Pito

17 4 0
                                    

Ikapitong Kabanata

Kaarawan

Sa gabing iyon ay hindi ako makatulog. I was thinking if he truly mean that or not.

Naalala ko noon na sinabihan niya ako na gusto niya ako. But I didn't take it seriously,kasi ilang araw palang kami nagkakilala.

Dumating ang lunes at naghanda na kami sa trabaho. Pagdating namin sa bahay ng mga Monteroso ay agad ko siyang hinanap. Pero hindi ko siya nakita, pumunta ako sa kulungan ng manok para tingnan dahil lagi siyang nandoon pero ngayon wala akong nakita.

"Carol samahan mo akong mamili sa bayan." sabi sa'kin ng isang kasambahay. Ngayon ko lang napansin na sobrang busy ng mga kasambahay ngayon.

"Bibili tayo ng mga kakailanganin bukas." dagdag niya pa. Tumango nalang ako.

"Bakit? Anong meron bukas?" tanong ko noong nakapasok kami sa sasakyan.

"Kaarawan bukas ni Madam Sylvia."nagulat ako sa sinabi niya. Kaya siguro wala siya ngayon.

"Maraming dadalo. Mga taga-Maynila at balita ko may galing sa ibang bansa. Narinig ko rin na ipagkakasundo si Sir Vick sa anak nun. Para kapag nasa tamang edad na sila pwede na magpakasal." bigla akong napatingin sa kasama ko.

"P-pakasal?"

"Oo, ganun siguro talaga ang mga mayayaman. Kailangan sa mayaman din ang bagsak."

Buong byahe ay nawalan ako ng gana. Sinusunod ko nalang lahat ng utos nila. Hanggang sa pagdating sa mansyon ay nanghihina ako. Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kakaiba. Pinaghalong lungkot at paghihinayang.

Habang naglilinis ako sa labas ay nakita ko ang papasok na sasakyan. Bumaba isa-isa ang nakasakay doon. Nakita ko ang dalawang babae at tatlong lalaki halos magkasing edad lang kami. Gumilid ako para bigyan sila ng daan. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa nung isang babae. Kita ko ang karangyaan nila sa buhay.

"Hi miss." napatingin ako sa lalaking bumati sa akin. Nakangiti siya at may hikaw ang kaliwang tenga. Medyo pamilyar Ang ngiti niya.

"I'm Stan." nilahad niya ang kamay saakin.

"You are?" magsasalita na sana ako ng may biglang dumating.

"Stan, can you help me bring this?" sabi ni Vick na malamig ang titig sa'kin. May dala siyang maleta. Pinuntahan naman siya ni Stan at tinulungan.

"You have a lot of maids here. Why don't you tell them to bring those instead?" reklamo nito pagdating kay Vick. Hindi nag salita si Vick , hindi pa rin maalis ang tingin niya sa'kin.

Dumaan sila sa harapan ko. At kinindatan ako ni Stan bago pumasok. Sinipa ng bahagya ni Vick si Stan para tumuloy na sa loob.

"Nandito na ang mga pinsan ni Sir." narinig kong Sabi ni Ate Linda pagdating ko sa kusina.

"Carol, paki dala nito sa dining. Kakain na sila." mabilis kong inabot ang pagkain at naglakad papunta sa nag-uusap na magpipinsan.

"There's no signal here. Bakit kasi dito pa nag celebrate si Tita. Dapat sa Maynila nalang." sabi noong isang babae. Nilapag ko na ang ulam sa harap nila. Ramdam ko na may nakatitig sa'kin.

"Dalawang araw lang tayo dito Nicole. You should be patient."

"Two days is like a hell for me Stan."

"Hey maid. Bring me a juice." napatingin ako sa babaing nag-utos sa'kin at tinanguan siya. Sinusunod ko ang utos niya.

Pagdating ko sa kusina ay kinuha ko na ang juice. Pero may biglaang umagaw sa'kin nun.

"Ako na. Dito ka nalang. 'Wag ka na babalik dun." sabi ni Vick at tinalikuran ako.

Pagkatapos kumain nag magpipinsan ay nagligpit na kami. Pumunta naman sila sa kwarto nila para magpahinga. Pagkatapos namin mag ligpit ay napagpasyahan ko na magpahangin muna sa labas. Paglabas ko ay nakita ko si Vick na may dalang pagkain ng manok. Sinundan ko siya.

"Alaga mo ba sila?" tanong ko pagdating namin sa kulungan. Hindi siya nagsalita. Sinaboyan niya ng pagkain ang manok na nagaagawan.

"Tutulongan na kita." kumuha ako ng pagkain ng manok at ginaya ko ang ginawa niya. Hindi parin siya kumibo. Hindi ako sanay na ganito siya.

"I'm sorry nga pala. Doon sa nangyari nung isang araw." natigil siya sa ginagawa pero nagpatuloy din.

"Hindi ko naman sinasadyang makalimutan. Hindi  ko rin kasi matanggihan yung mg kaibigan ko." Sabi ko.

"It's okay. Kalimutan mo na 'yun." napatingin ako sakanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kalimutan mo na yung nangyari nung nakaraan." sabi ni Vick at umalis na.

Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. That means, hindi totoo yung sinabi niya nung gabing iyo. Dapat akong matuwa. Pero may parti sa'kin na Hindi ko maipaliwanag. All this time, love didn't really exist in my life.

Kinaumagahan ay mas lalong naging abala ang lahat. Tumulong ako sa pagluluto at pag-aayos ng mga mesa sa labas at loob ng bahay. Alas sais ng gabi nang simulang magsidatingan ang bisita. Lahat sila ay naka formal attire. Halatang galing sa mararangyang pamilya ang pumupunta. Nakita ko sa gilid ang mga pinsan ni Vick, napakaayos ng mga damit nila. Samantalang hindi kanina ko pa hindi nakikita si Vick. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang layo ng agwat namin. Kaya siguro niya sinabi na kalimutan nalang yung sinabi niya noong nakaraan. Dahil narealize niya na hindi kami bagay. And besides, may babae ng nakalaan sakanya.

Nakita ko ang pagdating ni Charlotte kasama ang Papa niya. At winilcome naman sila ng mga nakakilala sa kanila.

Maya-maya ay marami pang dumating. At nagpalakpakan ang lahat ng bumaba na si Madam Sylvia. Naka suot siya ng royal blue dress na at ngumiti siya sa bawat tao na naroon. Ako naman ay tahimik na nanonood sa gilid. Gusto ko ng umuwi dahil ramdam ko na hindi ako bagay dito. Pero mapapagalitan ako ni Tita. At kailangan din ako dito para mag ligpit mamaya.

"Maraming salamat sa mga dumalo. Specially to those people from Manila. Thank you for the effort, I appreciate it. " sabi ni Madam. Nagpalakpakan naman ang lahat.

"And before we start. I would like to grab this opportunity to introduce to you. Ang magiging asawa ng anak ko pagdating ng panahon." natigilan ako. Pinagtuunan ko ng pansin ang susunod na sasabihin ni Madam. Nagbulong-bulongan naman ang mga bisita.

"Gusto ko kasing sanayin na ang anak ko sa pagkakaroon ng asawa. Para kapag dumating na ang tamang panahon. Madali nalang sakanila." pagpapatuloy ni Madam. Nag tawanan naman ang mga bisita. Samantalang ako ay halos hindi na mapansin kung himihinga pa ako.

"Okay. Huwag na natin itong patagalin. Please welcome Ms. Arianne Fouster."

Tumingin lahat sa babaing pababa sa hagdan, nakasuot siya ng light blue dress, naka heels at nakalugay ang buhok, nagmukha siyang diwata sa suot niya. Naka kapit ang kamay niya sa braso ni Vick. Ngayon, hindi na talaga ako makahinga. Umalis ako sa loob at tumakbo palabas ng mansyon. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Pinunasan ko iyon. Napapikit ako ng mariin. Bakit ganito? Ayaw ko ng ganito. Hindi ako bagay dito.

Arianne Fouster. Really? She's my sister-in-law for God's sake!! 

Do you love me? (Bikol Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon