KABANATA 9

6 1 0
                                    

"ang nanay mo lang naman ang umagaw sa aking asawa! Now get out of here! Tanungin mo ang nanay mo! Parang wala ka pang kaalam alam" ani Tita Meliza.

"Rein..are you okay?" Tanong ni Lucas sa akin.

Tinitigan ko si lucas. Naaawa ako kay lucas. Dapat ay masaya ang party na ito. Walang away na magaganap.

Humagulgol sa pag iyak si Ailene. Wala pa nga siyang kaalam alam sa mga nang yayari. Parang nakaramdam ako ng awa sa kanya. Ang sarili niyang ina y hindi magawang sabihin ang mga nangyayari.

"Doon muna tayo sa kwarto." Aniya at hinila na ako.

"Mom, doon po muna kami sa kwarto." Paalam ni lucas.

Tumango naman si Tita Meliza. Nilipat niya ang tingin sa akin at ngumiti.

"Are you okay hija?" Tanong niya.

"Ayos lang po ako. Mag pahinga din po muna kayo siguro" sabi ko.

Tumango lang siya at nilipat ang tingin kay Ailene na iyak ng iyak. Ang tanging dumadalo lang sa kanyang ay ang tatlong kaibigan niya.

Nag patuloy kami sa paglalakad ni lucas. Hindi ko alam kung nasaan si kuya.

"Rein! Are you really okay?" Halos mapatalon na ako sa gulat dahil sumalubong sa akin si kuya.

"Yeah, something's happened." Simple kong sagot.

"Ano ba ang pinag awayan niyo ni Ailene?" Tanong niya.

Hindi ko pwedeng sabihin. Dahil nag away lang kami dahil kay Lucas.  Mag sisinungaling na naman ako.

"Uh" wala akong maisip na pekeng pangyayari! Damn!

"Uh?" Tinagilid ni kuya ang kanyang ulo at nakapamaywang.

"Dahil ba kay.....lucas?" Tanong ni kuya.

I looked away.  Sasabihin ko na ba?

Tumango nalang ako ng marahan. Dinungaw ko ang mukha ni lucas. He's serious.

"Uh. Sige na sumama ka na muna kay lucas. Titignan ko muna si Tita Meliza. Lucas" sumenyas si kuya kay Lucas.

Tumango naman ito. Hindi dapat nangyayari ito. Sana ay hindi ko nalang pinatulan si Ailene. I want to go back para kausapin si Tita. Baka mamaya ay ma istress pa siya. Ginagawa niya ito para sumaya ang kanyang anak. That's all! Tapos nag kagulo pa!

"Lucas...i want to go back" nanginginig kong sinabi.

"No. Hayaan mo muna" aniya.

Tinanggal ko ang aking kamay na nakahawak sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Lucas.. dapat masaya ang Party na ito. Hindi dapat nag kakagulo! Ginagawa ito ng mommy mo dahil gusto ka niyang makita na masaya" mahinahon kong sinabi.

"Rein.. please" aniya.

Umiling ako. I need to solve this. Gusto ko ring makitang masaya si Lucas.

"I want you to happy" sabi ko.

"Then come with me. Hayaan mo muna sila" aniya.

"I can solve this. Please." Pag mamakaawa ko.

Hindi ko na hinantay ang kanyang sagot at tumakbo na.

"Rein!" Sigaw ni Lucas.

Natanaw ko parin si Ailene na umiiyak habang pinapaulanan ng salita ni Tita.

"Kapatid ka ni lucas sa labas!" Sigaw ni Tita.

Namilog ang mata ko at napahinto. Now i get it. Magkapatid nga sila sa ama. Pero si Ailene may gusto kay lucas.

Unti unting humarap si Ailene kay tita Meliza habang namumugto na ang kanyang mga mata at nag kalat na ang kanyang make up.

"W-what did y-you say?" May bahid na galit ang tono ni Ailene.

"Get out of here and tell to your mom!" Sigaw ni Tita Meliza.

"Kayo ang sumira sa aming pamilya! Kasal kami pero ng nalaman niyang buntis ang nanay mo ay kayo ang pinili niya! Ayoko sanang ako mag sabi sayo!" Sigaw ni Tita meliza.

Taas baba na ang kanyang dibdib dahil sa galit. Lumapit ako sa kanya at hinagod ang kanyang balikat.

"Tita.. calm down" i said.

Lumingon naman sakin si Tita at ngumiti.

"Baby, let's go" nagulat ako ng may humawak sa aking baywang. Nilingon ko iyon. Si lucas.

Ang kanyang mga mata ay mapupungay.

"Lucas, hindi mo dapat marinig ang mga ito" nanginig ang bosses ko.

"Don't worry. Alam ko na ang lahat. Wag mo na akong alalahanin. You should rest now, rein" malambing ang kanyang tono.

"Pero paano ang mommy mo." Aligaga kong tanong.

Concern ako kay tita Meliza. Baka mamaya ay may mangyari sa kanya.

The past few days naging magulo sa school dahil sa nangyari noong birthday ni Lucas. Hindi ko alam na ganoon pala. Umiiwas narin ako kay Ailene. Sa totoo nga naaawa ako sa kanya dahil wala siyang kaalam alam. I want to say sorry.

"Huy, kanina ka pa tulala?" Napalingon ako kay allie.

tumingin ako sa malayo.

"Hinahanap mo si lucas?" Tanong niya.

"Hindi ah." Tipid kong sinabi.

Naalala ko ang mga nangyari sa amin ni lucas. Sa tuwing pumipikit ako ay naaalala ko iyong nasa kwarto kami.

"Alam mo.. mabait naman talaga si Tita Meliza. Kaya lang... Ayaw niya roon sa Ailene na iyon. Lalo na't may gusto sa sarili niyang kapatid" umirap si allie.

"Wag na natin iyon pag usapan. Buhay naman nila iyon" i looked away.

Tumango naman ng marahan si allie at ngumuso.

"Saan ba tayo pupunta? Tapos naman na ang klase. Library muna tayo. Wala naman tayong pupuntahan." Angil ni allie.

"Okay." Tipid kong sinabi.

Dumaretso kami sa library. Bumagal ang lakad ko ng makita ko si Lucas.
Papalapit siya sa amin.

"Uh, allie. Susunod nalang ako sa library" sabi ko.

Nilingon niya ako at tumango. Sinundan ko siya ng tingin at binalingan si lucas na papunta sa akin.

"Rein.." he called me softly.

Kinagat ko ang aking labi.

"Can we talk?" Tanong niya.

Lumingon ako sa kanya at tumango nalang.

Sinundan ko siya. Pumunta kami sa likod ng School. Hindi ko alam kung bakit dito pa kami mag uusap.

"Reinstal... I'm sorry sa nangyari nung birthday ko. Hindi ako nakapag pigil" aniya at pumikit ng mariin.

I remember what happened to us. I promised then that I would give my womanhood to someone I love. Yeah. I gave it to lucas because I love her.

"Okay lang. Are you going home? " Tanong ko.

Ngumiti siya.

"Oo. Sabay ka?" Tanong niya.

"Yung kotse ko kasi e." Nag kamot ako ng batok.

Next time I will never bring my car back!

"Oo nga pala." Nagkamot din siya ng batok.

 

To Get To YouWhere stories live. Discover now