Anom

14 4 0
                                    

Ikaanim na Kabanata

Love

Sa mga sumunod na araw ay sumasama parina ko kay Tita. Tumulong si Tita Salve minsan sa bukid at minsan naman ay sa bahay lang. Ako naman ay tumulong na mag linis sa loob ng bahay.

"Sir, mas lalo mo lang pinapahirapan ang trabaho ko." sabi ko at sinamaan ng tingin si Vick. Naglilinis ako sa sala, nandito rin siya at nakaupo sa sofa habang nanonood. Kinakalat niya ang pagkain sa sahig kaya no choice ako kundi linisin 'yon.

"Hindi ako titigil hanggat hindi mo ako tinatawag sa pangalan ko." sabi niya at nginitian ako.

Ganyan lagi ang eksena araw-araw. Minsan ay inaabala niya ako sa pagluluto at minsan naman ay kinukulit ako. Wala naman akong magawa kunti titigan siya ng masama.

"Bakit ba kasi ayaw mo akong tinatawag sa pangalan ko?" tanong niya. Pinupunasan ko ngayon ang sahig sa sala. Napaangat ako ng tingin sakanya.

"Kasi po, amo kita at kasambahay niyo ako." sabi ko at tinarayan siya. Ang kulit niya. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

"And besides, tatawagin naman kita sa pangalan mo kapag wala tayo sa bahay niyo." dagdag ko pa.

"Tsk. Kahit na. I don't want you to call me Sir. Parang ang layo ng agwat natin sa isa't-isa." sabi niya.

"Totoo naman talaga." sabi ko. Kinuha niya bigla ang basahan at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Ako na dito. Magpahinga ka na." aangal pa sana ako pero hindi ko na ginawa because I know na hindi siya papatalo.

"Carol, tawag ka ni Sir Vick sa labas. Ako na dyan." sabi ni Ate Tina, isa sa kasambahay dito. Pinagpatuloy niya ang ginagawa ko. Lumabas naman ako at inabutan si Vick na may dalang basket.

"Bakit po Sir?" sinamaan niya agad ako ng tingin. Nginitian ko siya.

"Tsk. Samahan mo 'ko sa bukid mag-aani tayo ng mais."

"Ha?"

"Diba boss mo 'ko? Samahan mo'ko." sabi niya at nagsimula na siyang maglakad. Sumunod naman ako.

Twenty minutes na paglalakad ay nakarating kami sa maisan. Nakita ko ang lawak nito. May bahay kubo sa di kalayuan at may mga trabahador na umaani ng mais.

Pumunta si Vick sa bahay kubo. Sumunod ako at inilapag niya ang dalang basket. Inaayos niya ang suot niyang boots. Naka jeans siya at tshirt na gray. Medyo magulo ang buhok niya. Mula sa gilid ay kita ko ang tangos ng ilong niya at ang labi niyang mapupula. Napatingin ako sa bukid noong nilingon niya ako.

"Dito ka lang." sabi niya at naglakad na. Pinigilan ko siya.

"Anong gagawin ko dito Sir? Pinasam mo'ko tapos iiwan mo ko dito." sabi ko. Ngumiti siya sa'kin.

"Just wait me here Caroleign. Mainit pa mabibilad ka." sabi niya at umalis na.

Pinanood ko nalang si Vick na pinuputol ang puno ng mais at inaalisan ng balat ito. Kahit malayo ay kita ko ang kakisigan niya. Ang seryoso niyang mukha dahil sa ginagawa niya.

Ilang saglit lang ay bumalik na siya dala ang mga mais na naani niya. Gumawa siya sa ng apoy sa pugon. Nilagay niya sa kaldero ang mga mais at nilagyan niya ng tubig at kaunting asin.

Tumabi siya akin. Hinintay namin na maluto ang mais na isinalang niya.

"Mahirap ba ang trabaho mo sa bahay?" biglaang tanong niya. Napatingin ako sakanya.

"Hindi naman. Sanay naman akong gawin 'yun e."

"Pwede kong sabihan si Mama na iba nalang ang gawin mo."

Do you love me? (Bikol Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon