"thank you sa paghatid." Sabi ko ng narito na ako sa pintuan ng klase. Naiilang ako sa kanyang titig. Crush ko siya pero nasanay na ako na masungit siya sa akin ng kaonti pero ngayon ay parang lumalambot siya.
"Okay then, mamaya nalang" aniya sabay lakad ng naka pamulsa. Ganoon rin ang kanyang mga kaibigan.
Biglang may humawak sa aking balikat. Nilingon ko kung sino iyon.
"Gago ka ba Allie?! Sana ay hinila mo man lang ako! Your so stupid!" Angil ko.
Humagalpak naman siya sa tawa. Mas lalo lang akong nairita.
"Humingi ng favor sa akin si Lucas na iwan kita doon! Hindi alam iyon nila Vince." Aniya sabay patuloy sa pag kakatawa.
Nanlaki ang mata ko. Pinlano? Bakit? Pero nagibabaw parin sakin ang inis ko. Wala akong time para pag tuonan ng pansin ang mga bagay na iyan.
"Damn allie! Ewan ko sayo! Kaibigan ba talaga kita?" Iritado kong tanong.
"Syempre. Wala si ma'am may sakit kaya.." nag kibit siya ng balikat.
Alam ko na ang ibig sabihin noon. Binangga ko siya para makadaan. Naiinis ako kay allie! May pa worried effect pa sa akin kanina!
"Hey! Grabe ka naman sakin" aniya sabay yakap sa akin sa likod.
"Ewan ko sayo! Aalis na ako! Sabihin mo kay Lucas ay salamat sa paghatid!" Mariin kong sinabi.
Kinuha ko na ang bag ko at tumakbo. Hahabulin nanaman ako ni allie for sure.
I want to go to library. Wala akong ganang pumunta sa basketball court naroon na yata sila kuya.
Nagulat ako ng nakita ko sila kuya. Damn! I want to run! Especially when I saw lucas!
"Reinstal" narinig ko ang tawag ni kuya.
Lumingon ako sa kanya na parang wala lang sa akin na nandito sila. I don't want to have a look of shock on their face.
Sumenyas ito na roon daw ako umupo. Dahil nga nag acting akong parang wala lang. Lumapit ako sa kanila. Nanginginig pa ang braso ko habang yakap yakap ang korean bag na yakap yakap ko.
"Where's allie?" Tanong ni kuya habang tinitingala ako.
"I don't know" i looked away. Umupo ako at nilapag ang bag ko. Hindi ko nilingon si Lucas.
"Tapos na ang klase niyo? Ang aga naman yata rein?" Nagtatakang tanong ni kuya.
"Wala si Ma'am." Tipid kong sagot.
Ilang sandali ang katahimikan at nag salita si kuya.
"Are you sure you want to learn drift in car lucas?" Tanong ni kuya.
Nanlaki ang mga mata ko. What the hell!? Tuturuan ni kuya si lucas mag drift sa kotse?!I've been asking my brother for years to teach me drift skills. Pero tuturuan niya ngayon si lucas!?
We were in Japan then. My brother learned a lot in cars. That includes drifting.When I found out that my older brother was a good drifter in the car, I forced him to teach me. But he didn't obey me. Of course it took me a few years to learn that because we live in Japan. But he was the only one given a sports car.
Niyugyog ko si kuya.
"Kuya! Turuan mo na ako noon!" Mangiyak ngiyak kong pag mamakaawa.
"Sa susunod kana. Kapag nakatapos ka na ng pag aaral. Wala pa naman tayong sports--"
"Pero kuya! Kayang kaya mo mag drift sa kahit anong kotse! Dapat ganoon rin ako!" Niyugyog ko ulit siya.
Drift king si kuya dati. Just like DK in tokyo drift movie. Pero hindi masama ang kuya ko. Nahiligan ko iyong movie na iyon because i really love sports car!
"Rein.. maghintay ka. Malapit na tayong magkaroon noon" aniya sa mahinahong tono.
Alam kong bibigyan kami ni daddy ng sports car pero gusto ko ng matuto!
Nilingon ko ang mga tao sa library. Pinag titinginan na kami. Malungkot kong tinanggal ang kamay ko sa balikat ni kuya.
"Uh, gusto mong sumama sakin habang tinuturuan ko siya?" Tanong ni kuya.
Umaliwalas ang aking mukha.
Tumango tango ako.
"Promise mo sakin na hindi mo gagawin to" aniya.
"Okay." Sabi ko.
"So... Lucas. Okay lang?" Sabay lingon ni kuya kay lucas.
"Sure! Mas maganda kapag naroon si reinstal" aniya at ngumiti sa akin.
Kinagat ko ang labi ko. Ngumiti nalang ako at kinalkal ang bag ko. Hindi ko alam kung anong hinahanap ko. Kinuha ko nalang ang aklat at tinuon ang pansin roon. Habang sila kuya naman ay nag uusap pero hinihinaan nila ng konti.
Nag ring ang bell. Kailangan ko ng pumunta sa next subject.
"Kuya, una na ko. May klase pa ako. Lucas una na ako" Sabi ko at binigyan sila ng matamis na ngiti. Tumango silang dalawa at ngumiti sa akin. Wala pa yata silang klase?
"Kuya wala ba kayong klase?" Hindi ko na napigilan dahil mukhang nag cucutting din ang isang ito.
"Wala ang teacher namin ngayon. Pero pupunta parin kami sa room. Bakit?" Nag taas siya ng kilay.
Umiling nalang ako at tumalikod. Nasaan na kaya si allie? Mag kaklase parin kami. Siguro ay nasa room na iyon.
Nakita ko nga sila nila allie na nag uusap. Kasama si Vince. Nilingon naman ako ni Vince at kumaway.
Pumunta ako doon.
"Tuturuan pala ni Zack si Lucas na mag drift." Ani Vince.
"Oo. Sasama ako mamaya ikaw?"
Tanong ko."Siguro." Aniya sabay talikod na sa amin. Si allie naman ay malungkot na pinag mamasdan ako. Ngumuso ako para itago ang ngiti ko.
"Rein... Kausapin mo na ako" ani allie.
Lumingon ako sa kanya. Kaonti nalang at hahagalpak na ako sa tawa.
"Hmm?"
"Galit kapa ba sakin?" Tanong niya.
"Nope." Sabi ko at kinuha ang tubig para uminom.
Pumasok na ang teacher namin. Pagkatapos nito ay manonood ako ng Basketball ni lucas. Ng natapos na ang klase ay dumaretso agad ako sa basket ball para makanood ng practice nila. May dala rin ang tubig para sa kanya. Hindi ko sinama si allie dahil panira lang iyon.
Umupo ako sa bleachers. Mag sisimula na ang game! Naka garter headbun siya! Ang cute!
Naganahan akong mag cheer. Wala akong pakealam sa mga makakakita sa akin!
"Go Lucas! Go lucas! Go lucas!" Paulit ulit ko iyong sinabi. Naagaw ko naman ang atensyon niya. Ngumiti siya at shinoot ang bola.