19

24.7K 519 19
                                        

Her POV

I frowned. Argh, Lunes na naman at masasabi ko na ito na ata ang pinakaayaw kong araw sa lahat. As a college student ay parang gusto mo na lang hilain ang mga araw para mag sabado na.

Alam kong Lunes pa lang ngayon pero excited na akong mag byernes kasi kinabukasan ay sabado at wala ng pasok it means that I can already rest.

Napalingon naman sa akin si Eula ngayon. "Bilisan muna ngang maglakad diyan. Ang bagal mo talaga." sabi ni Eula.

"Eto na nga diba." at mas binilisan ko pang maglakad. Para mahabol ko si Eula.

"Nako naman... nakapag-aral ka ba kagabi? May test kasi tayo mamaya."

I gasped. "May test?" nagulat naman ako dun, ba't di ko alam yun! Hindi ako nakapag review!

I heard her sighed. "Oo! At long test yun, Vera! Ano ka ba naman!"

Napa face palm naman ako.

"Nako! Ba't hindi ko alam 'yan! Hindi man lang ako nakapag-aral kagabi." sabi ko sa kanya.

"Ayan! Busy ka kasing makipag chismisan kay Kiel!" sabi ni Eula.

"Si Kiel ang sisihin mo! Siya kaya ang maraming kwento sa akin!"

"Nako! Ang sarap niyong pag-untugin!"

"As if kaya mo." at napatawa na lang kaming dalawa.

Habang naglalakad kami ay may biglang tumawag ng pangalan ko. "Vera!" kaya naman napalingon ako.

Hinawakan naman ni Eula ang kamay ko. "Vera, paparating dito si Lucian. Alam mo naman na siguro ang gagawin." bulong ni Eula.

Napatango na lang ako sa kanya ng wala sa oras.

Nang makalapit na si Lucian dito ay agad mo itong binati "L-lucian." at pilit ko siyang nginitian.

He is also smiling. "Good morning, ladies." bati nito sa amin.

"Good morning, din." bati ni Eula at nginitian lang din siya nito.

Napatingin naman sa akin si Lucian. "Ah, Vera, can I ask you something?"

And I think 'di ko magugustuhan kong saan papunta ang tanong nito sa akin, "Why?" I asked.

"Free ka ba this lunch? Aayain sana kitang kumain ulit mamaya sa labas." aya nito.

Kinurot naman ako ng bahagya ni Eula sa tagiliran. Kaya napatingin ako sa kanya at pinandidilatan na ako nito ngayon. Gusto ko man sanang pumayag sa inaalok sa akin ni Lucian pero naalala ko naman si Shia. Paano kung gusto niya nga si Lucian? At paano kung nasasaktan ko na pala siya.

I need to this for my friend. I took a deep breath before answering him, "Uh, I t-think I am not available later." palusot ko sa kanya.

"Aww, why?" he looks disappointed.

Ano ba ang dapat kung ipalusot sa kanya. "Kasi.... ano eh..." tinignan ko naman si Eula. Wala kasi akong pwedeng maisip na palusot kay Lucian.

Bigla namang nagsalita si Eula. "Kasi mag-aaral pa siya para sa test namin mamaya!" napatango-tango naman si Eula at parang naintindihan ang ibig kong sabihin at sinalo ako nito.

Tumingin naman kay Lucian. "Ah, oo tama tama! Mag-aaral pa kasi ako mamaya eh."

"Ganun ba? Sayang naman. Maybe tomorrow?" at naghihintay ito ng sagot ko.

Napatuod na lang ako. "Ahh...." Ang hirap naman nito.

"Shiaaaa." biglang sigaw ni Eula.

Bigla naman akong kinabahan ng marinig ang pangalan niya kasi kasama ko pa naman si Lucian ngayon. Kaya hinanap ko kung na saan na ba siya at nagtagpo naman ang paningin namin, ngumiti naman ito sa amin at ng makita niya si Lucian ay umiwas ito bigla ng daraanan.

Tinignan naman ako ni Eula, giving me a warning look. "Uh, guys. Mauna na ako sa inyo ha. Hahabulin ko lang si Shia." sabi ni Eula at tumakbo na ito para mahabol si Shia.

"A-ah, Lucian. Aalis na rin ako ha. Hahabulin ko lang silang dalawa." sabi ko sa kanya.

Hinawakan naman nito ang braso ko. "Sure. Pero bukas ha. Lunch tayo sa labas."

"A-ah, ano susubukan ko lang talaga Lucian."

He nodded. "Alright."

"Sige na. Bye! I have to go!" at iniwan ko na siya. Nakitakbo na rin ako at hinabol silang dalawa.

"Shia!" sigaw ko. At nahabol na rin siya ni Eula at huminto sila malapit sa fountain.

Kaya tumakbo ako papalapit sa kanila. "Shia..." sabi ko dito ng makalapit na ako sa kanilang dalawa.

Nagtataka naman ito. "Oh, bakit?" tanong nito.

"Bakit ka tumakbo?" tanong ko dito.

Umiwas ito ng tingin. "Ha? Hindi naman ah." palusot nito.

"I mean, bakit mo kami iniwasan doon kanina?"

Ngumiti naman siya. "Ah, yun ba? Ayoko lang kasing makaisturbo pa sa inyo nina Lucian." at ngumiti pa ito sa amin.

Hinawakan naman siya ni Eula. "Ano ka ba, Shia! Hindi ka isturbo no!" sabi ni Eula.

"Nakakahiya lang naman kasing makipag feeling close kay Lucian kasi in the first place si Vera naman talaga ang close niya." at tumingin naman ito sa akin. Hindi ko alam kong bakit iba ang nararamdaman ko ngayon sa kanya.

"Nako, hindi ah! Mabait naman si Lucian and I know that he also think of you guys, as his friends." sabi ko.

Ngumiti na lang si Shia. I want to ask her many things. Gusto kong makasigurado kung gusto niya ba talaga si Lucian o hindi. Kasi kapag hindi niya naman pala gusto si Lucian ay mapapahirapan ko lang iyong tao sa pag-iiwas.

Pero kapag gusto niya naman si Lucian ay ako na mismo ang lalayo. "Shia..."

"Hmm?" at tinignan ako nito.

Ito na ba ang oras na tatanungin ko na si Shia? Tinignan ko muna si Eula. Pero nakatingin lang din ito sa akin ngayon.

Bahala na. I want everything to be clear.

"Gusto mo ba si Lucian?" bigla kong tanong sa kanya at nakita kong nagulat ito sa tanong ko.

"H-ha?" at hatalang naguguluhan ito.

"May gusto ka ba sa kanya?"

Tumawa ito bago sumagot. "Ano ka ba Vera! Wala ah!" sagot niya.

Tinignan naman siya ni Eula. "Sigurado ka ba diyan Shia? Kaibigan mo kami, at pwede mong sabihin sa amin ang lahat." sabi sa kanya ni Eula.

"Nako, wala nga. Ano ba kayo! Ba't ganyan ang mga tanong niyo sa akin!" at pilit pa itong ngumiti.

"Are sure you don't like him?" paninigurado ko sa kanya.

She shake her head. "Oo nga!" at parang nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

Hinawakan naman siya ni Eula sa balikat at tinignan ito ng maigi. "Shia, yung totoo meron ba o wala?" paninigurado pa ulit ni Eula.

"Wala nga." at napatingin naman ito sa akin.

Mabuti naman at wala siyang gusto kay Lucian.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon