Kabanata 3

21 2 2
                                    

Swimming

Time flies so fast and our 2nd quarterly finals is fast approaching. The room is so busy, not because of studying but doing our requirements. I'm not really a grade conscious and my parents are both not expecting me too much, ang sa pagkakaalam ko.

2 days from now exam na namin kaya hininge na naming free time para kuno mag-aral, pero ito kami ngayon kanya kanyang daldalan. Except sa mga honors namin since mga grade conscious. I rolled my eyes, kunwari nagsusulat for reviewers pang kodigo naman nila.

Di naman sa nagmamalinis. Di namang maiiwasan nang ganon. Pero I don't do kodigs, I prefer asking secretly during examination. At least doon di ka sure kung tama ang sagot basta may maisagot ka lang. Kodigo is just too much.

Since free time naman nagbilogan na naman kami sa may pwesto ni Jane. Instead of talking about our subject, mas pinag-uusapan pa namin ang outing namin this sembreak.

"So doon nga tayo sa pool nila tita mo?" Tanong ni Hany kay July.

"Oo, para may discount tayo. Tsaka may dagat din sa baba non." July explained.

"Magkano ba ang entrance?" It was Niel who asked this time.

"350 lang naman."

"AY JUSKO, MAY DISCOUNT NA YAN?!" Nagulat kami bigla sa sigaw ni Niel, lalo na ako na katabi niya lang!

Hinampas ko siya bigla, "Huwag ka nga sumigaw!"

"Mahal naman kasi, gulat lang din ako birhen." Huminto siya saglit bago dinugtungan, "Mahal niyan July wala akong pera."

"Walang pera, pero kain nang kain." Sagot ni Fort sa kanya, na katabi ko lang din sa may kanan.

"Pagkain kasi yun." Umirap pa si Niel sakanya.

"May pagkain naman don ah? Edi wag ka sumama." Balik naman ni Fort.

Natatawa nalang kami sa dalawa. Eto talagang si Fort walang araw na walang kabangayan, kung hindi ako napagtripan yung ibang kaibigan naman.

"Puta, magsagotan pa kayo at matatapos talaga tayo dito sa drawing natin." Jane said.

"Tama, mmm" Pagsang-ayon ni Franz kay Jane.

Napag-usapan nga namin na sa pangatlong araw ng sembreak ang swimming namin. Ambag ambagan naman daw kami para sa pagkain at KKB sa entrance.

"Hala ang mahal naman kasi ng entrance, wala bang mas ikakamahal niyan?" Umaasang wika ni Niel.

"Sagot na kita, Niel." I said, para wala ng problema.

"HULOG KA NG LANGIT BIRHEN!" He said happily and hug me so tight, hinampas ko na naman siya.

"Hala, ako din Miks." Napatingin ako kay Lence, hay nako. I nodded and nagyakapan na ang dalawang bakla.

"Iba talaga pag rich." Fort teased me. I just rolled my eyes at him. I can only offer help when it comes to financial needs. May kaya naman ako at yun lang naman ang  maitutulong ko. May mga pera naman ang nga ito kaso ang kukuripot.

Si Fort na ang nagprisenta na van na nila ang gagawing service namin sa outing. Balak namin whole day, mga walang magawa sa buhay.

Dismissal came at nagkayayaan na namang tumambay sa bahay nila Jane, game naman ang lahat kaya nagsibilihan kami ng pancit canton at tinapay para sa meryenda namin.

My friends are really noisy kaya habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Jane, walking distance lang kasi, pinagtitinginan kami ng mga tao and my friends doesn't care and never will. I just stayed quiet sa likod nila.

As usual may kabangayan na naman si Fort, si Hany naman ngayon.

"Ba't kasi nanunulak ka?" Sigaw ni Hany kay Fort.

"Nakaharang ka kasi sa daanan ang bagal pang maglakad." Walang pakeng sinabi ni Fort sakanya.

"Ba't tulak? Paano kung nasagasaan at namatay ako?!"

"Patay ka naman talaga ,ah."

"Buhay pa ako, bobo."

"Patay na patay sakin." Banat ni Fort na napatahimik kay Hany at nagmartsa palayo at lumipat kila Jane na nauna na sa harap.

Fort find it funny kaya inaasar niya si Hany hanggang makarating kami sa bahay nila Jane.

I look around, di naman ganon kalaki ang bahay nila dito. They're biggest mansion is located sa province nila and they have small mansion sa Tagaytay.

Dumiretso kami sa kwarto ni Jane, her room is spacious kaya kahit buong kaklase pa ang nandito ay kasya.

After putting our bags somewhere nagkakanya na kami. July and Franz joined Jane sa kitchen to ready our canton. Niel and Lence are in there games again, Hany and Fort are still at there LQ.

Humiga ako sa higaan at nagsscroll nalang sa phone, searching for a movie to watch pero wala akong mahanap.

"Ba't ka namula kanina? Ayiie, crush mo ko Hany noh?" Asar ni Fort.

"A-sa! Feelingero kang bakla ka!" Tanggi ni Hany. Fort just laugh and continued teasing Hany.

I smiled. They're so cute, I've been imagining them as a couple. Love and hate kind of relationship.

I was bored there so I decided to go to the kitchen. Pagkarating ko don, pinag-uusapan nila ang magiging outing namin.

"Gusto ko may karaoke doon ah," pagsisingit ko sa usapan at umupo sa may countertop.

"Syempre, matik na yun!" July said.

"Baka puro kanta ka na naman, Miks." it was Jane.  I just grinned.

Nang maluto ang canton ay bumalik na kami sa kwarto. Wala pang isang minuto ay naubos na agad ang meryenda.

"Patay gutom." Komento ni July.

"Di ba kayo kumakain sa buong buhay niyo?" Nagtaas ng kilay si Franz.

"Duh, walang pancit canton sa bahay." Umirap si Lence.

"Ay rich," sabay sabay naming  wika.

We finalized our upcoming outing and after nagtanongan na kami ng mga pointers to review. Nagtagal kami doon ng dalawang oras at umuwi na din kami. Magkasabay kami nina Hany at Fort, kaya nag aabang kami nang masasakyan na jeep.

My friends may be rich pero di sila maarte that's what I like them. Di sila matapobre and they don't brag their money and power.

The finals came and nahihirapan na naman ako sa lintik na math na yan. Thank God, it's Friday the last day of our examination.

Nang matapos na namin ang last subject ay nagsigawan ang mga bakla nang makalabas na kami sa campus.

My friends are looking forward sa outing namin, ako din.

At dahil maaga pa naman ay tumambay na naman kami, kila Hany na naman ngayon.

Wala naman kaming ginawang bago, just the usual asaran, kainan at kwentohan lang naman ang ginawa namin. Nang gumabi na ay nagpasya na kaming umuwi. Wala akong kasabay sa jeep dahil sa kabilang lane ang daan ko palayo sa school while the others is going south, papuntang school.

It was another draining day so I hoped na makapagpahinga ako nang maayos.

el océano me está llamandoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon