Kabanata 12

3 0 0
                                    

Book

“Matapos lang talaga itong exam na ito…ughh!” Santhie pulled her hair in frustration.

“Buti pa 'yong isa diyan, chill chill lang,” pagpaparinig naman ni Pranceila.

Nasa canteen kami ngayon, usual spot. Girls are having their study time, hindi ko alam kung study pa ba ang tawag dito, eh, nagmumukbang ata sila.

“Hoy, may ipapabili kayo? Ako na bibili,” Kainee offered.

“Bakit? Libre mo?” Tanong naman ni Pranceila.

“Sabi ako bibili pero hindi ko sinabing ako na ang magbabayad,” ngumiwi nalamang si Pranceila sa narinig.

“I need refreshment after this!” si Chealianna na padabog na sinarado ang isang libro.

“Yes! We should…you know…do something this sembreak. If you’re up to it too…” Santhie hopefully suggested.

“Oo nga, gusto kong mag-beach!” Belthany agreed righ away.

“Not bad, I’m sure papayag naman sila Mama. Or we can invite our parents too! Matagal tagal na rin iyong last gathering natin!” ani Kainee.

“Oo nga! Kaso I’m not sure sa parents ko since…alam niyo na the business,” alanganin kong sabi at ngumiti.

“Nah, tell your parents to unwind! Baka tatanda nang maaga sila tita niyan!” I don’t know if Belthany was joking or she was just trying to tell me to persuade my parents about the gathering.

“I’ll try,” sabi ko nalang.

“Kung gusto mo kami nalang magsasabi?” that was more persuading pero I think I can handle my parents na. Umiling nalang ako at bahagyang ngumiti.

“No, ako nalang. I believe din na they must take a break kahit ilang araw lang. I’m sure thing will be fine at kahit ang kunting pahinga will not worsen the business' situation.”

“If you need help just tell us. I’m sure our parents are willing to help and probably they’ll offer their help too, we’re friends and our parents are friends too.” Belthany said.

I smiled, “ Thank you guys.” I’m out of words. Wala na akong ibang masabi kung hindi puro pagsasalamat nalang. I am really thankful na I have them. Ano ba ang ginawa ko sa past life ko at ganito ako kas'werte sa kabila nang lahat na nangyari?

“And’yan na ba sundo niyo?” tanong ni Pranceila. We’re now heading towards the locker area.

“And'yan na sundo ko,” sabi ni Santhie

“Magcocommute ako ngayon,” sagot naman ni Kainee.

“Ay, anyare? Grounded ka ba?” natatawang sabi ni Pranceila.

“Lul!” malutong na sabi naman ni Kainee that made us laugh.

“Susunduin ako ni Mommy mamaya, magdidinner daw kami sa labas,” sabi naman ni Belthany.

“Layshoooo,” we reacted in chorus.

“Beych, hindi niyo naranasan? Ah, sa ibang bansa lang noh?” natawa naman kami sa sinabi ni Belthany.

“And’yan na raw sundo ko. Sasabay ka ba Pranceila?” Chealianna asked while fiddling her phone, may katext ata.

“Ahmm…Hindi na siguro may pupuntahan pa ako eh.”

“Saan ka na naman pupunta? May exam bukas!” sabi ko. Nasa kanya kanya na kaming locker ngayon. Kinuha ko ang isang rubber shoes, I’m planning to wash it since 'di naman ito magagamit ngayong Biyernes dahil may exam kami.

“Secret,” tudyo na sabi ni Pranceila.

“Haharot lang yang kaibigan niyo. Hayaan niyo na, para inspired sa exams.” Kainee said. I closed and locked my locker nang matapos na. Humarap na ako sakanila, sakto din na sinasarado na nila ang kanila.

“Andami mo nang nalalaman oras na siguro para lumisan ka na sa mundong ito,” pinandilatan ni Pranceila si Kainee. Kainee just rolled her eyes at hindi na sumagot pa.

“Bye!” paalam namin sa mga kaibigan naming may sundo na, sila Belthany, Santhie at Chealianna. Habang kaming tatlo ay palabas na ng main gate.

It was a hot afternoon. Half day kami dahil may exam kami bukas. Binibigyan kami nang sapat na oras para makapagreview for our exams. Hinintay namin ni Pranceila na makasakay sa kabilang lane si Kainee. One way lang kasi ang saamin ni Pranceila. Actually magkapitbahay ang town naming tatlo ni Chealianna. If galing sa school, madadaanan lang namin ang lugar nila Chealianna. And kami naman  Pranceila ay nasa isang lugar lang pero magkaibang subdivision.

“Saan ka pa ba pupunta?” tanong ko sa kasama ko. Nakita naming nakasakay na si Kainee kaya kumaway kami sakanya.

“Sa National Bookstore lang,” sagot niya at ibinaba na ang kamay.

“Oh, walking distance lang iyon. Lakarin natin or jeep tayo?”

“Jeep na para hindi maiinit. Para makatipid kumalong ka nalang sa’kin,” Ngisi niya. I just agreed pero s’yempre hinampas ko muna siya.

Nakasakay nga kami at isang tao lang ang binayad namin. Natatawa pa iyong ibang pasaherong kasabay namin dahil sa kakulitan at kakapalan ng mukha ni Pranceila. Buti nalang at mabait ang driver na nasakyan namin. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako or ewan. Like, we can obviously pay for two people kahit naman na gano'n ang sitwasyon sa kompanya hindi pa naman kami nagmumukhang daga. Pero sad'yang ang kuripot lang talaga nitong kasama ko.

“Salamat kuya! Merry Christmas po!” Pranceila said bago bumaba sa jeep. Narinig kong natawa na naman ang mga pasahero. I felt my face burning, ako iyong nahihiya sa babaeng ito! Ano nalang ang iisipin nong mga tao? We’re wearing our school uniform, a school na kung saan mayayaman ang mga nag-aaral. Kung hindi naman sobrang yaman ay may kaya. Tapos gano’n ang mangyayari? Nakikiusap na kung pwede ba na kalong ang isa. Jusko.

“Minsan talaga nakakahiya kang kasama,” natawa siya sa sinabi at biglang lumukot ang mukha.

“Kinakahiya mo ako, Miks?” she pouted and gave me a beautiful eyes. Yucks, nakakasuka! I made face at her kaya napatawa siya.

Pumasok na kami sa loob ng store. Nakasunod lang ako kay Pranceila. Umakyat kami sa taas at dirediritsong pumunta sa isang section. Hinayaan ko muna siya doon at pumunta ako sa fictions. I saw the book na kung saan na sabi nila na it was a tragic love story. I’m into reading and I love love stories so much but I prefer tragic. Wala lang gusto kong umiyak, ayaw ko kasing magpaloko na may happy ending.

“That’s a good story,” a male voice said. Nasa tabi ko na pala ito at nagtitingin ata ng mga libro.

“Yeah,” sabi ko nalang without glancing at the stranger. Still busy looking for books.

“Miks, tara na!” Rinig kong tawag ni Pranceila. Umalis na ako roon at pinuntahan siya. Nasa counter na kami nang nangusisa ang bruha.

“Sino ‘yon? Kilala mo?” nguso niya sa taong katabi ko kanina. Tinigna ko iyon, nakatalikod ito sa’min at may tinitignang libro. He’s in his school uniform kaya malamang estudyante ito. I don’t know what uniform was that.

“Hindi,” sagot ko sakanya. Tinignan ko ang librong binili niya. May dalawang fictions at may isang korean book, “Mag-aaral ka ng korean? Wow, sipag mo naman? May subtitles naman?”

The great Pranceila just smirked at me, “You’ll know soon.” She then act like I should be quite.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

el océano me está llamandoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon