KABANATA 6

8 2 0
                                    

Nakalipas ang mga araw. Sabado ngayon. Wala si kuya dito kasi tinuturuan niya pa si Lucas. Hindi muna ako sumama kasi masyadong boring.

Nanunuod lang ako ng Tv sa kwarto habang nakahiga. Wala akong masyadong napupuntahan kapag sabado.

Bumaba muna ako para mag meryenda. Nandito sila mommy at daddy kapag sabado at linggo. 

"Anak. Mag meryenda kana muna. Hindi ka sumama sa kuya mo?" Tanong ni mommy.

Umiling lamang ako at matamlay na umupo.

"You want to go to Mall? Mag shopping ka doon. Hindi yung nandito ka lang sa bahay." Ani mommy.

Oo nga? Mag mall kaya ako? Kaya lang anong bibilhin ko? Damit? Bags? High heels? Nakakawalang gana kapag walang kasama. Staka malayo pala ang mall!

"Ma,sobrang layo ng mall dito." Sabi ko sabay kuha ng Bananaque. Nagsalin narin ako ng juice.

"Oo nga pala " Ani mommy sabay umalis na sa dining room. Ako nalang ang natira. Binilisan ko nalang ang pagkain ko at tinignan ang social media. Nag friend request sakin si lucas! Cinonfirm ko iyon!

Ngayon niya lang ulit ako in-add friend sa facebook.

Naubos ko na ang pagkain ko ay pumunta na ulit ako sa kwarto.

Kinuha ko ang remote ng Tv para ilipat sa YouTube at mag hanap ng kanta.

Natigil ako ng may kumatok sa pintuan.

"Rein!" Nahimigan ko ang boses ni kuya.

"What?" Sigaw ko.

"Open the door!" Sigaw niya.

Padabog akong lumapit sa pinto at binuksan.

"Ano?" Iritado kong tanong.

"Tara.. sumama ka sakin" aniya sabay hila.

"Teka! Mag bibihis muna ako!"

Huminto siya at pinasadahan ng tingin ang aking suot.

"Magbihis ka nga ng White dress! Yung hindi kita yung dibdib mo ha! Lagot ka sakin!" Pagalit na sinabi ni kuya.

Umirap ako.

"Oo na oo na! Sandali lang!" Sabi ko at tumakbo ulit sa kwarto. 

Nagsuot ako ng White halter dress. Nag make up narin ako kahit hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni kuya.

"Tara na!" Ani kuya.

Nag mamadali siyang maglakad. Halos madapa na ako sa pangangaladlad niya sa akin. Damn!

"Dalian mo!" Sabay pinilit akong ipasok ni kuya sa kotse niya.

"Kuya saan ba tayo pupunta!" Iritado kong tanong.

Umikot siya at sumakay sa driver seat.

"Birthday ni Lucas ngayon rein. Wag mo sabihing..... Nakalimutan mo ang Birthday ng Crush mo?" Sarkastikong sinabi ni kuya.

Nanlaki ang mata ko. Oh no! Pupunta ako sa birthday niya ng walang regalo?!

"Kuya! Wala akong regalo!" Sigaw ko.

Tumawa lang siya at inatras ang kotse bago humarurot.

"Don't worry, ibigay mo nalang kung anong gusto niya. Kaya mo namang ibigay diba?" Sabi niya habang seryoso ang kanyang mukha sa kalsada.

Anong hihilingin niya? Fine. Tutal ay wala naman akong regalo. Tatanungin ko nalang siguro siya.

Tahimik kami buong byahe. Nang nakarating na kami sa bahay nila ay bumungad sa akin ang magagarang Sports car.  I forgot to say again naka sports car si kuya pati ako.

"Kuya.. nahihiya ako. Wala akong regalo para kay lucas." Sabi ko at pinulupot ang aking mga braso sa braso ni kuya habang naglalakad kami at nililibot ang aking mga mata.

"Don't worry. Ayan na pala si Lucas oh" tinuro niya kung sino iyong nasa pintuan.

Nanlaki ang mata ko. I saw lucas pocketed as I was being examined.
Ngumiti siya sa akin. Nanginginig ang mga labi kong ngumiti.

Sumenyas si kuya kay Lucas. Hindi ko alam kung ano iyon. Hinawi ni kuya ang mga kamay ko na nasa braso niya habang lumalapit sa akin si lucas.

"K-kuya..." Pigil ko kay kuya.

"Don't worry. Maghahanap lang ako ng chicka babes" aniya at kumindat sa akin. Susuntukin ko na sana ang kanyang braso ng Tumakbo na siya papalayo sa amin. Napaka kapal ng mukha noon! Akala ay nasa bar kami.

"Reinstal.." napalingon ako kay Lucas.

"Happy birthday.. pasensya na. Wala akong regalo." I looked away.

He chuckled.

"It's fine! I don't need a gift" aniya.

"Tara pasok tayo." Aniya.

Tumango nalang ako at sumunod sa kanya. Nagulat ako ng tapikin niya ang kanyang braso. Kumunot ang noo ko

"Hold it." Sabay kuha niya ng aking kamay.

Nagulat ako sa kanyang ginawa. Pinag titinginan na kami ng mga tao. Sinubukan kong  bawiin ang aking kamay pero inipit niya iyon.

"L-lucas. Pinag titinginan tayo" sabi ko.

Lumingon siya sa akin.

"So?" Sarkastikong sinabi niya.

Umirap ako. Nagulat ako ng nakita ko si Ailene. The hell? Kapal nito ah. Lumapit siya sa amin kasama ang tatlong babae sa kanyang likod.

"Hi!" Aniya at maarteng kumaway sa amin.

Kumunot ang noo ko.

"Nandito ka pala reinstal?" Sabay liapt ng tingin sa akin.

Sampalin kaya kita para malaman mong nandito ako? Umirap ako ng nakangisi at hinawi ang buhok sa aking harapan.

"Hindi ba halata?" Sarkastiko kong sinabi.

Nakita ko ang pag irap at ngumiti siya sa akin.

"Hinahanap kana ni Tita Lucas. Shall we?" Aniya at naglahad ng kamay pero imbis na tanggapin ni Lucas ay tinignan niya lang iyon.

"No thanks, mauna na kami" ani Lucas at naglakad na kami.

Pinigilan ko ang pagtawa. Nagkasalubong naman ang kilay ni Ailene habang tinitignan kaming umaalis.

"Ang sungit mo naman Rein" natatawang giit niya.

Naiinsulto kasi ako. Napangiti nalang ako.

"Kain muna tayo. Gusto kang makita ni mommy" sabi niya.

Parang tumigil ang mundo ko. Gusto akong makilala ng Mommy niya?

"T-teka bakit?" Tanong ko.

Napahinto naman siya at ngumiti sa akin.

"Gusto kasi ni mommy na makita ang kapatid ni zack." Aniya.

Marahan nalang akong tumango. Lumakad na kami. May mga nakita akong pamilyar sa aking kaklase niya. Mayroon ding mga kaklase ko.

"Anong gusto mong Kainin?" Tanong ni lucas.

Inikot ko ng tingin ang buong garden. Hinahanap ko si kuya.

"Sinong hinahanap mo?" Napalingon ako kay lucas. Nakakunot ang noo niya.

"Uh, si kuya" i looked away.

"Nandyan lang yan. Naghahanap siguro ng makakausap" aniya.

Marahan nalang ulit akong tumango. Kumuha na ako ng sariling plato at kumuha ng Slice ng cake at spaghetti.

Nilingon ko si lucas na nakakunot ang noo.

"Diet....ka?" Tanong niya.

I chuckled.

"Nope. Hindi ako masyadong gutom" sabi ko at ngumiti.

"Sa loob nalang tayo kumain. Walang masyadong tao." He give me a Sweet smile.

Napalunok ako sa kanyang ngiti.

To Get To YouWhere stories live. Discover now