Duwa

24 5 0
                                    

Ikalawang Kabanata

Muse

Pagkatapos nun ay nagpaalam na kaming pupunta sa school. Nangako naman si Zion na pumunta sa bahay kasama ang iba pa at sina Acel para makapag kwentuhan.

"Yung Arielle ba. Anong trabaho niya? O may trabaho ba siya? You know part time?" Tanong ko ng makalayo kami sa court. Nagtaka naman ang mga kaibigan ko.

"Minsan tumutulong siya sa pag-ani at pag tanim ng gulay sa lupain nila." paliwanag ni Acel.

"Aside from that. Wala na? For example, habal-habal?" natawa sila sa tanong ko.

"Habal-habal? Seriously? Wala namang masama sa habal-habal pero Arielle didn't need to do that. Mayaman ang pamilya niya." Sabi ni Deniefer. Nagtaka naman ako.

"Pero siya yung naghabal-habal sa'kin kanina." Biglang nagulat sila sa sinabi ko.

"REALLY Carol?" Nagtatakang tanong ni Carol. "Montereroso 'yun. Hindi mo ba kilala?" dagdag niya.

Napaisip ako bigla. Monteroso? Shocks! Sila yung Isa sa pinaka mayaman dito. Yung mga nadaanan namin kanina, 'yung taniman ng gulay at iba pa. Sakanila 'yun.

Natigilan ako sa pag-iisip ng makarating na kami sa school.

"Ate Carol!" Sabi ni Kate at niyakap ako ng makita ako. Ganun din ang ginawa ko pabalik.

"Caroleign nandito ka na pala." Sabi ni Sir Garry. Isa sa mga naging teacher namin.  Nagpapractice nga sila ng banda.

"Bibili po kami ng mga pang dekorasyon para sa Fiesta. Kaya napadaan narin." sabi ni Acel.

"Ganun ba. Tamang-tama may mga pang decorate pa dyan pwede niyong gamitin." sumama si Acel kay ma'am Dalla para kunin ang mga pang-decorate.

"Nag-papractice 'yung team sa court."

"Buti nalang hindi napuruhan si Vick nung huling laro."

"Magaling din kasi yung kabila e." narinig kong usapan ng ibang mga guro.

"Balita ko may muse na ang red team a. Yung anak ni Kapitan Borromeo."

"Nahahanap pa kami e. Masyadong mapili si Vick."

"Ah Sir! Sir! Si Carol po pwede. Magaling po ito. Siguradong gaganahan lahat ng team nyo!" nagulat ako sa biglaang sigaw ni Deniefer. At mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.

Pauwi na kami ngayon. Kaming dalawa nalang ni Faye dahil iba na ang daanan nina Acel. Humiwalay sila dahil alam nilang magagalit ako sakanila. Paano ba naman kasi. Pinagtulungan ako kanina na sumali sa muse. May liga daw kasi sa susunod na araw. Sumali pa si Sir Garry sa pangungumbinsi kaya napa-oo nalang ako.
Tahimik kaming naglalakad ni Kate. Medyo pagabi na.

"Carol? Ikaw na ba 'yan?" napalingon ako sa nagsalita at halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"K-Karl?" gulat kong tanong. Ngumiti siya sa'kin. Kahit ilang taon na ang lumipas hindi ko parin makalimutan kung paano ako magpapansin sakanya noong elementary days. Siya yung super duper crush ko noon.

"Yes it's me. Kamusta ka na?"

"Okay lang naman."

"Pauwi na kayo? Ihahatid ko na kayo."

"Kuya A!!" biglang sigaw ni Katelyn Kaya napatingin kami sakanya.

Tumakbo siya sa lalaking papalapit sa Amin.

"Pauwi na kayo?" nakangiting tanong niya Kay Kate. Tumango naman si Kate.

"Anong ginagawa mo dito Vick?" tanong ni Karl ng makalapit kami sakanila. Hinwakan ko ang kamay ni Kate.

Do you love me? (Bikol Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon