7

27.6K 643 27
                                    


VERANICE'S POV

"Gumising kana diyan, Vera!" at naramdaman kong hinampas ako ng pinsan ko ng unan.

"Ouch." napahawak naman ako sa braso ko.

"Anong ouch ouch ha?! Anong oras na oh! Alas syete na kaya! Hinihintay kana ng Papa mo sa kusina!" hays, parang nanay ko talaga kung umasta 'tong si Eula minsan eh.

Kaya naman minulat ko na lang yung mga mata ko kahit na inaantok pa talaga ako.

"Ano ba, inaantok pa ako eh." reklamo ko.

"Hindi ka ba papasok ngayon?!" at ayan na naman siya.

Late na ako natulog kagabi at kulang pa ako sa tulog. "Hindi na mamayang hapon na lang siguro."

Tumaas naman ang kilay nito. "Anong hindi ka diyan! May quiz tayo kay ma'am Torelli!" Shoot! May quiz pala kami ngayon. Nakalimutan ko na naman.

Napahawak naman ako sa noo ko. "Oo nga pala. Sige, mauna ka na lang sa school. Sa second period na lang ako papasok. Hindi na rin naman ako aabot sa first period eh." sabi ko sa kanya.

"Siguraduhin mo lang na papasok ka ha. Kundi lagot ka talaga sa akin, Vera!" pagbabanta nito sa akin.

Tumango naman ako. "Oo nga." sabi ko.

"Sige, aalis na ako ha. Pumasok ka sa second subject." at padabog pa itong lumabas ng kwarto ko.

Makatulog na nga ulit.

I was about to close my eyes nang may biglang tumawag sa cellphone ko.

Argh.

At sino na naman ba 'to.

Kinuha ko naman ng cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag sa akin. Hindi naman naka save kung sino ang tumatawag tanging number lang.

Agad ko itong sinagot baka kasi emergency to.

"Hello?" sagot ko.

[Hi!"] at may sumagot naman sa kabilang linya.

"Who's this?" kumunot naman ang noo ko.

[It's me, Lucian.]  bigla naman akong napangiti ng malamang si Lucian pala 'to. Pero paano niya nakuha ang number ko?

"H-hello, paano mo nakuha ang number ko?"

[I have my ways, Vera.] at napatawa siya.

"Ha?" naguguluhang tanong ko dito.

[Ah, wala... wala. Gusto lang sana kitang yayain mamaya. I want to take you out later for lunch. If it's okay?]  he said on the other line.

"Me?" hindi naman kasi ako makapaniwala.

[Yeah, you.]

"Huh? Why?" I asked. And what's his reason?

[Wala lang gusto lang sana kitang makasama. I want to learn more about you.]

Napatulala naman ako ng ilanv sandali sa mga sinasabi niya. Am I hearing it right? O baka naman tulog pa rin ako ngayon at panaginip lang 'to.

[Vera? Are you still there?] at duon na ako natauhan.

"Yeah... I'm still here." sagot ko sa kanya.

Pero bigla ko namang naisip ang sinabi sa akin ni Eula. Alam kong magagalit iyon kapag sumama ako kat Lucian.

Binigyan niya na kasi ako ng babala na huwag na huwag nang sumama sa kanila ni Jethro, baka raw kasi mapahamak lang ako sa away ng dalawa.

[So, hmmm. Can I take you out later?] pag-uulit niya pa.

"Uhm... I don't know, Lucian..." at hindi ako makapag-isip ng palusot para tanggihan siya.

[Please... promise ibabalik naman kita ng ligtas sa school after lunch.]

Nahihiya naman akong tumanggi pero kapag pumayag naman ako sa kanya ay siguradong mapapagalitan ako ni Eula. "Lucian... ano kasi eh-"

[Give me a chance to take you out later, please. I promise that will have fun later.] pangungumbinsi niya pa.

Nahihiya na talaga akong tumanggi. Siguro I can agree with him naman. Pero sisiguraduhin ko lang na hindi malalaman ni Eula 'to. "Ah, sure.. sure... We can go out later." na sabi ko na lang.

[Really?] halatang masaya siya sa sagot ko.

"Yeah " and I smiled

[Alright, see you later]

"Okay." at binabaan ko na ito.

Hindi ko alam kung bakit pangiti ngiti na rin ako ngayon, at parang bigla naman akong ginanahan pumasok sa school ka-agad.

Damn! Lucian just invited me to have a lunch with him later! Ang cute kaya niya.

Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto at pumunta na sa kusina.

Nadatnan ko si Papa na nagkakape.

"Hi, Pa!" bati ko dito.

"Anong oras na ah! Bakit ngayon ka lang naman nagising! Yung pinsan mo nauna na!" sabi ni Papa.

"Alam ko po, Pa. Baka ma late pa siya kaya pinauna ko na lang."

"Pero ikaw nandito pa rin?" at tinignan naman ako ng masama ni Papa.

"Hehe, late na po akong nagising, pa. Sorry na kaagad." excuse ko.

"Tsk, ikaw talagang bata ka! Pag bumagsak na naman ang mga grades mo lagot kana talaga sa'kin!" pagbabanta ni Papa.

"Sus, bakit anong gagawin mo kapag bumagsak ako ulit, pa?" Tanong ko kay Papa.

"Hindi na kita papagalain." mahirap talagang hindi makagala.

"Eh, pa naman eh."

"Pag bumagsak ka pa talaga ngayon, Vera lagot kana talaga sa akin. Nako, sinasabi ko sayo ha." at sumimsim na ito ng kape niya.

"As if kaya mo naman pa, ako ata ang prinsensa mo diba?" at niyakap ko si Papa.

Kahit na matigas ang ulo ko. Aminado naman akong mahal na mahal ako ni papa. He really loves me at gano'n din naman ako. I love papa so much.

Simula kasi ng nawala ang Mama ko, ay mas naging malapit lang ako kay Papa.

My mother died because of their mission that time, she's a Police too. Pero wala ng nagawa si Papa dahil huli na ang lahat. And now my father is giving me all the things he can afford for me. At para punuan lahat ng puwang na nararamdaman ko.

Syempre, iba pa rin talaga kapag buo ang pamilya mo. Mas masarap 'yon sa pakiramdam. Pero sa ngayon, I'm just lucky to have papa as my dad. He's the best.

"Hays, dinadaan mo na naman ako sa pa ganyan ganyan eh."

"Kasi ako ang kahinaan mo eh, kaya mahal na mahal kita papa eh!"

"Ako rin Anak, at di ko hahayaang may mangyayari sa 'yong masama." at nginitian niya ako.

"I know, pa." at niyakap na rin ako ni Papa.

Napangiti na lang ako, kahit late na pala ako.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon