Her POV
Finally, it's Friday! My favorite day!
Pero not today, marami kasi kaming test ngayon. It's our midterm and it's stressing me out. Hays... dalawang test pa ang natitira bago ang uwian.
Feel ko malapit ng mag give up ang brain ko ngayon.
Nakapagreview naman ako simula pa noong nakaraan at kagabi. Hindi ko lang talaga alam kong nakapasok lahat ng nireview ko sa utak ko.
Hays.
Nakayoko lang ako ngayon sa desk ko. Gusto ko ng matulog. Kulang pa kasi ako sa tulog kagabi dahil sa kakareview ko.
"Hey." someone patted my head. Kaya napatingin naman ako kong sino iyon.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Oh, Lanny. Ikaw pala." sabi ko dito. Habang tumatagal ay nagiging okay naman kami ni Lanny, sa una lang talaga akala mo ay mataray siya pero kapag nagkasundo naman kayo ay mabait naman siya.
"Here." at binigyan niya ako ng paper bag.
Kinuha ko naman iyon. "What's this?"
Ngumiti naman siya. "Open it."
Kaya binuksan ko naman ang binigay niya sa akin. At puno iyon ng bars of chocolates.
"Para sakin ba 'to?" tanong ko dito.
She nodded. "Oo."
"Seriously?"
She nodded again. "Yup."
"Nako, salamat! Favorite ko pa naman 'to! Pero bakit ang dami naman nito, Lanny? Mukhang hindi ko na 'to mauubos." kasi puno ng chocolates ang paper bag.
"Hindi ko rin alam eh."
"Ha? Anong hindi mo alam?"
She sighed. "Hindi naman kasi sakin galing iyan eh, pinabibigay niya lang." sabi niya.
My forehead knotted "Pinabibigay ni sino?"
"Ako." at bigla na namang sumulpot si Jethro sa harapan naman. Wala na talaga 'tong ginawa sa buhay ko kundi ang sumulpot kung saan saan, simula kasi nung kumain ako sa kanila ay hindi niya na ako tinitigilan. Bigla na lang siyang susulpot sulpot kung saan saan.
"Parang ayaw ko na ata." kasi bakit niya naman ako bibigyan nito.
He glared at me. "Don't you dare, Vera, eat it. Para gumana naman 'yang utak mo." sabi niya.
"Aba't! Anong akala mo sakin ha?!" sigaw ko sa kanya. At medyo napalakas ato 'yong sigaw ko kaya napatingin yung iba kong kaklase sa akin.
"Biro lang naman, pero totoo talaga 'yon." sabi niya, kaya naman hinampas ko siya sa braso.
"Walang hiya ka talaga!" sabi ko.
Lahat ng kaibigan ko ay nagulat sa paghampas ko kay Jethro. Lalo na si Lanny, lalo na't tumiim bigla ang bagang ni Jethro sa ginawa ko at tinignan ako ng masama.
Oh no...
I think I'm in danger.... again.
Someone help me.
"You." napapikit naman ako at nagulat na lang ako when he suddenly pinched my nose.
Kaya napamulat naman ako. "Ouch! ang sakit nun ha!" At hinawakan ko pa ang ilong ko.
He chuckled. "Ang arte."
Tumayo naman ako at nilapitan ko na siya. Kanina niya pa ako ginugulo eh.
"Sinong maarte ha?!"
"Wala... wala." and he suddenly smiled again. Napapadalas na ata siyang ngumingiti ah.
Agad ko naman naalala 'yong ginawa niya kaya tatarayan ko na lang to ulit. "Oh sayo na 'tong chocolate mo." sabi ko sa kanya.
"Sabi ng sayo na 'yan eh."
"Ayoko nga eh."
Pinandilatan pa ako ni Jethro. "Sayo na."
"Stop it! Tumigil na nga kayong dalawa, para kayong aso't pusa kung mag-away." suway sa amin ni Lanny. Tumawa naman si Theo at lumapit sa amin.
"Hey, hon. Chill lang. Ganyan lang ata silang magmahalan." biro ni Theo.
"Tsk. Stop it. Theo." he said. Tinignan naman ako ni Jethro. "And you, aalis tayo bukas." he said tapos bumalik na ito sa upuan niya.
At saan naman kami pupunta ha? Ni hindi nga ako pumayag sa kanya eh.
"Yun oh! Mag d-date kayo no?!" si Theo.
Agad naman akong lumingo. "Ano?! Hindi ah!" sabi ko naman.
"Asus, sige. Good luck na lang sa inyo bukas ha. Enjoy kayo sa date niyo" si Theo, at inakbayan na si Lanny, at bumalik na rin silang dalawa sa upuan nila. Mapang-asar talaga si Theo. Kaya umupo na rin ako.
Bigla namang napatingin sa akin si Eula. "Uy! Veranice ano yun ha!" sabi ni Eula.
"Yieee, Vera! May date kayo ni Jethro?" isa pa tong si Fam eh.
I sighed. "Wala yun."
"Mas boto ako kay Jethro kesa kay Lucian!" sabi ni Kiel.
"Sus! Takot ka lang kay Jethro eh." sabi ko dito.
"Hindi ah!"
"Pero nakakagulat lang na hindi sayo nagalit si Jethro kanina ha." sabi ni Shia.
"Oo nga, siguro may gusto yung Jethro sayo ano? Kasi parang ibang tao siya kapag kasama ka eh." sabi ni Fam.
"Ew! Tigilan niyo na nga yan. Kadiri." sabi ko. Hindi ko ma imagine yung mga pinagsasabi nila. Alam ko namang iba ang gusto niya. Si Charlotte iyon at hindi ako.
"Nako, Vera. Sinasabi ko sayo. Umayos ka baka ma in love ka diyan kay Jethro." si Eula.
"Bakit nagseselos ka ba?" tanong ko. Malay ko ba! Baka kasi gusto niya rin si Jethro. At iyon talaga ang dahilan kung bakit niya ako pinapaiwas kay Jethro.
"Hindi ah, ang akin lang naman ay maraming babae yan. At sa tingin ko hanggang ngayon ay sila pa rin ata ng Charlotte na 'yon."
"Wala akong pakialam. Hindi ko naman gusto si Jethro eh."
"Baka sa huli, kakainin mo 'yang sinasabi mo Vera." At ngumisi pa si Eula.
"Never, Eula." I said confidently.
"Let's see."
"Eh, ikaw nga eh. Alam kong may nagugustuhan ka na tapos hindi mo pa rin sinasabi sa akin." sabi ko sa kanya.
"A-ano?" at nagulat naman siya sa sinabi ko.
Lumapit naman sila sa akin. "Talaga? Sino yung gusto mo Eula ha?" tanong ni Shia.
"Oo nga! Bakit hindi mo sinasabi samin?" si Fam.
"Vera, sabihin mo nga samin kung sino." sabi ni Shia.
"Oo nga, Eula sabihin mo saamin! Sino yan!"
Umiwas naman siya ng tingin. "W-wala ah." nauutal pa siya.
"Sus, sabihin muna kasi sa amin kung sino yan, tutulungan ka namin." sabi ko sa kanya.
"Wala nga." at halatang nagsisinungaling ito.
Bigla namang tumayo si Kiel. "May nagugustuhan kana pala Eula?" tanong ni Kiel. Ba't ganito 'to.
Okay lang ba to?
Napatingin naman si Eula sa kanya. "H-hindi totoo yan. Wag kayong maniwala diyang kay Vera."
"Sus, deny pa."
"Wala nga eh."
"Ah, guys, mag c-cr lang muna ako ha." sabi ni Kiel at bigla itong lumabas ng room.
What's wrong with him?
A/N: Bukas naman po ang chapter 23.
BINABASA MO ANG
Jethro's Obsession (COMPLETED)
Fiksi RemajaJethro Ephraim Silvano is one of the dangerous person you will encounter. He's also a smart and talented person. Everyone likes him because he's almost perfect. His handsome face can get everyone he likes, but courting is not his type. Veranice Maq...