Trise

11 2 0
                                    

Ikalabing Tatlong Kabanata

Over

Gaano nga ba kasakit nang mawalan ng taong minamahal? Paano mo malalaman na isang tao lang ang kailangan mo para wala ang sakit na nararamdaman mo?

How do you know if you love someone?
How will you know if thats love is enough to protect you from pain?

Naglakad si Vick papunta sa sasakyan namin, binuksan niya ang pinto kung saan ako nakaupo. Lalabas na sana ako pero hinawakan ni Karl ang kamay ko. Napatingin ako sakanya.

"Carol, we need to go." tiningnan kong mabuti si Karl. Alam kung gusto niya akong sumama sakanya. Para hindi na madamay pa sa gulong ito, pero hindi pwede. Hindi pa pwede. Lalot may kailangan pa akong balikan.

"Si Kate, kailangan kong makita si Kate." dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Karl at lumabas na. Nakita ko ang matalim na titig ni Vick kay Karl. Naglakad na ako palayo at sinundan naman na ako ni Vick. Pagkatapos nun ay sumakay na kami sa Van.

Habang nasa byahe ay wala kaming imikan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, pinatay ng asawa ni Tita ang Papa niya. At ngayon, pinatay ng mga tauhan nila si Tita. Ang nag-iisa kong pamilya na natitira. May biglang tumulong luha sa mata ko. Pinunasan ko agad iyon. Naramdaman kong tumingin si Vick. Inayos ko ang sarili ko at tiningnan siya.

"Si Kate, kailangan ko siyang puntahan." naging seryoso ang mukha niya, iniwasan niya na ako ng tingin.

"Kinuha siya ng Papa niya. Magkasama sila." Nanlaki ang mata ko sakanya. Hindi niya parin ako tinitingnan.

"P-pero. Mapanganib 'yung taong iyon. Baka mapahamak si Kate. Baka madamay pa siya. Kailangan ko silang hanapin." Nataranta ako bigla. Hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman ko pag-nangyari 'yun. Hinarap na ako ni Vick.

"Kailangan ko nang umalis. Bababa na ako, Vick." hinawakan ni Vick ang kamay ko at parang may dumaloy na kung ano sa katawan ko. Napahinto ako sa ginawa niya. Tiningnan niya akong mabuti.

"Hinahanap na sila ng mga pulis. I just want you to stay with me. Ayaw kong pati ikaw kunin niya sa'kin." Dahan-dahan niyang inangat ang kanang kamay niya. Hindi niya alam kung tama bang gawin ang nasa isip niya. Ibinaba niya ang kamay at huminga siya ng malalim.

"Don't cry. Hindi ko hahayahan na may mangyaring masama kay Kate."

Parang kahit ilang saglit lang ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

Ilang saglit lang ay nakita ko ang isang pamilyar na bahay. Huling punta ko dito ay noong nagtatrabaho pa ako. Maraming pulis at nagkalat na bodyguards sa labas at sa loob ng mansyon. Kahit sa gate palang ay may nakabantay na.

Bumaba kami ng sasakyan at may isang lalaking tumakbo papunta sa samin.

"Papunta na dito ang mga Tita mo. Sa tingin ko, kailangan mo munang pumunta sa hospital." sabi niya. Tumingin si Vick sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

"Ihahatid ko muna siya sa kwarto." sabi niya at hinila niya na ako. Umakyat kami sa hagdan at huminto sa isang pinto. Hindi ito ang kwarto niya, isa ito sa mga guest room.
Pumasok kami at nakita ko ang malawak na silid.

"Magpahinga ka muna. Magpapahatid ako ng pagkain." Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya.

"S-si Tita? I need to see her." Seryoso niya akong tinitigan.

"You need to rest first. Bukas natin siya pupuntahan."

"Pero-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may biglang pumasok sa loob.

"Sir, nahanap na siya ng mga pulis." Naalarma ako sa sinabi niya. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Tiningnan ako ni Vick.

"Magpahinga ka na."

"Sasama ako." parang nanlumo si Vick sa sinabi ko.

"Kailangan ako ni Kate."

Wala ng nagawa si Vick. Agad na kaming bumaba at sumakay sa Van kasama ang ibang bodyguards.

Pumunta kami sa isang terminal ng bus. Pagdating namin doon ay maraming mga pulis na pinaaalis ang mga tao.

Pagbaba namin ay nagtanong si Vick kung ano na ang balita.

"Hinostage niya ang anak niya." parang nabingi ako sa narinig ko.

Nakita ko ang ilang pulis na hawak Ang mga baril nila at nakatutok sa kung sino. Tumakbo ako para tingnan ng malapitan.

Napatigil ako sa pagtakbo ng narinig ko ang putok ng baril. Nakita ko ang mga naalarmang mga pulis at mga taong nasa paligid.

Naglakad ako para makita ang nangyari.

Nakita ko ang isang lalaking nakahandusay sa gitna at isang batang babae na umiiyak. Tatakbo na sana ako para puntahan si Kate pero may biglang humawak sa braso ko at niyakap ako. Hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak sa dibdib niya.

Ngayon ay umiiyak lahat ng tao sa paligid ko. Niyakap ko si Kate na nasa tabi ko ngayon. Ngayon ang libing ni Tita at parang naubos na ata lahat ng luha ko kaya hindi na ako maiyak ngayon. Kaming dalawa nalang ni Kate ngayon, kung mayroon mang sobrang nahihirapan ngayon ay si Kate 'yun. Nawalan siya ng ina at nagpakamatay ang tatay niya sa harap niya. Alam kong mahihirapan siya, pero gagawin ko ang lahat para maging maayos siya.

"Anong balak mong gawin ngayon?" tanong ni Deniefer. Nandito kami ngayon sa bahay namin. Dalawang araw matapos ilibing si Tita ay pinag-iisipan ko ng mabuti kung ano ang gagawin ko.

"Aalis kami. Pupunta kami sa Maynila." sabi ko.

"Sigurado ka ba dyan?" si Acel. Ngumiti ako sa kanila.

"Mas lalong mahihirapan si Kate kapag dito pa kami tumira."

"Paano si Vick? I mean, sasabihin mo ba sakanya?"

Kinahapunan ay napagpasyahan kong umalis muna. Sumakay ako sa tricycle at sinabi kung saan ako pupunta. Pagkadating namin doon ay bumaba agad ako. Dito kami unang pumunta noon. Umakyat ako at dinadama ang bawat hakbang paakyat. Bakit ko ba ito ginagawa? Naalala ko noon na pumupunta si Vick dito kapag may problema siya.

Pinagmasdan ko ang tanawin mula aa taas. Nakakagaan nga ng pakiramdam. Naalala kong dito ako hinalikan ni Vick. Hindi man lang ako nakareact sa ginawa niya bukod sa itulak siya. Napangiti ako. Naalala ko kung paano niya ako kinukulit habang nagtatrabaho ako sa kanila noon. Ang mga ngiti niya. Ang mga mata niyang seryosong nakatingin sa'kin.

It's over. Tapos na kaming dalawa kahit hindi naman talaga nasimulan. Kahit kaunting panahon lang kami nagkakilala. Hindi ko ipagkakaila na may naramdaman ako tuwing nasa tabi ko siya. O kahit nasa malayo palang siya. Kahit nga wala siya. Napa-iling nalang ako. Mag-aasawa na siya sa mga darating na panahon kaya hindi ko na siya guguluhin pa.

Hindi ko sasabihin sakanya na aalis ako. Dahil hindi naman kailangan na malaman niya pa.

Do you love me? (Bikol Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon