Buong gabi ay napapaisip ako. Bakit ako nag "Oo?" Pero gusto ko siya! Babalik naman siya hindi ba? Para sa aming relasyon ay kakayanin ko ang long distance relationship. Kakayanin ko.
Nilingon ko ang aking Cellphone na nag riring. Bahagya akong napa upo ng makita kung sino iyon. Inayos ko rin ang aking boses.
"Hello?" Ako.
(Hey... Are you okay?") Malambing ang kanyang tono.
"Oo naman ikaw.." mahinahon ang aking tono.
("I'm okay. Gusto ko lang malaman na...kung napilitan ka sakin kanina?"?) Nabasag ang kanyang boses.
Kinagat ko ang aking labi. Hindi ako napilitan. Na lungkot lang ako kasi aalis na siya.
"Hindi..B-bakit?"
Hindi siya umimik. Tinikom ko nalang ang aking bibig.
("Sabay tayo bukas?") Tanong niya.
Umaliwalas ang aking mukha.
"Oo naman!" Masaya kong sinabi.
Kinabukasan ay sabay nga kaming pumasok ni Lucas. Alam narin nila daddy na Boyfriend ko na siya. Nalaman lang iyon nila mommy dahil kay kuya. Si Manang ay hindi pumayag sa una. Batas din siya rito sa bahay. Hinahayaan lang nila mommy dahil simula ng bata kami ni kuya ay siya na ang nag aalaga sa amin.
Tahimik lang kaming dalawa buong byahe. Ang aking isang kamay naman ay nakasalikop sa kanya. Hindi ko pa rin maalis sa aking isipan na aalis na siya. Friday na ngayon. Tatlong araw nalang ang natitira para makapag bonding.
Nangingilid ang luha ko. Matatawag pa ba itong relasyon? Ni hindi pa kami nakakapag date,bonding, o lumabas man lang. Sabi nga nila kapag first love ay tinuturuan ka lang na mag mahal. Ayon ang pumapasok sa isip ko. Tila ba na parang pinag lalaruan lang niya ako.
Buo ang tiwala nila mommy para sa akin dahil kakilala na nila si lucas. He's not a fuckboy alam ko. Pero parang ang bilis ko namang sumagot? But i love lucas so bad!
"Hey... Anong iniisip mo? Wag mong alahanin yung pag alis ko.." aniya. Napalingon ako sa kanya. He's driving serious.
"Uh, wala." I looked away.
Hindi na siya nag salita. Pinagmasdan ko naman ang aming mga kamay. Gusto kong bumitaw pero hindi ko na tinuloy. Nakarating kami sa school ng tahimik. Pinagtitinginan rin kami. I don't care.
Hindi man lang ako makaramdam ng Excitement. Hindi rin ako maka ngiti. Parang gusto kong sumunod sa kanya sa U.S pero hindi pwede.
Napalingon ako kay Lucas ng huminto siya. Kumunot ang noo ko.
"Wala ka sa sarili mo... What is it?" Tanong niya.
Agad akong umiling at nag iwas ng tingin. Inalis ko ang mga iniisip ko. Tinuon ko ang pansin sa kanya.
"Thank you sa paghatid dito... Pumasok ka na" sabi ko.
Tumango lang siya. Nagulat ako ng hinalikan niya ako sa Pisngi. Lumakad na siya ng hindi ako nililingon.
Pumasok na ako ng nakatulala.
"Uy reinstal kayo na ni Lucas? Bakit parang ang bilis naman? Ilang taon ka na niyang nililigawan?" Tanong ng mga kaklase ko.
Wala akong maisagot. Ang tanging nagawa ko ay umupo ng wala sa sarili. Hindi ko rin kinausap sila Vince na ngayon ay salita ng salita.
"Bakit ka niya kiniss sa pisngi?" Tanong ni allie.
"Oo nga. Ayaw pa kasi umamin ni reinstal e" kantyaw ni Vince.
Umirap ako.
"Bakit di'mo tanungin ang pinsan mo allie?" Iritado kong giit.
Tinikom niya ang kanyang bibig. Parang tinatago ang ngiti. Umiling nalang ako at nag iwas ng tingin sa kanila.
"Uy Vince pakilala mo naman samin nililigawan mo!" Narinig ko si Jaxon.
Napa lingon ako sa pinsan ko. Nililigawan?
"Sino yan ha?" Kantyaw ko.
Nakita ko ang pag irap ni Vince.
"Si Amara." Aniya at nag iwas ng tingin.
Napawi ang ngiti ni Allie sa narinig.
"Tss. Ano ba ang nakita mo sa babaeng yun? Ang sama kaya ng Nanay non! Masyadong rich kid at maarte!" Angil ni allie.
Siguro naman ay si Amara ay hindi gaano masama ang ugali? Hindi ko naman nakikita sa kanya na maarte aiya sa klase. Kaklase ko siya sa Math time. Palagay ko ay wala siyang kaibigan kaya masyado lang siyang tahimik. Minsan nakikita ko siya na Binubully.
Alam ng lahat dito ang kwento ng pamilya nila. Ang nanay niya ay parang demonyo. Dahil sa lalaki ay naghiganti siya sa lahat.
"Hindi mo pa siya nakikilala." Seryosong giit ni Vince.
Gwapo si Vince. Maganda rin si Amara. Masyadong maputi. Parang siyang snow.
"Kaya pala hindi ka na sumasama sa amin ganoon ba?" Angil ulit ni Allie.
"May gusto ka ba sakin? Kung meron man hindi kita gusto" aniya at tumalikod na sa amin.
"Hindi ka pala torpe Vince?" Sambit ko.
"Bakit ako magiging torpe" may bahid na irita ang kanyang sinabi.
Tumawa nalang ako at umiling. Nilingon ko naman si allie na ngayon ay parang sasabog na sa galit.
Nag simula na ang klase. Nakinig nalang ako ng mabuti. Lumilipad ang isip ko kay lucas. Siguro ay tapos na siya sa kanyang klase? I don't know.
Pagkatapos ng aming klase ay lumabas na ako. Nagulat ako ng bumungad sa akin si lucas.
"Oh, tapos na klase niyo?" Giit ko para matanggal ang awkward na tinginan namin.
"Yup. Break time. Ikaw?" Tanong niya.
Nakapasok na ako sa ilang Subjects kaya naman ay mag bebreak time na ako. Hindi ko kasama si allie ngayon dahil may kailangan pa daw siyang ayusin.
"Uh, oo. Si kuya ba?" Tanong ko.
"Umalis e. Ewan ko kung saan pupunta" sabi niya.
Tumango nalang ako ng marahan.
"So... Tara?" Tanong niya.
Ngumiti ako at tumango.
"Sure."
Ngumisi siya at parehas na kaming tumulak.
"Saan tayo kakain? Sa cafeteria nalang. Masyadong malayo kapag mag c-cafe pa." Sabi ko.
"Okay. Doon ang gusto mo e." Aniya habang nakangisi.
Sino naman kaya ang kasama ni kuya? Siguro ay kaibigan lang din. Pero bakit hindi niya sinama si Lucas?
Umalis si lucas para mag order. Lumilipad na naman ang isip ko sa pag alis ni lucas. Sana ay hindi na dumating ang araw na kinatatakutan ko. Sana ay wag nalang siyang sumama pero kailangan niyang sumama roon dahil may sakit ang kanyang lolo.
I'm scared too. Well .. maybe he just fooled me while I wasn't with him. We are not used to this relationship. We haven't even dated or even been out yet.But that doesn't matter. I had enough that he was by my side. I'm good enough that he takes me seriously. It was enough for me that he wouldn't hurt me. It was enough for me to get him back here. But the pain would not come to me because every time I thought about leaving he would suddenly burst into tears.
"Kain na tayo" Naputol ang aking pag-iisip ng dumating na si Lucas.