Disinuebe

6 3 0
                                    

Huling Kabanata

Fight

"What did you say?" tanong ni Vick. Ngayon ay parang nanghihina na siya. Umiwas ako ng tingin para hindi ko makita na sobrang nasasaktan siya.

"Look at me, Carol. I want to hear it again." Lumapit siya sa'kin at hinawakan niya ang baba ko para tumingin sakanya. Hinawi ko ang kamay niya, umatras ako ng kaunti at tiningnan siya ng seryoso, para maniwala siya sa sasabihin ko.

"I don't love you. Is that enough reason to leave me?" hamon ko sakanya. I need to be strong para maniwala siya. Hindi ako pwedeng umiyak. Nakita ko ang panglulumo sa mata niya. Gusto ko na siyang umalis para hindi ko na makita ang malungkot niyang mga mata. Dahil kapag ipinagpatuloy niya pa iyan ay baka bigla kong bawiin lahat ng sinabi ko.

"Youre lying." sinamaan ko siya ng tingin.

"Vick, please just leave. Ayaw na kitang makita! Mahirap bang intindin 'yun?"

"I promised myself three years ago that I'll do want you want just to love me back. But now, just pretend Carol. I'm begging you. Can you just pretend that you love too?" nanlumo ako sa sinabi niya. At hindi ko na napigilan pang hindi tumulo ang luha ko. Ganyan mo ba talaga ako kamahal Vick?

"Umalis ka na." sabi ko at itinulak siya palabas ng bahay. Mabilis ko siyang naitulak dahil hindi siya lumaban o nagreklamo man lang. Kita sa kanya ang panhihina.

"Just leave Vick. And don't even come back."

Isinarado ko ang pinto at tuloy tuloy nang bumuhos ang mga luha sa mata ko. Napaupo nalang ako dahil sa panghihina at panghihina. Tama ba ang ginawa ko? Hindi ko alam.

Dumaan ang mga araw ay hindi na nga bumalik si Vick. Nababaliw na nga talaga ako. Paano babalik ang isang taong itinaboy ko?

Sa mga sumunod na araw ay naging normal ang lahat. Balik trabaho at OJT ang inatupag ko. Ganito ang ginagawa ko noon pero bakit parang may kulang na? Parang may nakakalimutan akong gawin.

"Congratulations, Ms. Fauster. Nakapasa ka." sabi ng isang teacher. Kakatatapos ko palang mag demo at sobrang saya ko ng matapos iyon. Lalo na dahil nakapasa ako.

"Oh ano? Mamaya sa resto bar. Sasama ka naman hindi ba? Tapos na ang Ojt at kailangan nating mag celebrate!" masayang Sabi ni Jean. Ngumiti ako sakanya at tumango.

Uuwi muna ako para maligo at makapagbihis.

Pagdating ko sa bahay ay nagulat ako dahil feel at home na nakaupo si Acel sa sala.

"What are you doing here?" tanong ko sakanya. Umupo siya ng maayos at tiningnan ako ng masama. Hinila niya ako para makaupo sa tabi niya.

"I'm here to inform you. Vick and your ugly sister in law are having an officially engagement party. At kapag nangyari 'yun mahirap na silang paghiwalayin." Nagulat ako sa sinabi pero kalaunan ay natauhan din. Naikwento ko kasi sa kanila ang nangyari sa Amin ni Vick, galit at panghihinayang ang naramdaman nila sa'kin.

"I'm glad to know that." sabi ko at bahagya akong sinapak ni Acel sa ulo. Hinawakan ko ang ulo ko at tiningnan siya ng masama.

"Para saan 'yun?" tanong ko sakanya. Inirapan niya ako.

"Para matauhan ka. I know that you love Vick. Bakit ganyan ka? Hindi mo ba ipaglalaban ang nararamdaman mo?" medyo tinamaan ako sa sinabi niya. I don't have a guts to fight for my feelings baka matalo lang ako.

"I'm happy for Arianne. Matutupad na ang gusto niya at hindi na niya ako guguluhin." tumayo ako para pumunta sa kwarto para maligo. Pero natigilan ako sa sinabi ni Acel.

Do you love me? (Bikol Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon