24

20.3K 514 16
                                    

Her POV

Maaga pa akong nagising ngayon kasi napag-sipan kong mag jogging. I really need to exercise pampabawas ng stress sa kakatapos naming midterm.

Kinuha ko muna ang cellphone ko. Gusto ko munang icheck yung mga social media accounts ko. Mag f-facebook lang muna ako ng mabilis bago umalis ng bahay. When I opened my phone ay maraming notifications naman agad ang bumungad sa akin. Maaga pa kasi akong natulog kagabi eh kaya hindi na ako nakapag cellphone pa.

Pero may dalawang notification ang nakakuha ng atensyon ko.

Totoo ba to or poser account niya lang? Agad ko naman itong tinignan and I stalked it.

It's him! Si Jethro nga. He added me on Facebook and he also followed me on Instagram. I thought he's not into this pero bakit may socia accounts nato? But for real? Kagabi niya lang ginawa ang account niya. Pero ba't ganto na? Bakit ang dami na niyang followers at likers ha? Dinaig niya pa ako.

Wala na naman akong magagaw kund ang eh followback siya at i-accept ang friend request niya. Baka kasi manumbat pa iyon.

Pagkatapos ko siyang i-accept sa facebook ay nagulat naman ako kasi nakita kong ako pa lang pala ang friend nito sa facebook tapos ako pa lang din ang finafollow niya sa IG.

Ano bang pumasok sa kokote nito ha?

Sa almost 500 followers niya ay isa pa lang ang finafollow nito at ako yun. Nako, baka hindi pa siya nakafollow ng iba. Kagabi niya lang kasi nagawa eh. Tama! Baka ganun nga.

Maya-maya lang ay may nag pop-out agad namang chat head sa cellphone ko. Someone chatted me. Ang aga aga pa ah, sino kaya 'to.

Pero parang nagulantang naman ako ng malaman ko kung sino iyon. Si Jethro lang naman iyong nag chat. Ang aga naman niyang nagising.

[Good morning.] 'yan yung chat niya sa'kin. Kaya agad ko naman siyang nireplyan.

"Himala may social media account ka na ah." reply ko sa kanya.

[I just know that you're active in this platform. So, I decided to make an account and I followed you on Facebook and Instagram.]

Iyan iyong laman ng mensahe niya. What does he mean?

"I see." I replied.

Maya-maya lang ay nag chat siya ulit.
[And remember, aalis tayo mamaya, be ready.]

"Ayoko nga diba." I replied.

[If I were you, magsimula ka ng mag-ayos diyan kasi susunduin kita.] reply niya. Sus, as if na alam niya 'yong bahay ko.

"Kung mahanap mo ang bahay ko. Bleh!" yan yung reply ko.

Maka log out na nga. Bahala siya diyan magjojoging na lang ako. Iniwan ko na ang cellphone ko sa mesa at lumabas na ako ng bahay at nagsimula na akong magjoging.

Ikot-ikot lang ako dito sa kalsada. Mamaya na ako uuwi pag sumikat na ang araw.

Hindi naman ako natatakot na magjoging dito kahit mag-isa lang ako eh. Kasi halos kilala naman na ako ng lahat ng mga tao dito eh. Lalo na at pulis pa ang Papa ko.

Ilang ikot pa ang ginawa ko dito. At marami naman akong ibang taong nakakasabay mag jogging. Hindi ko alam kong ilang oras na ba ang lumipas. Ang alam ko lang ay nakakaramdam na ako ng pagod kaya naisipan ko ng umuwi. Mataas na rin kasi ang sikat ng araw eh, kanina paglabas ko ng bahay ay hindi pa sumisikat ang araw ngayon mataas na.

Nag jog lang din ako habang pauwi sa bahay. Pero sa kalayuan ay may nakita akong sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay namin. Kanino iyan? Parang ngayon ko lang 'to nakita dito ah.

Siguro may tao sa bahay siguro ay kasamaha lang ni papa sa trabaho niya. Kaya dali-dali naman akong pumasok ng bahay para tignan kung kaninong kotse ba iyong nakaparada sa labas ng bahay namin.

Nakita ko naman kaagad si papa na nakaupo sa sofa. "Pa kaninong kotse yung nasa labas-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi nagulat ako kung sino ang nasa loob ng bahay namin ngayon.

My jaw dropped. "Ikaw?!" singhal ko dito.

Napatingin naman sa akin si papa. "Oh, anak nandito kana pala." sabi naman ni papa.

"Pa, anong ginagawa niyan dito ha?!" tanong ko kay papa. Paano ba naman kasi nandito si Jethro sa bahay namin ngayon. At pangiti-ngiti pa ito ngayon kay sa akin. I shouldn't have challenged him like that. I almost forgot that he is Jethro Ephraim Silvano.

"Ah, ito bang si Jethro? Mag d-date raw kayo ah." sabi ni papa.

"Ano po, date?!'' tinignan ko naman si Jethro ng masama. Kasi kung ano-ano na yung mga pinagsasabi niya kay papa.

"Oo anak, pero ang gwapo naman ng manliligaw mo anak." puri pa ni papa sa kanya.

Napangisi naman Jethro. "Nako, tito hindi naman po." at ngumiti pa ito ng nakakaloko sa akin. Parang nalaglag naman ang panga ko sa inaasta niya. Yung totoo si Jethro ba to? Ba't parang ang bait-bait niya ngayon ha.

Napatayo naman si papa. "Alam mo anak, sa lahat ng mga manliligaw mo. Para sa akin siya talaga ang pinakagusto ko para sayo." sabi ni papa at nakipag fist bump pa ito kay Jethro.

Seriously? They are kidding right? Kailan pa sila naging close ni Jethro.

"Pa, hindi ko nga 'yan manliligaw."

"Sus, wag ka ng mahiya anak. Okay lang kay papa. Masarap ngang kausap itong si Jethro eh." at inakbayan pa siya ni papa.

Si papa kasi hindi naman yan masyadong mahigpit sa akin. At kung may manliligaw man ako ay kinikilatis niya muna 'yon. Kasi naniniwala siya na mabuti na lang na alam niyang may boyfriend ako kesa sa itatago ko yun sa kanya. At ano ba ang pumasok sa utak nitong si Jethro ha? Naumpog ba 'to sa manibela ng sasakyan niya?

Jethro is making me frustated. "Pa naman! Paalisin niyo na nga yan dito sa bahay." at hinitak ko na si papa papalayo kay Jethro.

Nagtaka naman si papa. "Nako, bakit naman? May dala pa nga siyang pagkain oh, at ito pa anak. Marami siyang dalang kape galing pa raw to sa labas anak. Mamahalin ata to tiyak na masarap talaga to!" sabi pa ni papa at binuksan ang paper bags na nasa mesa. Ganun naman pala eh. Nadala siya sa suhol ni Jethro na kape.

Mahilig kasi sa kape yang si papa eh, lahat makakasundo niya basta kape na ang pag-uusapan. At isa pa pano niya nalaman yun? Was it a coincidence?

"Pa, naman, paalisin niyo na nga siya dito."

Tumingin naman sa akin si papa. "Vera naman, wag ka ngang ganyan. Bigyan mo naman ng chance itong si Jethro. Sige na maligo kana at magbihis kana dun." pagtataboy pa ni papa sa akin.

"Papa naman eh."

"Sige na anak." patutulak pa niya.

Nagdabog pa ako. "Pa, naman eh."

"Sumama kana kasi, Vera. I promise you'll enjoy our date. And I also promised tito na I'll keep you safe." sabi ni Jethro at ngumiti ito ng napakalawak. Date? What date? He is not serious about this, right?

"See, anak? Dali magbihis kana at sumama sa kanya."

I sighed.

Wala na akong magagawa dito. Pinagtutulungan na ako ng dalawa. Padabog naman akong pumasok sa kwarto ko para magbihis!

A/N: Please vote readers. Thank you ❤️

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon