Kabanata 9

4 0 0
                                    

Past

Monday came at ito na ang araw na kailangan ko nang pumasok. The isn’t foreign to me but the people are. Ilang taon na din akong di na nag-aaral dito and for sure madaming students na lumipat nang nagdaang taon. Kukunti nalang atang mga kakikilala ko dito.

“MIKAELA!” napatingin ang mga ibang tao kay Angelie dahil sa sigaw na ‘yun.

Too early for the spotlight, kaloka.

“Ingay mo naman! Parang ‘di nagkita nang ilang taon?” bulong ko sakanya. Ngumisi lang ang gaga.

“Good morning po,” bati ko sa mga guard pagpasok namin sa guardhouse.

“Alam mo bang kaklase din natin sila Anya?”

Napahinto ako sa paglalakad. Siguro magiging okay naman na? Taon na rin naman ang lumipas. I sighed. We continued walking towards our room.

“Oops. Di pa ba kayo bati? Narinig ko lang dati sa mga chismis na hindi raw eh.”

“Di na kami nag-uusap, eh.” Malungkot kong sabi.

Nakarating na din kami sa classroom na nasa third floor ng RB building. Wala pa namang masyadong estudyante since maaga pa naman.

“Ano ba yan! Bakit wala pa si Van! Kainis!” reklamo ni Angelie. ‘Di pa kasi bukas yung room kaya walang choice kundi sa labas muna kami tatambay.

Tinignan ko ang malawak na soccer field na nasa harap mismo ng building na ito. Mahangin, fresh air. Tahimik pa ang buong campus, nagsisidatingan pa lang ang mga estudyanteng de kotse. Mga huni ng mga ibon ang naririnig ko.

Namiss ko itong lugar na ito. This was my home.

I closed my eyes to feel the peaceful morning.

“Guys! I got new friends na!” masayang balita ko sa dalawa kong  kaibigan, wala si Santhie, Pranceila at Belthany, nang hapon na iyon sa video call.

“Totoo? It’s good to hear! Para 'di ka lonely d'yan! Are they friendly? Diba… since you’re bisaya…you know?” nag alalang tanong ni Kainee sa'kin.

“No naman. Sila pa nga lumapit sa’kin eh,” I showed them my smile. Totoong mababait yung mga bago kong kaibigan ngayon. It’s my third school so medyo sanay na ako. Mababait din naman yung mga naging kaklase at kaibigan ko n’ong grade seven at eight.

“Bakit pa kasi lumipat ka pa eh? You could have just stayed here! Di na ako komportable sa bagong school mo, wala na 'yung pinsan ko d’yan!” Anya rolled her eyes still sounded so concern.

“Anya, sorry na. Gusto ko din naman mag-explore? I want to meet new people and I want to be with my parents.”

“Tss.”

“Gusto mo ipakilala ko sila sainyo? Let’s video call tomorrow.”

“Sige, fine.” Ngumiti ako sa dalawa kong kaibigan. I’ll surely miss them.

Pinakilala ko din ang mga bago kong mga kaibigan kinabukasan. Thankfully kompleto and apat.

Noong una nagkahiyaan pa tapos yung supladang Anya nagsusuplada, kaloka. Buti nalang naging maayos naman ang unang pagkikilala nila kahit maattitude si Anya.

That wasn’t the first and last video call with the two groups, nasundan at nasundan pa iyon pag may oras. Eventually, they became friends…pati na rin sa social media. Kahit gan'on.. maattitude pa din Anya.

There was a time during our short vacation, my grandmother woke me up so early kasi may bisita daw. I wasn’t expecting someone kasi magkikita naman kami n'ong mga kaibigan ko mamayang hapon.

Napasinghap ako nang makita ang dalawang taong naghihintay sa sala,

“Ohmygosh…” tumili akong tumakbo palapit sa kanila and embraced them tightly. I missed them so much!

“I didn’t expect this!” sabi ko nang unti unting kumalas sa yakap.

“Surprise?” it was Caryll,  my friend from my second school na pinsan ni Anya.

“I just want to pay you a visit since nasa Luzon na rin naman ako. I want to stay for at least two days if it’s okay?” sabi ni Anya.

“Of course! Saktong sakto at may lakad ako ngayon at isasama ko kayo. Tsaka you can still rest pa naman, mamaya pa namang hapon yung lakad.” I happily said, tumatalon talon pa kunti.

“Let’s eat muna? Or you’ll take a rest? Do what ever you want and I have to tell those guys that you’re coming with us!”

The first meeting was totally fine, sa Olongapo kami gumala. Nilulugar din naman ni Anya ang pagka-bitch niya.

As I observed naging mas close niya sila Hany at Fort hindi niya masyadong nakakausap sila Jane, it was fine kesa naman awayin niya.

“I don’t like them,” biglang sabi ni Anya nang makasakay kami sa sasakyan, pauwi na.

“Huh?” kunot noo ko siyang tinignan.

“Well…except kila Hany and Fort. They seems to be genuinely nice, walang halong ka-plastikan.” She said while looking outside, “Just an instinct.”

“Couz is right. Parang may something doon sa iba…” Caryll agreed to her cousin.

“Look, 'di niyo pa kasi masyadong kilala yung lima. Sina Hany at Fort lang naman kasi kinakausap niyo. If makilala niyo sila you won’t tell me that.”

‘Di na umimik pa si Anya at nanatiling nasa labas ang tingin. Nagkatinginan kami ni Caryll na nasa front seat at nagkabit balikat lang.

Hindi na kami nagka-usap pa hanggang nakarating na kami sa bahay at hanggang sa pagtulog. I didn’t mind because I was so sure that by tomorrow it will be fine.

So the next day, I invited my friends for the first time sa bahay. To prove my point to Anya that what she thought about them was wrong.

“Ganda naman pala ng bahay niyo, Mikay. Bakit ngayon mo lang kami inimbita dito?” July who was busy looking around.

I just chuckled, unable to answer. Hindi naman p'wedeng sabihin na wala pa akong balak na papuntahin sila dito.

Everything went well. Anya wasn’t that much bitchy towards them, kahit papaano she would smile at them and laugh pero mostly tahimik lang.

“Mikay, CR lang,” paalam ni Jane at July sa'kin sa gitna ng movie marathon namin sa kwarto ko. Hinatid ko sila sa baba since may tatawagan naman daw sila kaya doon nalang sila instead sa mismong cr ko sa kwarto.

Pag-akyat ko sa hagdan pababa naman ni Anya, “kukuha lang ng pagkain.” I just nodded at umakyat na.

The room was filled with laughters nang may bumukas ng pintuan.

el océano me está llamandoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon