VERANICE'S POV
"Hoy! Ano 'yong nangyari kanina ha? Anong ibig sabihin nun?" tanong ni Shia habang pauwi na kami at palabas na nang campus.
My forehead knotted. "Ang alin ba dun?" tanong ko. Yung pagbabanta ba ni Jethro?
Hinawakan niya naman ako sa braso habang naglalakad kami. "Magkakilala ba kayo ni Lucian ha? Bakit kanina kinausap ka niya." tanong niya sa akin.
"Ah yun ba? Oo nagkakilala na kami nun, kasi naapakan niya 'yong paa ko kaya ganun.'' maikling paliwanang ko.
"Close na kayo agad?" tanong ni Famcy.
"Hindi naman. Nagulat nga lang ako na pumunta 'yon sa atin eh." sagot ko naman.
"Dalawa pa talaga sila ang nakasama natin." sabi ni Eula.
Tumingin naman si Kiel sa akin. "Oo nga, himala nga rin yung kay Jethro eh." si Kiel.
"Bakit?'' tanong ko.
"Kasi naman hindi naman talaga yan kumakain sa Cafeteria. Palagi silang kumakain sa labas kasama sina Theo. Pero kanina kumain siya sa cafeteria." sagot ni Kiel.
"Baka bagong buhay na." sabi ko at tumawa.
"Baka nagka-ayos na sila ni Lucian!" sabi naman ni Famcy.
Agad namang sumagot si Shia. "Paano sila magkaka-ayos. Nakita mo naman yung nangyari kanina diba? Kulang na lang magsapakan na 'yong dalawa eh. Halata naman na hindi pa nga sila nagkaka-ayos." sabi naman ni Shia.
Napatunghay na lang ito. "Oo nga pala."
"Baka naman kasi tinamad ng lumabas 'yong tao kaya nandun." sagot ko naman.
"Baka nga.''
"Pero ang swerte naman natin kanina. Pinuntahan talaga tayo nilang dalawa kanina. Lalo na ni Lucian." sabi naman ni Shia. Kinikilig ba siya?
"Ibig mong sabihin nina Jethro at Lucian?" tanong ko.
Tumango naman siya. "Oo."
"Bakit naman?''
Tumawa naman siya. "Ano ka ba! Ang popogi kaya nila." sabi nito halatang kinikilig. Hindi ko naman siya masisisi. Kasi may itura naman talaga ang dalawang 'yon.
"Mas pogi nga lang si Lucian kesa kay Jethro.'' sagot ko.
Napatingin naman siya sa akin. "So, ano gusto mo na si Lucian?" sabi ni Shia.
I shook my head. "Hindi naman." cute lang si Lucian idagdag mo pa na matalino.
"Mabuti naman." at nginitian ako nito.
"Bakit?'' tanong ko dito
"Ah, w-wala wala.'' sabi niya.
"Talaga lang ha?" ngisi sa kanya ni Eula at ni Famcy.
"O-oo nga." at umiwas na ito ng tingin.
''Talaga ba?" tanong ulit ni Kiel.
"Oo nga sabi." at napatawa naman si Shia.
Ngumisi lang sila kay Shia. "Sige, maniniwala kami sayo." at tumawa na rin si Eula.
Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa kalsada. "Oh, siya. Paalam na sa inyo nasa kabilang kanto kasi yung sasakyan ko." sabi ni Famcy habang nakatingin sa phone niya.
"Sige, ako rin. Dito na lang ako." sabi naman ni Kiel.
"Ako rin guys, sasabay na ako kay Kiel." sabi naman ni Shia
"Sige." at nagpaalam na kami sa isa't-isa.
"Sige, guys. See you tomorrow." sabi ni Eula.
At kumaway na kami sa kanila. "Bye! See you!"
"Wag kayong ma late ha!" sigaw pa ni Eula.
Tumango naman sila at umalis na rin kami ni Eula. Sa unahan pa kasi kami sumasakay. Mas tipid sa pamasahe dun.
Habang naglalakad kami ay tinignan ako nito ng masama.
"Oh, anong tinitingin mo sakin?" at tinaasan ko pa ito ng kilay.
Naging seryoso naman ang mukha nito ngayon habang nakatingin sa akin. "May ginawa ka ba kina Jethro at Lucian?" at tinaasan niya rin ako ng kilay.
"Ha? Wala ah." sagot ko sa kanya.
"Anong wala ka diyan! Sabihin mo ang totoo sa'kin Veranice." at napahinto pa ito sa paglalakad. Tumaas naman ang boses nito.
"Wala naman eh."
She took a deep breath, "Sabihin muna kasi sa akin kung ano ba ang ginawa mo sa kanila." pag-uulit niya pa.
"Wala nga, Eula.''
"Are you sure?'' she asked.
Tumango naman ako sa kanya. "Oo nga." paninigurado ko dito.
"Huwag na wag kang makikipag-kaibigan sa kanilang dalawa, Vera. Sinasabi ko talaga sayo! Tandaan mo 'yan." seryosong saad nito sa'kin.
Nagtataka naman ako kung bakit, at ano ang dahilan. "Bakit naman?" tanong ko sa kanya. Kasi naging seryoso na ito ngayon.
"Basta hindi maganda ang pakiramdam ko sa Jethro na yan Vera." at hinawakan pa nito ang mga balikat ko.
Kumunot naman ang noo ko. "Ha? Bakit? Paano mo nasabi ang mga bagay na 'yan?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Umiwas naman siya ng tingin. "Basta, stay away from him at lumayo kana rin kay Lucian.''
"At bakit pati si Lucian ay iiwasan ko?" di pwede yan. Cute ni Lucian eh.
"Kasi magkaaway silang dalawa at ayokong madamay ka pa dun, Vera kaya makinig ka naman sana sa akin."
"Ha? Paano ba kasi sila nag-away?" curious lang ako.
"Hindi namin alam, pero bigla na lang silang hindi nagpapansinan noon, nalaman na lang namin isang araw na nag-aaway na pala sila." sagot niya.
"Okay naman siguro na kaibiganin si Lucian diba? Kasi si Jethro naman yung kaaway niya eh hindi ako. At isa pa mukhang okay naman si Lucian."
She sighed. "Hays. Makinig ka na lang sa akin at huwag kang makikipag-kaibigan sa mga katulad nila. Baka madamay ka lang sa gulo nila, lalo na kay Jethro, he's very dangerous Vera especially when he's mad at hindi ako nagbibiro sa iyo. Seryoso ako, umiwas ka na lang sa kanila hanggang sa maari."
"Paano mo naman nasabi 'yan?"
Naiinis na ang mukha niya ngayon. "Vera naman eh! Ang tigas talaga ng ulo mo." tumawa lang ako sa kanya.
I don't believe her. Nakausap ko naman si Jethro at parang hindi naman siya ganong tao. Naniniwala naman ako na kahit ganun siya ay may kabutihan pa rin sa puso niya.
A/N: Keep on reading guys.❤️
BINABASA MO ANG
Jethro's Obsession (COMPLETED)
Teen FictionJethro Ephraim Silvano is one of the dangerous person you will encounter. He's also a smart and talented person. Everyone likes him because he's almost perfect. His handsome face can get everyone he likes, but courting is not his type. Veranice Maq...
