Sampulo

16 4 0
                                    

Ikasampung Kabanata

Celebrate

Sa mga sumunod na araw ay hindi na kami nagkita ni Arianne. Balita ko ay umuwi muna siya sa States para ayusin ang mga naiwan niya roon.  At sa mga huling araw ko sa trabaho naging normal naman ang lahat. Maliban kay Vick na mukhang mas naging weird ang kinikilos.

"Tama na ba ito? Parang may kulang. Juice ba o tubig nalang?" isang araw ay naabutan ko siyang nagtitimplang orange juice.

"Bakit ikaw nagtitimpla niyan? Ako na." sabi ko at inagaw sakanya ang mixer. Pinigilan niya 'ko.

"Dyan ka lang. Magpahinga ka muna. Gagawan kita ng meryenda." tinaasan ko siya ng kilay.

"And why would you do that?" sinamaan niya ako ng tingin.

"I'm your boss kaya sumunod ka nalang." sabi niya at hinayaan ko nalang siya.

Pagkalipas ng mga araw ay nagsimula na ang pasukan. Grade 11 kami ngayon sa Western College of Bikol at nandito kami sa library para gumawa ng assignment sa isang major subject.

"Hi girls." sabi ni Zion at uupo sana siya sa tabi ko pero pinigilan siya ni Vick.

"Doon ka na." taboy nito kay Zion at umupo nalang siya sa harap namin. Katabi ni Zion si Acel.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong naman ni Deniefer na katabi ko.

"Gagawa din kami ng assignment." sabi ni Vick at nilapag na ang notebook na dala niya sa mesa.

"Gagawa o mangongopya?" Sabi naman ni Acel.

"Tsk. Nagbabagong buhay na kami ni Vick. And besides, Vick found his inspiration. I'm here to support him." sabi ni Zion at tumingin sa'kin habang nakangiti. Tiningnan naman siya ng masama ni Vick.

"Ow. Iyon ba 'yung Fiancee mo Vick? Arianne Fouster? Gosh. So kapag kinasal na kayo. Magiging kapatid mo na si Carol?"

"Shut up Acel." sabi ni Vick na may halong galit sa boses niya. Tumahimik na sila at nagsimula na kaming gumawa ng assignment.

Pagkatapos naming gumawa ay napagdisisyunan namin na pumunta sa canteen para kumain. Nauna ako sa napili naming pwesto kanina habang ang iba ay bumibili pa. Habang nakaupo ako ay dumating si Karl.

"May I sit?" sabi niya. Tumango naman ako at umupo siya sa tabi ko.

"Mag-isa ka lang?" tanong niya umiling naman  ako.

"Bumibili pa sila." sabi ko.

Maya-maya ay nagsidatingan na sila. Nang makita si Vick si Karl ay sumama ang titig niya dito. Uupo sana si Acel sa tabi ko pero naunahan siya ni Vick. Umupo ang tatlo sa harap namin.

Pagkaupo ni Vick ay dinagdagan niya ng pagkain ang pinggan ko. Napatingin kaming lahat sakanya.

"What are you doing?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay. Hindi siya tumingin sa'kin at nagpatuloy sa ginagawa.

"Kumain ka ng marami." sabi niya.

"Hindi ko 'yan mauubos." inis kong sabi sakanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Ehem." sabi ni Zion, napatingin ako sakanya at kita ko rin ang pagmasid nina Acel sa'kin at kay Vick.

"Vick, tumigil ka nga dyan. Kaunti nalang ay iisipin kong may gusto ka kay Carol." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Acel. Tumigil si Vick at nagsimula na siyang kumain. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Acel.

Sa mga sumunod na araw ay naging abala pa lalo sa school. Palagi kaming pumupunta sa library tuwing free time.

"Happy 17th birthday Carol!!"

Pagdating ng linggo ay 'yan agad ang bumungad sa'kin paglabas ko sa kwarto. Nakita ko si Acel at Deniefer na may bitbit na balloons. Si Tita at Kate na may dalang cake. At si Karl na may bitbit na regalo. Ginala ko ang mata ko pero hindi ko nakita ang hinahanap ko. Ni hindi ko alam kung bakit ko siya hinahanap.

Sa sobrang busy sa school ay nakalimutan ko na na malapit na pala ang birthday ko.

"Thank you. Sana ay hindi na kayo nag-abala." sabi ko.

"Ano kaba Carol. Ayos lang 'yan saka kaunting salo-salo lang naman ito." sabi ni Tita at nilapag ang cake sa lamesa.

"Happy birthday." sabi niya at niyakap ako.

"Thank you, Tita." sabi ko niyakap ko din siya.

"Oo nga Carol. Kung ayaw mo naman pwede namin ibalik nalang ang mga ito. O kaya ay huwag ka nalang kumain ng dala namin." sabi ni Acel at siniko sya si Deniefer. Natawa nalang ako sa kanila. Binigay naman sa'kin ni Karl ang regalo niya.

Kahit ganito lang ang nangyari sa birthday ko ay masaya naman ako. Kasama ko ang mga taong makalapit sa'kin. Si tita at Kate na nagsilbing pamilya ko at mga kaibigan na laging nandyan para sa'kin.

Gabi na noong umuwi sina Karl, Acel at Deniefer. Nanood at nagkwentuhan lang kami maghapon. Hinatid ko sila sa gate namin at nag-antay muna ako sa labas. Nagbabakasakaling may dumating pero wala. Ilang minuto rin akong nag-antay bago ako pumasok sa loob.

Kinaumagahan ay maaga akong nag-ayos para pumasok.

Pagdating sa school ay nagsimula na ang klase. Hindi ko masyado naiintindihan ang lesson ng teacher dahil lumilipad ang isip ko.

Bakit hindi pumasok si Vick? May nangyari ba sakanya?

Hanggang sa matapos ang klase ay walang dumating na Vick. Gusto ko sanang tanungin si Zion kaya lang ay busy siya kasama ang ibang mga kaibigan.

Mag-isa akong naglalakad papunta sa terminal ng jeep ng may biglang may humawak sa braso ko. Napatingin ako sakanya at ngumiti siya sa'kin.

"V-vick? Bakit hindi ka pumasok?" tanong ko sakanya pero hindi niya ako pinansin. Hinila niya ako kung saan nakaparada ang motor niya. Pagdating namin doon ay sinuutan niya ako ng helmet.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko at nginitian niya lang ako.

Sumakay na kami sa motor at pinaandar niya ito. Nang huminto ay doon ko lang nalaman kung saan niya ako dinala. Dito niya ako dinala noong fiesta. Noong gabing hinalikan niya. Napa-iling nalang ako para hindi ko na maisip pa ang nangyari noon.

"Let's go." sabi niya at inalalayan niya ako para umakyat. May dala siyang plastic na may lamang mga pagkain.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko habang umaakyat kami.

"We will celebrate your birthday." nabigla ako sa sinabi niya. Nagpatuloy nalang kami sa pag-akyat.

"I'm sorry. Hindi ako nakapunta kahapon. May nangyari lang sa bahay. But don't worry, it's okay now." sabi niya.

Pagdating namin sa tuktok ay nilapag niya ang mga pagkain na dala niya. Umupo ako sa upuan at tinabihan niya ako. Maganda din pala ang view kahit umaga dito. Nakaka relax ang tanawin. Binigyan niya ako ng pagkain.

"Masaya ka ba kahapon?" tanong niya. Tiningnan ko siya at seryoso lang siyang nakatingin sa tanawin.

"Yes. Kasama ko ang mga importante sa buhay ko kaya masaya." sabi ko at tumingin din sa tanawin.

"That's good to hear." sabi niya at naging seryoso ang mukha niya. Halatang may problema. Pero hindi ko nalang siya tinanong dahil baka ayaw niya rin pag-usapan.

"Kailan nga pala ang birthday mo?" tanong ko.

Nabigla ako dahil pinahinga niya ang ulo niya sa balikat ko. Pero hinayaan ko nalang siya.

"Noong araw na pumunta ako sa bahay niyo para sunduin ka." hinawakan niya ang kamay ko para hindi ako makagalaw. Dahil sobrang nagulat ako. Yun yung araw na dapat ay pupunta kami sa fish pond nila!!

"Don't move. And don't be sorry. Let's celebrate our birthdays like this."

Do you love me? (Bikol Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon