Onse

18 3 0
                                    

Lanbing isang Kabanata

Secret

Kinaumagahan ay nagising ako sa lakas ng katok sa labas.

"Ate Carol! Gumising ka na!" sigaw ni Kate sa labas ng kwarto ko. Umupo ako sa kama at nag-unat. May thirty minutes pa ako para matulog pero ginising ako ni Kate.

"Nasa labas na si Kuya Vick." nagulat ako sa narinig ko at bumangon agad. Inayos ko ang buhok ko at pinunasan ang mukha ko.

Binuksan ko ang pinto at nakitang wala na si Kate sa labas. Naligo agad ako  nag-ayos ng sarili.

Pagkatapos ay naabutan ko si Vick na nakaupo sa sala. Wala si Tita, nasa mansyon nila. At si Kate naman ay nasa TES na.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. Tiningnan niya ako at umayos ng upo.

"Sinusundo ka." sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"And why would you do that?" tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Are you courting me?" biro ko at ngumiti sakanya.

"What if I am?" sinimangotan ko siya. Hindi pwede, may fiancee siya. Nakatadhana na siya sa iba. Ang mabuti pa ay 'wag ko nalang bigyan ng meaning lahat ng ginagawa niya.

"What if I am, Carol? Would you say 'yes' if I ask you to be my girl?" ulit niya. Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. May nararamdaman akong kakaiba sa sistema ko. Hindi pwede iyon, my fiancee siya. Kailangan kong isipin 'yun lagi.

"Tara na. Baka malate pa tayo." sabi ko. Naglakad na ako palabas at naramdaman kong sumunod na naman siya.

Pagdating namin sa school ay pinagtitinginan agad kami. Sino ba naman ang hindi di'ba? Nakasakay ako sa motor ng isang mayaman at makapangyarihang tao. Nakapamulsa siya habang naglalakad sa tabi ko.

"Ang lakas naman ng dating ng katabi ko."  sabi ko sakanya. Lumingon siya sa'kin at nginitian ako.

"You should be thankful. May kasama kang gwapo." sabi niya, tinarayan ko siya at naglakad nalang. Ang yabang niya rin minsan.

Dumiretso ako sa comfort room at si Vick naman ay sa room niya na. Hindi kami magkaklase sa first subject ngayon.

Paglabas ko sa cubicle ng cr ay naabutan ko si Charlotte na nag-aayos sa harap ng salamin. Naglakad na ako palabas pero natigil ako dahil tinawag niya ako. Lumingon ako sakanya.

"Anong feeling Carol?" Hindi ko siya sinagot  dahil hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Anong feeling na pinapaikot ka lang ng taong mahal mo?" sabi niya. Naglakad siya palapit sa'kin. Magkaharap na kami ngayon.

"What are you talking about?" ngumiti si Charlotte sa'kin.

"Vick, is just using you. And someday, malalaman mo rin kung bakit. Ayaw kong sa'kin mo pa marinig ang lahat." sabi niya at umalis na.

Hindi ko alam ang ibig sabihin ni Charlotte. 'Vick, is just using you' paulit-ulit kong nariring ang sinabi niya sa'kin. Pero hindi ko nalang pinansin. Bakit naman ako gagamitin ni Vick hindi ba?

Pagdating ko sa room ay saktong dumating na rin ang proof namin. Habang nagkaklase ay nararamdaman kong may tumitingin sa'kin.

Pagkatapos ng subject na iyon ay tumayo agad ako at lumabas na. Natigilan ako sa pag-lalakad dahil may humila sa braso ko.

"Carol, pwede ba tayong mag-usap." Seryoso niyang sabi sa'kin. Ngumiti ako sakanya.

"About something important." Sabi ni Karl at lumingon siya sa likod. Para bang may hinahanap.

Do you love me? (Bikol Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon