Chapter 5: Twist and Turns

158 8 0
                                    

|| D A V E ||

"LUIZ! HUMANDA KAAAAAAA!"

Sa pagkakaalala ko, iyon ang huling mga salitang lumabas sa aking bibig bago ko muling maramdaman ang pagtigil ng oras at nang paggalaw ko. Buwesit! At paano naman kaya nagawang makagalaw muli ni Luiz matapos ang ginawa namin sa kaniya?

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Luiz habang nakatuon ang mga palad nito sa akin, subalit ang kaniyang pansin ay nasa kaliwang bahagi niya - si Cammile.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang mapikon ay bigla na lamang nahagip ng aking mga mata ang isang katawang nakahiga malapit sa kinatatayuan ni Luiz.

Putek! Si Luiz din 'yun ah! Anong nangyayari?

Ilang saglit lamang ay muli kong naramdaman ang aking katawan kasabay ng isang malakas na hanging tumama kay Luiz na nakatayo. 

"DWENDE! ANONG NANGYAYARI DITO?" sigaw ko habang ang aking mga mata ay nakatuon pa rin sa napatilapong si Luiz. 

"Jein"

Bigla akong napatayo nang tuwid dahil sa sinabi niya. Naging mas matalim ang mga tinging ibinigay ko kay Luiz - na si Jein pala. Ibig sabihin, ang nakahigang Luiz na ito ay ang totoong Luiz. 

Jein's ability is Imitation. Kaya niyang kopyahin ang katawan, boses, o kahit ang kakayahan ng kahit na sino mang nahahawakan niya nang sampung segundo. Hindi na bago si Jein sa amin sapagkat halos bawat misyon namin ay ipinadadala siya ng mga kalaban para guluhin kami o kumuha ng impormasyon sa amin. She's a perfect example of a persistent enemy. Annoying, waste of time, weak. 

"Anong ginagawa n'yo rito?"

"As if I would tell you!" turing nito habang sinusubukang itayo ang sarili. Now, she is slowly turning back to her real body. 

"What did you do to Luiz?" Now it is Cammile's turn to ask. Iniisip ko rin kung bakit naging kasama na nito ang isang tapat na mandirigma ng aming hukbo.

"Hah!" she mocked, showing a slight grin on her lips. "Everything is going according to the plan. Now, wake up, Luiz."

And then, for a second I thought that she was answering our questions. All this time, may isinasagawa pala silang plano habang nakatuon sa kanila ang atensyon namin.

At sa isang iglap lamang ay nakatayo na sa tabi ni Jein ang nakahandusay na Luiz kanina. Ang mga mukha nila'y nagbubunyag ng tagumpay. Ano bang ginawa nila?

Nasa pare-pareho kaming fighting stance ni Cammile nang akmang itinaas ni Luiz ang kaniyang mga kamay. Subalit kaagad din akong napahinga ng maluwag nang marinig ang boses ni Lia sa likuran ko. 

"Freeze," mahinang saad nito, ang mga kamay ay nakatuon ngayon kay Luiz. Ngayon ay sigurado na akong lamang na kami sa puntong ito. Kung ano man ang plano nila, hindi namin hahayaan iyon.

"Dave, search the entire building. They must have another accomplice doing the job," utos ni Cammile sa akin. Ito'y isa sa mga pagkakataong sinusunod ko ang utos niya. She knows what she is doing. Isa siya sa pinakamatalinong mandirigma ng aming hukbo.

Bago paman ako tuluyang makalayo ay narinig ko ang pagpapakalma ni Cammile kay Lia dahil alam naming pareho na isang kunting pagkakamali ni Lia ay maaaring bumaliktad ang sitwasyon.

Nasa ikalawang palapag na ako nang makaramdam ako ng mahinang presensya sa paligid, sa tingin ko ay nasa loob ito ng isa sa mga silid ng palapag na ito.

Hindi ko alam kung ang pagsunog na lamang sa buong palapag na ito ang isang magandang paraan para maiwasan ang kung ano mang plano ng mga kalaban namin ngayon o baka iyon ang maging pinakamalaking pagkakamaling magawa ko. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nina Jein dahil ngayon ay ramdam kong hindi na siya ang Jein na minamaliit ko dati. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guardians of The ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon