Outing
Today is the day. I'm preparing for my things para sa outing namin. I'm just wearing a plain white oversized t-shirt and light brown high-waisted shorts na abot hanggang tuhod.
Ready na sa black sling bag ang mga dadalhin ko like towel, extra shorts, swimming wear, sunblock, undergarments and what so ever.
July updated us that she already brought some disposable utensils, snacks, and pork & fish para gawing inihaw.
My lola also offered some foods when I told her about our swimming and my friends were so happy about it, the more foods the merrier nga daw. Mga patay gutom akala mo di nakakain.
I was already downstairs when lola told me that Fort's ride is already outside. Tinulongan ko na din ang mga kasambahay namin sa pagdala ng mga pinadalang pagkain ni lola.
Napakunot ang noo ko nang makita ang mga pagkain—limang iba't ibang putahe tapos walo lang kami? Does lola know na mga patay gutom ang mga kaibigan ko? I laugh.
"HOY MIKAY! BILISAN MO NGA DIYAN!" sigaw ni Fort papasok sa kusina kasama si Lola. Walang hiya.
I rolled my eyes at him, "Lola, ang dami naman nito. Walo lang kami tapos may mga pagkain naman kaming pinag-ambagan"
"Apo, that's fine. Matatakaw naman itong mga kasama mo eh." Lola smiled, narinig namin biglang napaubo si Fort.
"Lola, salamat po ha kahit nainsulto ako slight." Pagbibiro ni Fort at kinurot siya ni lola sa may tagiliran, "Ouchie."
"Sige na umalis na kayo. Mag-ingat kayo doon ha." Pagtutulak ni lola saamin.
Ibinigay ko kay Fort ang bitbit kong pagkain, ang naiwan nalang sa kusina. Noong una ay ayaw niya pa pero wala na siyang magawa.
I kissed lola in the cheeks and said goodbye bago pumasok sa van.
"Update me, Mikay." Paalala ni lola.
"Yes, po. Call me if may emergency, okay?" Paalala ko din kay lola.
Doon ako umupo sa may dulong upuan para mamaya habang sa biyahe ay makahiga ako, si Fort naman ay nasa passenger seat.
Ako ang naunang sinundo ni Fort para deretso na, and we are heading to Hany's house, until nasundo namin ang pinakahuli na si Jane.
Ako lang ang mag-isa naka upo sa likod, pinagbabawalan ko silang tumabi sakin. Si Jane din ang mag-isa sa harap, solong solo namin.
Habang nasa biyahe ay napaka ingay na naman nila, that's them. Fort was no longer at the passenger seat, nakisali na din siya kila Niel at Lence sa first row, naghaharotan.
While ang magpinsang July and Franz ay kausap si Jane sa may second row. Ibinigay na din namin kay July ang pambayad ng entrance namin, she also told us that libre na daw yung cottage and yung karaoke na ikinatuwa namin lahat.Jane was silent baka natutulog na or busy sa phone. Ako naman ay walang magawa, humiga ako at pinikit ang aking mga mata. Mahaba pa naman ang biyahe kaya matutulog muna ako.
"Bakit mo kami iniwan?"
It was them again, my friends. Bakas sa mga m ukha nila ang kalungkutan.
Ano? Ano na naman ang ginawa ko?
"Tulong..."
Dagat na naman?
Andaming mga kamay, mostly are my old friends. But they're too far away from my reach!
Medyo silang malayo at may mga tao pa sa pinakalapit ko na humihingi din ng tulong.

BINABASA MO ANG
el océano me está llamando
Teen Fiction"Life has a way of messing people up but somehow along the way-along the seashore...we find the people who will fix us."