Katorse

12 2 0
                                    

Ikalabing-apat na Kabanata

Miss

"Good morning, Ate. Happy 21st birthday." Salubong sa'kin ni Kate pagdating ko sa kusina. Nginitian ko siya at umupo sa upuan kaharap niya.

Tiningnan ko ang isang  maliit na cake sa hapag. May nakalagay na 'Happy 21st birthday Ate Carol." Ngumiti ako kay Kate.

"Thank you. Sana hindi ka na nag-abala pa."

"Lagi nalang ganyan sinasabi mo ate tuwing birthday mo." tumawa ako sa sinabi
niya.

"And besides ate. Galing naman sa ipon ko ang binambili ko dyan. At 'yung ipon na 'yun galing sa baon kong binibigay mo." Patuloy ni Kate. Nagsimula na siyang kumuha ng kanin at niluto niyang hotdog.

"Kahit na. Sa'yo na'yun kaya dapat ay itinabi mo nalang. Ibinili mo ng kahit anong gusto mo." sabi ko. Tiningnan niya ako at nginitian ko siya.

"Wala ka bang gagawin ngayong araw, Ate? Bukod sa trabaho at paggawa ng lesson plan?" Tanong niya.

"Hmm. Wala naman." Inilapag niya ang kutsara niya saka tiningnan ako ng masama.

"Naku naman, Ate. You need to enjoy your life. Hindi iyong puro trabaho at aral ka nalang."

Simula nung lumipat kami sa Maynila. Naghanap agad ako ng trabaho. Kahit saan ako nakakapunta para maghanap. At dahil nga 17 palang ako noon. Walang tumatanggap. Buti nalang at hindi ako nawalan agad ng pag-asa. Isang may ari ng restaurant ang tumanggap sa'kin. Kahit na wala ako masyadong requirements at minor pa ay ginawan niya ng paraan.

"Sabi sa'kin ni kuya Karl ay pupunta daw sila rito kasama sina Ate Acel at ate Deniefer. Sumama ka na ate, punta kayo sa bar sa club o kaya sa hotel." Sinamaan ko siya tingin.

"Saan mo nalaman ang mga yan?"

"Narinig ko lang. Basta sumama ka na a, huwag mo na akong alalahanin."

"Oo na, sige na po."

Noong una naming lipat dito sa apartment ay hindi pa maayos si Kate. Lagi siyang umiiyak at wala akong magawa para maibsan ang lungkot niya. Kaya at the end, umiiyak nalang kaming dalawa. Pero ngayon ay nakikita kong ayos na siya.

"Good morning birthday girl." bati sa'kin ni Ma'am Elena pagdating ko sa restaurant. Siya ang may ari ng pinagtatrabahuhan ko. Mabit siya sa lahat ng mga empleyado niya.

"Thank you , ma'am." Nginitian niya aka at inayos ko n ang sarili ko at sinuot ang uniform namin. Lumabas ako at inayos ang mga upuan at pinunasan ang mga lamesa. 10 am to 10pm nagbubukas ang restaurant namin. Kapag may pasok ako ay half day lang kapag weekends naman ay whole day. At ngayon ay weekend, pero dahil it's my day. Pinayagan akong maaga umalis. 10:30  am na at nagsimula ng dumating ang mga take kaya naging busy na ako.

"Good mor-" natigilan ako sa pagbati ng makita kung sino ang pumasok.

"Good morning din Carol." Ngiting sabi ni Zion. May kasama siyang babaeng maganda, medyo magkamukha sila. Kapatid ba niya ito?

Umupo sila sa bakanteng mesa. Lumapit ako para kunin ang order nila.

"Ito po ang menu Sir." sabi ko sa kanila. Nginitian ako ni Zion.

"Thank you." sabi ng kasama niya.

"You don't need to be formal, Carol." Sabi ni Zion. "By the way, this is my sister Faye, this is Carol, my friend of mine." pakilala ni Zion. Tumayo si Faye at naglahad siya ng kamay sa'kin. Kinuha ko naman iyon. Mukhang maamo ang mukha niya at halatang maayos sa sarili.

"You can join us." sabi niya at tinuro ang upuang katabi niya. Umiling ako.

"Thank you pero may trabaho pa ako e." sabi ko. Sinabi nila ang order nila, umalis na ako para ihanda iyon.

Dala ang order nila Zion ay natigil ako sa paglalakad. Nakita ko ang isang pamilyar na titig na katabi ni Zion. Ngumiti si Zion sa'kin. Parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Sa loob ng tatlong taon ay ngayon ko lang ulit siya nakita. At bakit siya nandito? Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Nilagay ko sa mesa ang order nila. Nagpasalamat Ang kapatid ni Zion pero hindi ako lumingon. Ayaw kong lumingon dahil baka iba ang makita ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko kahit wala naman siyang ginagawa. Gusto ko nalang mabilis matapos ang araw na ito.

Pagkatapos kong ihatid ang pagkain nila ay umalis na ako. Pumunta ako sa counter. Lumapit sa'kin si ma'am Selena.

"I heard na kaibigan mo daw 'yung nasa isang table. And they requested na kung pwede ka ba nilang makasama." Nabigla ako sa sinabi ni ma'am. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"Pero may trabaho po ako ma'am. Hindi pwede."

"Yes. I know na ganyan sasabihin mo. But it's your birthday. Puntahan mo na sila. It's my birthday gift. Kung gusto mo ay pwede ka na rin maaga umuwi e."

"Pero ma'am. Wala pang dalawang oras akong nakaduty." nginitian niya lang ako.

"Hay naku, Caroleign. Babayaran nalang kita sa pakikipag-usap sa mga kaibigan mo kung gusto mo. Hubarin mo na ang uniform mo at samahan mo na sila." sabi niya. Magrereklamo pa sana ako pero umalis na siya.

Pumasok ako at hinubad na ang uniform. Iniisip ko kung ano naman pag-uusapan namin. Huminga ako ng malalim. Bakit ba ako kinakabahan? Si Vick lang yun okay? Bakit nararamdaman ko parin ito hanggang ngayon? Three years na ang nakalipas for God's sake. Nakakainis.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa mesa nila. Natigil si Vick sa pag-inom ng juice ng makita ako. Si Zion naman ay sumulyap lang. Tinuro niya ang upuan na katabi ng kapatid niya. Nginitian ako ni Faye at pinaupo ako. Hindi ako makatingin sa taong nasa harap ko ngayon.

"I heard it's your birthday." sabi ni Faye na nagpatil sa katahimikan sa mesa na ito. Kahit maingay sa paligid ay parang hindi ko sila naririnig.

Tiningnan ko si Faye at nginitian. "Yes"

"Tsk. Sana pala ay bumili man lang ako ng regalo. Si Zion Kasi, hindi sinabi."

"May nagsabi lang din sa'kin."

Yumuko nalang ako at tiningnan ang Plato sa harap ko. Bakit nga ulit ako nandito? Nagulat ako dahil may naglagay ng pagkain sa pinggan ko.

"You should eat." sabi niya. Bigla akong napatingin sakanya. At nagsisi ako ng makita na nakatingin din siya .

"Ako na." sabi ko at nilagyan ko ng pagkain ang pinggan ko.

"Ate, nag txt na ba si Kuya Xendrix?" biglang tanong ni Zion sa kapatid niya.

"Why?" nagtatakang tanong ni Faye.

"I think, we should leave." Bigla akong napatingin kay Zion. At automatic na nagsalita ang bibig ko ng "No!".

Napatingin bigla sa'kin si Zion at Faye sa gulat. Pati ako nagulat sa sarili ko.

"I mean , hindi pa kayo pwedeng umalis. Hindi pa kayo tapos kumain." sabi ko. Nababawasan ang kaba ko kapag nandyan ang magkapatid. At kapag umalis na sila. Parang mawawalan na ako ng hininga.
Nagsimula nalang akong kumain kahit hindi naman talaga ako gutom.

"Tama si Carol, mamaya na tayo umalis Zion. Pag-antayin natin si Xendrix."

"Bakit? Nag-away na naman ba kayo?"

"Nope. Gusto ko lang na mag-antay siya."

"I miss you."

Natigil ang magkapatid sa pag-uusap nila ng magsalita ang lalaki sa harap ko. Muntik na akong masamid sa narinig ko. Uminom ako ng tubig at pagkatapos ay tiningnan ko si Vick. Seryoso siyang nakatingin sa'kin. May halong lungkot at pagsusumamo ang mata niya.

"I miss you, Caroleign."

Do you love me? (Bikol Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon