Saro

80 7 0
                                    

Unang Kabanata

Habal-habal

Sa mundong ito, mapapatanong ka nalang. Saan nga ba matatagpuan ang tunay na pagmamahal? Everyday, I'll think about it. Siguro dahil simula noong ipinanganak ako. I didn't know how it feels. Kaya ngayon, parang uhaw na uhaw ako sa love. Family love, friends and even self-love. Ewan ko ba. I feel hopeless.

"You're going back to the Philippines! We don't need you here! You're such a headache!"

After my father died. My mother-in-law treat me differently. Lagi niya akong sinisigawan, inaalipusta at pinapahirapan. Ibang-iba noong buhay pa si Daddy.

At nang sinubukan kong lumaban. Mas lalo niya akong pinahirapan. At ito, pinauwi niya na ako sa Pinas. Ito na siguro ang isa sa masasayang araw ko. After a year, ngayon na naman ulit ako naging masaya.

Nandito ako ngayon sa terminal ng bus pauwi sa Bikol. Nandoon ang nag-iisang kapatid ni Mama. Si Tita Salve. Namatay si Mama habang pinapanganak ako. Si Tita ang nag-alaga sa akin ng sampung taon. And one day, father approach me. Sinama niya ako sa States. Noong una mabait naman asawa niya pero habang tumatagal, nag-iiba. I guess, ganoon talaga.

Sumakay na ako sa bus. Eight hours ang biyahe kaya minabuti ko nalang na matulog at isinantabi ang naiwan sa States. Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Hudyat na malapit na sa Centro. Nag ready na ako sa pagbaba. Pagbaba ko ay nag-antay ako ng Jeep na masasakyan papunta sa Tagpocol, barangay namin. Ilang saglit lang ay may dumating ngunit hindi papunta sa amin. Pero sumakay parin ako dahil malapit narin naman iyon. Siguro ay mag hahabal-habal nalang ako.

Pagbaba ko sa Jeep ay saktong may nakita akong lalaking kasing edad ko lang ata. May kausap siya sa phone at isang motor. Wala ng tao dito bukod sakanya. Siguro may mga naghabal-habal na at siya nalang ang natira.

Pagkatapos niyang kausapin ang nasa phone ay nilapitan ko agad siya dala ang bagahe ko.

"Excuse me," I said. Tumingin siya saakin at kita ko ang pagtataka niya.

"Magpapahatid sana ako sa Tagpocol. Available pa ba?" tanong ko at tiningnan ang motor niya. Tiningnan niya naman ako at ang gamit na dala ko.

"Habal-habal ba, miss?" tanong niya. Tumango naman ako. Nakita ko ang ngisi sakanyang mukha.

"Okay, no problem." Sabi niya at kinuha ang bagahe ko at inayos ang paglalagay sa motor niya. Pagkatapos nun ay sumakay na ako at sinimulan niya na itong paandarin.

Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Nandito na ako sa lugar Kung saan ako lumaki. May mga kunting pagbabago pero maganda pa rin. Mahigit labinlimang minuto ang byahe papunta saamin. Nadadaanan namin ang matatayog na puno ng niyog, mangga, at mga tanim na gulay. Ang gandang tingnan at masarap lasapin ang sariwang hangin. Kaya napapikit ako.

"Magbabakasyon ka ba, miss?" Biglang tanong ng driver kaya napadilat ako.

Hindi ko na siya nasagot dahil unti-unti
kong nakita ang mga bahay. Nasa Tagpocol na kami. Nakita ko ang paaralan Kung saan ako nag aral ng Elementary at basketball ball court. May mga nagbabasketball doon na pamilyar sa akin kaya napayuko ako.

"'San ka Miss?" Bigla akong napatingin sa driver na nakatingin din sa rearview mirror.

"Sa mga Belardo." Sabi ko kahit na hindi ko alam kung alam niya ba Kung saan 'yun.

"Kamag-anak ka nila? Doon ka mamamalagi?" hindi ko siya sinagot dahil nagtaka ako. That means he knows where it is. Niliko niya ang motor at ilang saglit lang ay nakita ko ang pamilyar na bahay. Huminto siya at bumaba naman ako. Habang kinukuha niya ang gamit ko ay kumuha naman ako ng ibabayad sakanya.

Do you love me? (Bikol Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon