ko at niyakap siya.
Tumawa naman ito. "Eto additional 200 oh. Pamasahe niyong dalawa ni Eula." at binigay niya sa akin yung 200.
"Thank you, tito! The best ka talaga." sabi ni Eula. Tinanguan lang siya ni Papa.
"Sige pa, pasok na po kami ni Eula. Baka ma late po kami sa first subject."
"Sige, pagbutihin ang papalapit na exam ha." sabi ni papa.
"Opo." at hinalikan ko siya sa pisngi at lumabas na ng bahay.
Nagbantay naman kami ng tricycle ni Eula papuntang eskwelahan.
Maya-maya pa ay may nakasakay na rin kami. Habang nakaupo ako sa tricycle ay may naalala na naman ako.
Naalala ko yung nangyari noong sabado ng gabi.
FLASHBACK
Nako! Malapit na pa lang mag alas dose! Hindi ko na namalayan ang oras. Sobrang focus ko lang siguro sa pag-aaral kaya hindi ko na namalayan ang oras. Kung hindi pa nag notif ang cellphone ko na lowbat na ito ay hindi ko pa nakitq ang oras.
Nagcharge naman ako ng cellphone ko at handa ng matulog pero biglang may tumawag sa cellphone ko.
At sino naman kaya ang tatawag sa akin ng ganitong oras.
Tinignan ko naman kung sino yun.
Bigla naman akong kinabahan ng makita ko na si Jethro pala yung tumatawag sa akin.
BINABASA MO ANG
Jethro's Obsession (COMPLETED)
Novela JuvenilJethro Ephraim Silvano is one of the dangerous person you will encounter. He's also a smart and talented person. Everyone likes him because he's almost perfect. His handsome face can get everyone he likes, but courting is not his type. Veranice Maq...