9

26K 601 31
                                    

HER POV

"Bakit hindi ka sasabay sa amin sa cafeteria?" tanong sa akin ni Eula ngayon. Nandito na kasi kami ngayon sa baba sabi kasi saakin ni Lucian dito ko na lang siya hihintayin. At ayokong makita kami ni Eula kasi paniguradong maiinis sa akin 'yon.

"Sa labas kasi ako kakain ngayon. Kaya hindi ako makakasama sa inyo ngayon." sagot ko sa kanila.

"Sinong kasama mo?" tanong ni Kiel.

"Bakit? Sasama ka ba?" biro ko pa.

"Hindi naman, sasamahan ko na lang sina Eula sa cafeteria."

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Eula. "Kakain sa labas tapos ano? Sinong kasama mo? Lalaki na naman ba yang kasama mo?" tanong ni Eula na sa akin at halatang naiinis ito.

"Oo." sagot ko na lang sa kanya. At hindi ko pwedeng sabihin na si Lucian ang kasama ko ngayon kasi mas lalo lang siyang maiinis.

"Sino ba 'yang kasama mo? Dito rin ba siya nag-aaral?"

Bakit ba marami itong tanong ngayon sa akin. "Ah... oo."

Hinampas naman ako ni Eula sa balikat. "Aba't! Kabago-bago mo lang dito tapos may lalake ka ng kikitain? May pinalit kana ka agad kay Perth?!" tanong niya sa akin. Si Perth kasi yung latest ko na ex.

Same school kami noon, pero lumipat na ako dito. I broke up with him kasi napaka possessive niya sa akin and I didn't like it. Minsan kasi nakakasakal na rin kaya iniwan ko siya.

"Parang hindi ka pa nasanay sa'kin Eula." sabi ko sa kanya.

Bigla namang pumagitna si Shia. "Sino ba kasi ang sasabayan mong mag lunch ha?!" tanong niya sa akin.

Ayoko namang magsinungaling sa kanilang lahat pero kailangan. "Basta... sa susunod ko na lang sasabihin sa inyo, ano kasi-" natigil naman ako nang makita ko si Lucian sa di kalayuan na papunta na sa amin ngayon.

Oh no! Huwag kang lumapit dito! Mapapagalitan ako!

"Sino ba kasi yan?" tanong din ni Famcy.

Hindi na nga ako mapakali ngayon sa kinakatayuan ko. "Ano... ano k-kasi...''

No... He's already coming. Wala na akong panahon para tumakas kasi nakita niya na kami ditong lahat.

Nang makalapit ito sa amin ay binati niya kaming lahat. "Hi guys." sabi niya at agad naman itong lumapit sa akin, nakita kong nagulat na naman silang lahat lalo na si Eula.

"Lucian?!" gulat na gulat na saad ni Shia.

"Hi ulit sa inyo!" at binigyan niya ng napakalaking ngiti ang mga kaibigan ko.

Tinignan naman ako ng masama ng pinsan ko. "Ikaw ba ang kasama ni Vera na kakain sa labas?" Eula asked Lucian, napapikit na lang ako.

Lucian nodded, "Yeah, I am."

Tumango-tango naman si Eula habang nakatingin sa akin. "Ikaw pala."

"Yes, and by the way. I would like to introduce myself again to all of you." sabi nito.

"Ay, huwag na! We already know you." sabi ni Famcy.

Lucian laughed. "Really?

"Oo, kaya! Kami na lang ang magpapakilala sayo. I am Famcy." pagpapakilala ni Famcy sa kanya. At nakipagkamay ito kay Famcy.

Sumunod naman si Kiel. "And I'm Kiel."

"Nice to meet you."

"And I'm Eula." at nakipagkamay din ito dito.

Tumingin naman si Lucian kay Shia at akmang lalapit na ito papunta sa kanya pero lumapit ito sa akin. "Are you already courting our friend here?" sabi ni Shia at bigla ako nitong inakbayan.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon