Her POV
Kakatapos ko lang magbihis at sinadya ko talagang bagalan yung mga kilos ko. Bahala siya dyang maghintay sa'kin.
Nang makatapos na akong makaayos ay lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan ko silang dalawa sa sala.
Nakita ko paring nag-uusap silang dalawa at sa nakikita ko ngayon ay parang tuwang-tuwa talaga si papa sa kanya.
"Sa wakas, Vera. Nakalabas ka na rin ng kwarto mo." sabi ni papa. Kaya napatingin naman sa akin si Jethro.
Simple lang yung suot ko ngayon, just jeans and t-shirt na white at rubber shoes. Ang swerte naman yata niya pag inayusan ko siya ng bongga.
I smiled fakely. "Balak ko pa nga pong magtagal eh." sabi ko kay papa.
"Asus, oh siya... sige na. Umalis na kayo ni Jethro. Para maaga pa kayong makabalik mamaya." sa sinabing iyon ni papa ay tumayo na si Jethro.
"Sige po, tito. I promise to bring her back safely."
Tinignan naman siya ni papa. "Basta yung usapan natin ha." sabi ni papa at nginitian si Jethro.
Ano naman kaya ang pinag-usapan nilang dalawa.
"Oo naman po, tito."
"Mabuti naman. Sige na. Umalis na kayong dalawa. Mag-ingat ha." sabi ni papa.
"Sige pa. Aalis na kami." sabi ko at lumabas na ako ng bahay.
Sumunod naman sa akin si Jethro.
"Get in the car." utos niya. Kaya naman pumasok na ako sa kotse niya. As usual, ako pa rin naman ang nagbukas ng pinto ng kotse.
Pagpasok namin sa sasakyan ay nagbago na naman ang mukha nito. Magaling talagang magpanggap 'to eh. Kanina lang ay mukha siyang anghel na anghel na nahulog sa langit eh.
"Saan ba kasi tayo pupunta ha?!" tanong ko dito.
"Basta." he said and he started to start the engine of his car.
Naalala ko naman kung pano niya nahanap 'yong bahay ko. Kasi hindi ko naman 'to nabanggit sa kanya. "Wait, paano mo pala nalaman kung na saan ang bahay ko ha?" tanong ko sa kanya.
He smirked. "I'm Jethro Ephraim, remember?" and he winked at me.
"You're crazy."
"Crazy for you." banat niya sa akin.
"Eww, gasgas na yan!"
Ano ba talaga ang pumasok sa kukote nitong taong 'to ha? Bakit parang naging baliw na siya?
Is he okay?
"If I were you, magpahinga ka na lang diyan, kasi mahaba-haba pa ang byahe natin." sabi niya.
"Argh. Siguraduhin mo lang na hindi impyerno ang pupuntahan natin." sabi ko.
He laughed. "Of course not, trust me." at ngumiti na naman ito sa akin.
Napapansin ko na napapadalas na ata itong ngumiti ah. Well, at least this is good. Kesa naman na nakabusangot siya lagi.
"Bahala ka diyan." at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa bintana.
Habang nasa byahe kami ay walang nagsasalita sa amin.
Manigas siya.
Noong nakaraan ay naawa pa ako sa kanya, pero ngayon medyo naiinis na ako sa kanya. Mukhang mabuti pa kasi kung may lagnat siya eh, kasi mabait siya pag may lagnat.
Hindi katulad ngayon.
Habang nasa byahe kami ay nagpatugtog lang siya ng music para hindi raw ako ma bored.
BINABASA MO ANG
Jethro's Obsession (COMPLETED)
أدب المراهقينJethro Ephraim Silvano is one of the dangerous person you will encounter. He's also a smart and talented person. Everyone likes him because he's almost perfect. His handsome face can get everyone he likes, but courting is not his type. Veranice Maq...
