"hinatid ko yung kotse mo kagabi. Sobrang lasing kana... Buti't nakapasok ka" ani allie.
Nasa school na ako ngayon. Mabuti nga at nakatakas pa ako kay manang dahil kung hindi ay papaulanan lang ako ng galit noon.
"Thanks, sorry. Mabuti bati na kami ni kuya Zack. Nasaan nga pala si Lucas?" Sabi ko. I just want to say thank you to lucas kasi hinatid niya ako.
"Nasa basketball kasama ang kuya mo" aniya.
Agaran nan ang paglingon ko sa kanya.
"Gusto mo puntahan?" Tanong ni allie.
"Tara. Kailangan ko lang mag pasalamat dahil hinatid niya ako kagabi." Tumingin ako sa malayo.
"Okay." Aniya at hinila ako.
Nakaramdam ako ng hiya at takot dahil sa ginawa ko. Baka mamaya ay sabihan niya na ako ng pasaway.. ano pa nga ba? E pasaway naman na ako sa tingin niya..
Pagkalapit namin ay naririnig na namin ang mga kaluskos ng mga sapatos. Nilibot ko agad ang tingin ko. Nakita ko sila kuya sa bleachers na nakaupo habang umiinom ng Gatorade.
Nagtago agad ako sa likod ni allie ng papalapit kami sa kanila. I don't know why basta nakakaramdam ako ng takot.
"Oh nandito pala kayo. Rein?" Narinig ko ang boses ni kuya.
Unti unti naman akong humarap sa kanila ngunit nakayuko ako.
"Tara allie. Samahan mo akong bumili ng tubig" ani kuya.
"Okay. Maiwan muna namin kayo" ani allie at lumakad na papalayo.
Ngayon ay kaming dalawa nalang. It's awkward! Damn!
"Upo ka." Ani lucas.
Dahan dahan akong umupo sa tabi niya.
"S-sorry kagabi." Sabi ko ng hindi padin siya tinitignan. Damn!
"Okay Lang. Bakit ka kasi nag mamadaling umalis? Nagalit tuloy kuya mo." Aniya.
Uminit ang pisngi ko. Damn! Ano ang sasabihin ko? Wala akong mahanap na tamang salita.
"Nevermind. Kumain kanaba? Wala ka bang klase?" Tanong niya.
"M-meron.. pero mamaya pa ang klase ko." Sabi ko.
"Kain tayo.. you want?" Tanong niya.
Umaliwalas ang mukha ko pero baka mamaya ay mailang lang ako pag wala sila kuya.
"Uh, tapos na ba ang laro niyo?" Tanong ko.
He chuckled.
"Bawas bawasan mo ang kapilyuhan mo sa kuya mo ha? Pasalamat ka at hindi ka nagaya sa kalaro namin." Aniya at tumayo.
Huh? Nagalit si kuya? Hinila ko ang braso ni lucas. Napahinto siya.
"Why?" Tanong niya.
"Bakit... Nagkaron ng kaaway si..."
Pinutol niya ang sinabi ko at nag salita."Dahil sa babae.." aniya pero hindi niya parin hinahawi ang kamay kong nasa braso niya.
"Sinong babae?" Tanong ko at binitiwan na ang braso niya.
"Matagal na yon. 1 year na ang nakalipas" aniya at pumunta na sa court.
Wala namang sinasabi sa akin si kuya? Umatras ako at umupo na sa bleachers. Bakit nga pala napaka tagal nila kuya? Bibili lang ng tubig pero sobrang tagal?
Nilingon ko ang pintuan ng court at wala parin sila. Damn! Naunahan na yata akong pumasok!?
Tinignan ko ang oras. 10 minutes nalang at klase ko na! Mabuti nga sila kuya ay nag babasket ball lang.
Mabilis akong nagligpit ng gamit. Mautak din si allie! Iniwan lang nila ako dito! Pero babalik siguro si kuya kasi may game?
"Aalis kana?" Napatalon ako kung sino iyon.
"Uh, oo e. May klase pa ako. Si allie kasi iniwan ako" sabi ko at dinala na ang bag.
"Nandyan ang gamit niya ah? Hintayin mo nalang." Aniya.
But i have no time to wait! Lagi nalang ba ako mag hihintay? The hell?
"Nandyan na pala sila" aniya habang ngumunguso.
Damn lucas! You are so hot in whatever you do!
"Uh, oh" yan lang ang tanging nasabi ko habang nakatitig parin sa kanya. Damn! He look so hot!
"Tara na! Malalate na tayo!" Ani allie.
"zack, Lucas. Mauna na kami. Kita nalang tayo later" aniya sabay hila na sakin. Nakatitig parin ako kay Lucas noon pero nawala rin.
I can't imagine na magkakaron ng kaaway si kuya dahil sa babae? The hell? Play boy si kuya pero may nakaaway na siya dahil sa babae? Damn!
Mabuti at wala pa ang teacher kundi ay papagalitan nanaman kami kasi late na kaming dumating ni Allie.
"Anong pinag usapan niyo ni lucas?"
Tanong ni allie."Wala. Nag thank you lang ako" sabi ko.
Inabala ko nalang ang aking sarili sa pag babasa. Wala pa si ma'am! Anong oras na.
"Cutting nalang tayo! Wala naman si Ma'am!" Bulong ni allie.
"No! Kayo kayo nalang nila vince!" Sabi ko.
"Ang KJ mo naman rein!" Sambit ni chaloe. Isa sa mga friends ko.
Umirap ako.
"Napagalitan na nga ako diba?" Naiirita kong sinabi.
Umirap siya at ngumuso.
"Tara na nga! Tayo tayo nalang nila Vince! Hoy Vince tawagin mo sila lexi,
Faithy, pati si jackson!" Aniya.Nanghihinayang ako. Gusto kong sumama sa Kanila pero kapag sumama ako. Mapapagalitan nanaman ako ni kuya pati ni mommy and daddy!
"Teka! Hintayin niyo ako sasama ako!" Sigaw ko sabay ligpit agad ng gamit.
Kita ko naman ang pag ngisi nilang lahat. Makulit ako e. Wala akong kasama kapag nag paiwan ako.
Sumunod agad ako sa kanila. Sana ay hindi ako makita ni kuya! Malalagot na naman ako!
Pumunta kami sa likod ng school habang nagtatawanan. Pero kailangan naming mag ingat kasi baka ma huli kami ng mga teacher. Siguro ay sila kuya ay nag babasketball parin o kaya nasa klase na.
"Holy shit!" Napahinto si jackson. Napatingin ako sa harapan niya. Holy shit! Sila lucas! Manghuhuli yata!
"Takbo!" Ani Jackson. Tumakbo na ako. Pero hindi ako mabilis tumakbo! Damn! Lahat sila ay nasa harapan ko na pero ako nasa pinaka likod nila! Putangina! Natapilok pa ako!
"Rein!" Boses ni allie ang narinig ko. Sinubukan kong tumayo pero hindi ako makatayo. Nagulat nalang ako ng may humawak sa bawang ko at tinayo niya ako.
"Bitiwan mo ako!" Sinubukan kong kumawala sa kanya pero malakas siya! Hinigpitan niya ang hawak sa aking baywang. Umatake rin ang amoy sa aking mga ilong.
"Napakakulit mo talaga rein" isang malambing na tono ang narinig ko. Pamilyar sa akin! What the..
"Don't worry, ihahatid nalang kita sa room niyo." Aniya sabay harap sa akin.
What the hell?! Si lucas?
Kumalabog ang aking puso. Fuck! Napaka tanga ko!
Nilingon ko rin ang mga kasamahan niya. Wala si kuya. Ang mga kaklase niya lang.
"Hey." Aniya.
Napalingon ako sa kanya. Sumalubong sa akin ang kanyang nakakabaliw na ngiti damn!
Hindi ako nakapag salita. Para akong nahihypnotize sa kanya. Napakurap kurap ako at nag iwas ng tingin. The hell! Sana ay hindi nalang ako sumama kay allie! Hindi rin naman ako ililigtas!