Wakas

10 3 0
                                    

Wakas

Vick's POV

"Nasaan si Carol?" tanong ko kay Acel, pumunta ako sa bahay nila Carol kanina pero wala sila. Hindi ko alam kung saan siya pumunta.

"'Wag mo na siyang hanapin pa Vick. Umalis na siya. Gusto niyang lumayo para makalimut at magbagong buhay. Pabayaan mo na siya."

Noong araw na 'yun ay hindi ko alam ang gagawin ko. Nasaktan ako, oo. Nagalit ako. Ganun ba talaga ang kawalan ng pakialam niya sa'kin para iwan ng walang paalam?

Hindi ako nakinig kay Acel. Hinanap ko si Carol. Hinanap ko siya kahit alam kong walang kasiguraduhan kung mapapansin niya pa ako.

"Alam ko na kung nasaan si Carol. Nakatira siya sa apartment at nagtatrabaho sa isang restaurant." sabi ni Zion. Nagpatulong ako sakanya na hanapin si Carol. Sa mahigit isang taon na paghahanap ay sa wakas makikita ko na ulit siya.

Ininom ko ang panghuling wine sa baso ko. Tumayo ako at umalis sa bar na iyon. Pupuntahan ko na agad siya.

Pinuntahan ko kaagad si Carol sa restaurant kung saan siya nagtatrabaho. That day, I realized na hindi pa nga siguro ito ang tamang panahon para makita niya ako. Pinagmamasdan ko lang siya mula sa malayo. Kung saan siya nakatira, hanggang sa pagpasok at pag-uwi niya galing sa trabaho at sa paaralan. Alam ko. Mukha akong sira sa kakasunod sakanya. Masaya akong nakikita siya. Ginawa ko iyon halong limang buwan. Dahil may mga kailangan pa akong asikasuhin sa probinsya.

Nagpagdesisyunan kong magpakita noong birthday niya. Ayaw ko ng maduwag at makulong sa sarili kong nararamdaman. Gusto kong patunayan sakanya na seryoso ako at handa ako sa mga maaaring mangyari.

Until one day.

"I don't love you Vick, is that enough reason to leave me?"

Para akong paulit-ulit na dinudurog sa bawat bigkas niya sa mga salitang iyon. Kung sinabi niya lang na mahal niya rin ako, gagawin ko ang lahat para maging kami sa huli. Kahit ano at kahit sino pa ang humadlang. Kung sinabi niya lang sana. Pero hindi. Nawalan ako ng pag-asa. Nilunod ko sa alak ang sarili ko. Halos dalawang linggo akong wala sa sarili.

"Our parents decided to have an engagement party." sabi ni Arianne ng pumunta siya sa condo ko. Tiningnan ko lang siya.

"Yah. Do what you want." I said.

"Really? Pumayag ka nang magpakasal sa'kin?" Hindi ko siya pinansin at umalis nalang. Uuwi ako ng Bikol mag-isa. I don't want to be with her.

"I saw Carol." gulat ako sa sinabi ni Zion. Ngayon gaganapin ang engagement party.

"She's with her friends. I think she's looking for you." agad akong umalis at hinanap si Carol. Ang corny man pero, kahit anong pagtataboy ang gawin niya. I won't stop chasing her.

"Where are you going? Tatakas ka na naman ba?" Sabi ko noong makita ko siya. Ngumiti siya sa'kin, at dahil sa ngiting iyon parang muli akong nabuhayan at nawala lahat ng masasakit na alaala.

"Do you love me now Carol?" tanong ko. Nagbabakasakaling iba na ang isasagot niya.

"Yes. I love you Vick."

And in a snap. I have a reason to fight for her. To fight my love for her.

Carol's POV

"Sabi mo ay hindi mo mahal si Arianne, bakit ka magpapakasal sakanya?" tanong ko kay Vick. Nandito kami ngayon sa bundok kung saan kami pumunta noon. Gaya ng dati ay maganda pa rin ang tanawin dito.

Nakaupo kami ngayon at hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Like I said. Hindi ako magpapakasal sakanya." sabi niya, parehas kaming nakatingin sa tanawin.

"Pumayag ako sa engagement party hindi para ipakilala na si Arianne ay papakasalan ko na. I agreed because I want to announce that it's over between us, that I love someone else." umayos ako ng upo at tiningnan siya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya napatingin din siya sa'kin.

"Hindi ka parin sumuko kahit ipinagtabuyn kita?" tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti siya sa'kin.

"Nope. Sabi ko naman sayo hindi ba, I'll do everything para mahalin mo ako. At kung sabihin ko sakanila na iba ang gusto at hindi ako pumayag sa gusto nilang mangyari. Mawawalan na ng dahilan si Arianne na lapitan ako, at mawawalan ka narin ng dahilan para ipagtabuyan ako." Ngumiti ako sakanya. Anong karapatan kong saktan ang lalaking ganito magmahal?

"Will you marry me, instead?" nagulat ako sa tanong niya.

"Hindi pa nga tayo e." sabi ko. Ngumiti siya sa'kin. Hinawakan ang kanang pisngi ko.

"Will you be my girlfriend, then?" ngumiti ako sakanya. At dahan-dahang tumango. Niyakap niya ako. Nakaramdam ako ng kapayapaan sa bisig niya.

"Will you marry me?" Natawa ako sa tanong niya. Agad-agad?

"Yes, Vick. I will marry you." I said.

Ilang saglit lang ay bumalik na kami sa mansyon. Nang pumasok kami, kita sa mga ng mga bisita ang pagtataka. Hinawakan ni Vick ang kamay ko.

"Kanina ka pa hinahanap." salubong saamin ni Zion ng makita niya kami. Ngumiti siya sa'kin. Nginitian ko siya pabalik. Nakita ko ang galit sa mukha ni Arianne at Tita Agatha. Nandoon sila s harap. Pati si Madam Sylvia ay gulat sa mga nangyayari. Pinaghandaan ko na ito, pero kinabahan parin ako.

"Vick, what is the meaning of this?" tanong ni Madam Sylvia sa anak niya gamit ang mahinang boses para hindi marinig ng bisita. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Kinakabahan ako. Hinawakan ng mahigpit ni Vick ang kamay ko.

"Ma, I want to marry Carol. She's the girl I want to be with." lumingon sa'kin si Madam Sylvia, tiningnan niya ako ng masama.

"Vick, this is crazy. Why would you marry her? She's a slut and-"

"Shut up Arianne." nag-igting ang panga ni Vick sa sinabi ni Arianne. Huminga ng malalim si Arianne at tiningnan ako.

"Is this what you want Carol? Binalaan na kita hindi ba? Bakit nandito ka? Madam, niloloko lang kayo nito."

"Do you love my Son?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Madam Sylvia. Ganun din ang mag-ina.

"Yes, po. I love him." sinamaan ako ng tingin ni Arianne, may namuong luha sa mata niya. Tinalikuran niya kami at umalis bigla. Sinundan siya ni Tita Agatha.

Tiningnan ako ni Madam Sylvia at ngumiti. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano. Nakakaramdam ako ng saya at kaba. Tiningnan ko si Vick at nakangiti din siya.

Maya-maya ay nagsimula na ang program. Pumunta si Madam Sylvia sa harapan at hinawakan ang microphone.

"Good evening everyone. Paunmanhin kung medyo nagkaroon ng problema. But it's all good now. And to start this engagement party. I want to introduce to you. My only son. And his beloved future wife, and of course, my future daughter-in-law, Caroleign Fauster." Nagpalakpakan ang mga tao. Inalalayan ako ni Vick. Pagdating sa harap ay nakita ko ang mga kaibigan ko, ang kita sa mukha nila ang tuwa.

This is official. Hindi masamang mag take risk para malaman mo kung ano ba ang mangyayari. You need to be ready. At kailangan din maghintay ng tamang pagkakataon para sa pag-ibig na matagal mo ng pinapangarap.

Do you love me? (Bikol Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon