Apat

15 5 0
                                    

Ikaapat na Kabanata

Fiesta

Kinaumagahan ay abala na ng lahat sa fiesta. At nandito kami ngayon sa school para mag practice sa gagawin bukas. Bukas na maglalaban ng finals sa basketball at nandito kami nina Acel at Deniefer para mag practice sa rampang gagawin ko.

"Haist, Carol. Ang ganda mo na sana kaya lang kulang pa sa practice rumampa." Sabi ni Acel habang umiiling. Nandito kami sa stage at tinuturuan nila ako. Kaya lang matigas ang katawan ko kaya hindi ko pa maperfect.

"Ang hirap naman kasi." angil ko.

"Just do it Carol." Sabi naman ni Deniefer. Ni Wala at silang tulong sa'kin a.

"Hi girls. What are you doing?" biglang dumating si Zion kasama si Vick.

"Tinuturuan namin si Carol. Kaya lang nahihiya pa kaya nahihirapan siya." Sabi naman ni Acel.

"Mali naman kasi ang ginagawa niyo." Sabi ni Zion at lumapit sa'kin. Hinawakan niya Ang likod ko para makatayo ng tuwid at hinawakan niya Ang baba ko.

"Chin up. And relax." sabi niya.

"Just inhale and exhale." ginawa ko ang sinabi niya.

"Gayahin mo ang gagawin ko." Sabi niya at ngumiti.

Humarap siya kina Acel, habang si Vick naman ay seryosong nakatingin sa Amin.

Hinawakan ni Zion ang baywang niya. At sinimulang maglakad. Rumampa siya ng mahusay. Natawa nalang ako. Pumalakpak sina Acel at Deniefer.

"Ang galing mo Zion a. Dati ka bang bakla?" tanong ni Deniefer habang tumatawa. Tumayo ng maayos si Zion at tiningnan siya.

"I'm just helping. Mali Kasi ang tinuturo niyo sa muse namin." sabi naman ni Zion.

Magkakampi sila ni Vick. Parehas silang blue team salamantalang si Karl ay sa red.

"Okay Carol. It's your turn. 'Wag mo ipahiya ang mentor mo." ngumiti ako kay Zion at huminga ng malalim. Ginawa ko ang ginawa niya kanina.

"Pak na pak!" sabi ni Zion gamit ang kakaibang tono. Pumalakpak naman sina Acel. Nakita ko ang seryosong mukha ni Vick na nakatingin sa'kin. Umiwas ako ng tingin dahil naalala ko ang sinabi niya kagabi. Umiling nalang ako para Wala yun s isip ko.

"Panalong panalo ka na Carol." Sabi ni Acel.

"Bili muna tayong meryenda. Dyan ka Lang Carol a. Practice ka pa." dagdag niya pa at naglakad na.

"Hoy Zion. Sumama ka samin, Wala kaming taga bitbit." Sabi naman ni Deniefer.

"What? Hindi ako pumunta dito para maging alalay niyo!" reklamo ni Zion habang nakasunod sa dalawa.

"Pwede ka namang mag quit. Kung hindi ka komportable sa pagiging muse namin." biglang Sabi ni Vick, napatingin ako sakanya.

"Why? Hindi ba ako maganda para pumasa sa pagiging muse niyo?" biro ko.

"Nope. Sobra nga ang ganda mo kaya pumasa ka sa'kin." Seryoso niyang Sabi habang nakangiti.

Nagbibiro lang naman ako . Bakit ang seryoso niya?

Kinaumagahan ay maaga kaming nagtipon-tipon sa school. Dito magsisimula ang parade. Nandito na ang lahat ng apat na team. Nasa unahan ang mga banda. Sunod ang red team, nakita ko sa unahan nila si Charlotte, naka high waist reap jeans siya at naka tuck in naman ang jersey niya. Sunod ang yellow team at kami na. Gaya ng kay Charlotte ang suot namin magkaiba ng jersey. Naka light make-up Lang ako at nakalugay ang buhok na medyo kinulot kanina ni Tita.

Do you love me? (Bikol Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon