Kabanata 11

6 0 2
                                    

Tears


“Ready ka na?” Nakangiting tanong sa'kin ni Mrs. Reyes nang makarating na kami sa labas ng pinto. Tumango ako at tipid na ngumiti.

“Wait ka lang muna d'yan. Tatawagin kita pagpapasok ka na, ha?” Sabi ni Ma'am at pumaso na sa loob ng room.

Bumuga ako ng hininga. Kinakabahan. Pilit pinapakalma ang sarili. I bite my lower lips, nanlalamig ako sa kaba. Alam ko na sa loob ng silid na iyan ay nandiyan ang mga kaibigan ko, lalo na si Anya. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang mga kamay. Letche, kinakabahan ako.

Muntik na akong mapasigaw nang nabigla ako sa pagbukas ng pintuon, tinatawag na ako ni Mrs. Reyes. Huminga ako nang malalim for the last time bago pumasok.

Pagkapasok ko palang ay bumalot na sa’kin ang lamig na nagmumula sa dalawang aircon ng classroom. Umapak ako sa maliit na platform, tumingin ako sa harap. Thirty sets of eyes are looking at me, animo'y tinitignan ang kaluluwa ko na parang makikilala na nila ako. Nadako ang paningin ko sa mga kaibigan ko na malalawak ang ngiti sa’kin, tipid akong ngumiti pabalik sakanila. Nahuli ng paningin ko si Chealianna na mariing nakatingin sa’kin, walang bahid ng galak sa kanyang mukha kaya uniwas ko nalang ang mata ko sakanya at tumingin sa adviser. Ngumiti si Mrs. Reyes at tumango as if telling me to start introducing myself.

“Hello, I’m Mikaela Fuentes. I’m not really new here kasi dito naman ako nag-aral dati. Please, be nice to me” ayon lang at ngumiti na ako.

“Okay, Ms. Fuestes. You may seat there…” turo ni Ma’am sa may dulo kung saan ang bintana na nakasirado naman, “katabi mo si Mr. Alvaro.”

Ngumiti ako at naglakad na papaunta sa likod kung saan ang magiging upuan ko. Ngumingiti ako sa mga kaklase ko na nadadaanan ko papunta roon. Hinampas pa ako ni Pranceila nang napadaan ako sa gilid niya. Her seat is just right in front of my seat!

“Welcome back!” ngisi niya sa’kin.

“Hi,” bati ko sa seatmate ko na si Van pala. Tipid lang siya ngumiti sa’kin at ipinagpatuloy ang ginagawa niya kanina pa. Umupo na ako at nakinig na sa homeroom namin.

Wala namang ibang sinasabi maliban nalang sa upcoming exam which is na hindi naman ako kasali since I’m ready for the second semester.
Kakalabas palang ng teacher namin nang hindi ko na mapigilan ang lamig. Like, sino ang hindi lalamigin kung nasa tapat namin ang aircon?

“Gamitin mo jacket ko, may extra naman ako,” sabi ni Van sa’kin. Napansin niya atang nanginginig na ako dahil sa lamig. Aabotin ko na sana nang biglang may naghagis sa’kin ng makapal na tela sa mukha ko.

“Huwag na, Van. ‘Yung akin nalang,” rinig kong sabi ni Pranceila. Letcheng babaeng 'to p'wede namang iabot nang maayos!

Pisti ka, pero thanks.” Sabi ko at sinuot na ang makapal na hoodie. Bukas talaga magdadala ako ng comforter!

“kakabalik mo lang, Miks. May kalandian ka na agad!” natatawang ani Pranceila. “Hoy, Van! Ipagpapalit mo na ako?” asar ni Pranceila kay Van. Ipinakitaan lamang siya ni  Van ng gitnang daliri niya na nagpatawa nang malakas kay Pranceila.

“Adik, kay Angelie ka nga pala!”

“HOY, BAKIT NARIRINIG KO PANGALAN KO D'YAN?” sigaw ni Angelie mula sa harap.

“Wala, ang ingay mo!” natatawa parin si Pranceila, “Yawa, namumula ka Van! Halatado ko, bai!”

Napatingin ako kay Van. Tama nga si Pranceila, namumula ang mukha ni Van! Shit, may gusto siya kay Angelie or namumula siya sa galit?

“Inaasar mo na naman si Van, Ceil?” si Kainee na kakarating lang sa p'westo namin. Si Kainee at Ceil ang mag-best friend sa barkada namin. Si Chealianna at Belthany naman, kami ni Santhie ang laging magkasama…kami kasi ang neutral sa magbabarkada.

“Hindi ko siya inaasar, I’m just telling him facts at para malaman niya! Hindi ata siya aware or baka in denial si San Pedro!” hindi na siya pinansin ni Kainee at tumingin sa’kin.

“We’re glad that you’re back,” ngiti niya sa’kin. I give her my big smile.

Buang, may isang hindi masaya—” hindi natuloy ang sasabihin ni Pranceila nang binatukan siya ni Kainee, “Paghilom!” Hindi na nagsalita pa si Pranceila at natatawang kinakamot ang batok niya.

“Miss ka na no'n, don’t worry.” Bulong sa’kin ni Kainee, napatingin naman ako kay Pranceila na nakangiting ginagalaw ang kilay. Ngumiti ako, kabado bente.

The first second period went well, pinapakilala ko ang sarili ko sa dalawang subject teachers. Nagkaroon ng lectures at seatworks, sumasali naman ako sa seatworks para may magawa naman ako kahit hindi recorded.

Nang mag-break time na ay nagsilapitan ang ibang classmates ko para magpakilala at makipagkaibigan. They were so friendly, all of us were looking forward for our moments together.

“Hoy, pahiram ng bagong babae dito!” si Pranceila na singit na naman.

“Sige, Mikaela pupunta na kami sa canteen!” paalam nong mga kaklase ko ngumiti  lang ako at tumango.

“OMG, MIKS! WE FUCKING MISSED YOU! AS IN KAMING LAHAT!” si Santhie na ikinulang ako ng yakap.

“Miss ko din naman kayo! Masyado lang talaga kayong busy!” sabi ko pa.

“Pag nasa malayo kalimutan na. Papalitan na dapat,” komento pa ni Pranceila na nakatanggap naman nang mga hampas mula kila Santhie at Kainee.

“Aray! Kanina pa kayo! Nakakasakit na kayo sa body!”

“ULUL!” sabay singhal nilang dalawa kay Pranceila. I smiled, nakakamiss yung ganito.

“Tara na sa Canteen, gutom  na is me!” pang-aya ni Santhie sa’min.

“Lezgo, nauna na yung dalawang mommy, mommy-ya-ay talaga!” dagdag ni Kainee at natawa kaming apat.

Tinignan ko ang classroom namin, kunti lang andoon mostly were gamers…naglalaro sa kanya kanyang gadgets. Wala na rin doon sa Angelie siguro kasama ang mga barkada.

“Shit, namiss ko yung siomai ng Cebu!” sabi ko nang maamoy ang mga pagkain sa canteen. Medyo madaming mga estudyante puro mga highschool. Wala na ang mga gradeschools dahil mas nauna sila nang 30 minutes sa’min.

“Miks, ano bibilhin mo?” tanong sa’kin ni Santhie habang nagtitingin sa mga stall.

“Siguro siomai? Namiss ko na iyon eh!”

“Ah, sige bibili nalang ako fries doon,” at umalis na si Santhie papunta doon sa unang stall. Pumunta naman ako sa stall kung saan may siomai. Namiss ko ang siomai dito na may itlog sa loob sabay sawsaw sa maanghang na sauce kahit ang tapang ng amoy. 

Nang makabili ay pumunta na ako sa suki ko dati sa palamigan, “Isang mix po, strawberry at iced tea.”

Nang matapos ay sinilip ko si Santhie sa unang stall, nang hindi siya mahigilap ay dumiretso na ako usual spot namin sa canteen. Palapit na ako sa upuan namin, bumagal ang bawat hakbang ko nang makita si Chealianna na naroroon at nagtatawanan. Humupa ang kanilang tawanan nang makita ako.

“Miks! Bilisan mo baka magbell na! Pagong ka? Feeling nasa tv ka lang?” wika ni Pranceila.

Umupo na ako sa tabi ni Santhie at sa harap ko ay si Chealianna. Ang kaninang maingay na lamesa bago ako dumating ay napalitan ng katahimikan. Walang nangahas na magsalita. Tahimik na lamang kaming kumain habang ako ay nakayuko lang.

“Bakit ang tahimik niyo? Bago yan mga dzae,” it was Chealianna who broke the silence. Nagnakaw ako ng tingin sakanya pero nagsisi rin nang makitang nakatingin siya sa'kin. Kahit nagsalita na siya ay wala parin sa’min ang nagsalita. ‘Di ko alam pero naiiyak na ako.

Yawa, luha 'wag na 'wag kang bumagsak!

“How are you, Mikaela?” it was still Chealianna. Napaahon ako ng tingin sakanya.

“U-uhm…o-okay lang n-naman,” I answered stuttering. Kinakabahan ako. Naiiyak ako.

“Welcome back, Miks.” This time Chealianna is already smiling brightly at me. Hindi ko alam kung anong nakakaiyak sa mga sinabi niya pero bigla nalamang tumulo ang luha ko at napahagulhol na nang tuloyan. Lumipat ako sa p'westo niya at yumakap sa bewang niya.

“Anya…I’m so so s-sorry,” paghihingi ko ng tawad. “Hindi ko naman alam na gano'n ang mangyayari. Ginawa ko lang iyon k-kasi a-akala 'yon ang t-tama. S-sorry kung may n-nasabi ako sayong hindi m-maganda. S-sorry. Kahit hindi mo pa ako mapapatawad o-okay lang. S-sorry,” hagulhol ko.

Naramdaman ko na hinahaplos niya ang aking buhok. “Ano ka ba, naiintindihan naman kita kung bakit nagawa mo iyon. Kaya sorry din kung may nasabi ako sayo noong araw na iyon. Ikaw lang naman ang hinihintay ko, bakit pa natagalan.” Ani niya.

Kumalas ako sa yakap at tumingin sakanya, “Sorry na. Bati na tayo,” I cheekily smiled as I wipe my tears.

“Oo naman! Buang ka talaga!” natatawa niyang sabi at pinunasan niya din ang mga luhang nasa mukha niya.

“Ano bayan, nagdradrama pa kayo sa canteen.” Napatingin kami kay Pranceila, she was wiping her face tears. Lul.

“Omg, super nakakaiyak hahaha,” komento naman ni Santhie.

“Bithch, bati na ang mga bitches!” Wika ni Belthany.

“Lol. Magta-time na, balik na tayo sa lungga mga vehtch,” si Kainee sabay tayo. Tumayo narin kami at pumanhik na papunta sa classroom.

“I miss you, Anya,” sabi ko sakanya. Sabay kaming naglakad at nakakapit sa braso niya.

“Yucks, narinig namin yun mga bitch!” si Belthany na nasa likod namin. We both chuckled because of her comment.

“Miss din kitang punyeta ka!” my dearest Chealianna said.

Napangiti ako sa kalooban ko at hindi na nagsalita. I felt my tears are building up again.

“Punyeta, bakit ka umiiyak?!” natatarantang tanong ni Chealianna. Nagsilapitan naman ang mga kaibigan ko sa’min.

“Amp. Bumalik ka lang Mikaela naging iyakin ka na!” si Pranceila, ang epal talaga nitong babaeng ito! Pinagdilatan ko siya habang pilit na inaalis ang mga luha traydor.

“Wala, tears of joy lang nga boang!” I said and flashed a big smile.

This feeling is very overwhelming. So fluttering. Ang saya ko kasi finally, I’m in the familiar place and familiar people. I’m with the people who cherish me like how I cherish them. I’m with the people who really cares for me and love me so dearly. Masaya ako natagpuan ko ang mga tulad nila. They can’t be replaced, they’ll be forever in my heart.

el océano me está llamandoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon