Weird
Natapos ang sembreak namin nang nasa bahay lang ako. I didn't have time para umalis ng bahay para i-enjoy ang vacation—actually yung parents ko talaga ang walang time roon. Naging busy sila these days sa company, minsan ko na nga lang sila maaabotan sa bahay. Umuuwi sila late na ng gabi and aalis din ng sobrang aga. I understand that, maybe may problema lang sa company.
Kahit ganoon, I still enjoyed the vacation. I helped lola sa garden and I took good care of her. Sinamahan ko din siya isang beses sa checkup niya.
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school papunta na sa room, as I walk napapansin ko yung mga tingin ng ibang estudyante ang iba pa ay nagbubulongan habang nakatingin sakin na mapanghusga.
Anong problema ng mga jotao?
Di ko na lamang sila pinansin at dumeretso na ako sa room namin.
Pagkadating ko ay andon na halos lahat ng mga kaibigan, wala pa Hany and Fort.
Agang aga nakabilog na naman ang lima medyo seryoso ata yung pinag-uusapan nila. Nakita ako Niel kaya napatingin din sila sa'kin, I smiled at them ngumiti din naman sila at nag-bubulongan na naman ulit.
"Anong meron?" Tanong ko sakanila nang nakalapit na ako. Nagkatinginan pa muna sila bago nagsalita si Franz.
"May taong pabagsa—" Lence cut him off, "Wala, pinag-usapan lang namin yung nangyari sa outing natin."
I just nodded kahit parang may tinatago sila sa'kin. Umupo na ako sa tabi ni July at nagkwentohan na kami sa anong ganap namin during vacation. Habang nag-uusap ramdam ko pa rin na parang may mali at lagi kong nahuhuli si Jane na nakatingin sakin pero nginingitian lang niya ako.
Nang dumating si Hany ay nginitian niya ako and I can see in her eyes na parang nag-aalala siya sakin or naaawa. Kumalas na ako sa bilog at umupo na sa upuan namin seatmate na kasi kami.
"Hey, akala ko malelate ka pero it seems like si Fort ang malelate ngayon." Bati ko sakanya, "how's vacation? I spent mine at home lang, since my parents were so busy."
"It was fine. The usual, umuwi kami sa province to visit our relatives there." She smiled, "Are you okay?" may pag-alala sa boses niya.
Nagtaas ako ng kilay, "what's with you? I'm fine. Why you people are acting so weird today? Pati din yung mga bakla." She didn't answer me until nag homeroom na, and Fort is late for the first time!
Lunch came and we decided na sa canteen nalang daw kami kakain. Like earlier, pinagtitinginan na naman ako at may kasamang pagbulong pa. Ano bang meron?
Hanggang sa nakaupo na kami sa isang lamesa.
"They really are staring at me. Ano bang meron? Di ako sanay." Sabi ko sakanila.
"Hayaan mo nalang, nagandahan siguro sayo." wika naman ni Fort, I sighed.
"You know what guys, I heard someone is falling." Pagsisimula ni July.
"Someone's inlove?" I asked curiously, "Oh, that's normal. Sino ba?"
"Someone we thought who won't fall." Jane smirked.
"Guys, di naman maling mahulog." Komento pa ni Hany.
"Gosh, ayaw ko sa mga taong bumabagsak noh!" Nandidiring wika ni Jane.
"What do you mean ba? Failing grades?" I asked again, ano bang mali sa bumagsak?
Jane just stared at me. She just continued eating at di na ako sinagot, no one even dared to answer me. Tinignan ko sila Hany and Fort, they just gave me a small smile.
Anong problema kung bumagsak? Bumagsak lang sa subject, big deal na agad? Ba't aayawin nila? Why don't they just help that person to strive hard, motivate that person to study well kasi para sa sarili naman ito and wag itong i-down! We're just humans and it's life.
Dumating ang hapon at uwian na namin. The group is kinda weird, di medyo nagchichikahan ngayon infact dalawang bilog ang naganap namin ngayon. Hany and Fort stayed with me and decided na wag na muna kami pumunta sa bilog, and the others didn't bother to call is. Nakakabanibago, may nangyari bang di ko alam?
Niel told us na tambay daw ulit kami kela Jane ngayon, I was about to say yes pero inunahan na nila ako Fort so ang ending umuwi na kami agad. Di na din ako nagreklamo kasi ayaw ko namang tumambay na wala silang dalawa.
The night came and I feel glad that my parents make it to our dinner. Nakaka-init lang sa damdamin pag may ganitong eksena sa bahay. Kahit naman naiintindihan ko kung bakit palagi silang walang oras sa'kin, di ko pa di maiiwasang isipin at humiling na sana paglaanan nila ako ng panahon, kahit isang beses lang sa isang linggo para naman kahit papaano ay may mga ala-ala naman ako na kasama kaming buong pamilya.
Nagkakamustahan kami habang kumakain sa hapag and I feel so warmth. Pero di ko inaasahan yung sasabihin ni Papa.
"We'll go home."
BINABASA MO ANG
el océano me está llamando
Genç Kurgu"Life has a way of messing people up but somehow along the way-along the seashore...we find the people who will fix us."