Pilipinas, 1898
Panahon ng pananakop ng mga amerikano sa bansang pilipinas.
"Huwag niyo po siyang saktan!!"
"Maawa po kayo!!"
"Stay away!!"
"Maawa po kayo sa aking ama!!"
Tuluyan ng bumuhos ang mga luha sa kaniyang mata kasabay ng matinding kalungkutan at galit sa kaniyang puso. Halos hindi na maawat ang mga tao na nagkakagulo dahil sa pagdating ng hindi mabilang na mga sundalong amerikano. Dinakip at pinapatay nila ang mga pilipinong hindi sumusunod sa kanilang nais. Isa na roon ang ama ni Amelia.
Wala naman silang nagawa pa kung hindi ang magdalamhati sa pagkakadakip ng kanilang ama, nagulat naman si Amelia nang biglang maglabas ng baril ang isa sa mga sundalong amerikano. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at agad na itinulak ang sundalong nais pumatay sa kaniyang ama.
Lumaki naman ang mata ng sundalo ng itulak siya ng isang batang babae. Tinutukan niya ito ng baril dahilan para mapahinto si Amelia na halos mapako na ang mga paa sa lupa, hindi makagalaw na animo'y nabuhusan ng napakalamig na tubig.
"Leave!! Or else I'll shoot you!!" Hindi naman nakaimik si Amelia dahil hindi niya naintindihan ang lenggwaheng siyang ginamit ng sundalo. Sa kabilang banda ay patuloy lang sa pag-iyak ang kaniyang ina at dalawang kapatid na babae samantalang ang kaniyang ama ay nakahiga sa lupa, takot na takot sa maaaring kahantungan ng kaniyang pamilya.
Magulo ang paligid na animo'y isang giyera, nilamon ng takot at pangamba ang kanilang baryo dahil sa pagdating ng mga sundalong amerikano sa hindi malamang dahilan. Puro putok ng mga baril at sigawan ng mga tao ang maririnig sa paligid. Nagkalat naman ang mga bangkay sa lupa habang ang iba ay umiiyak at nagdadalamhati para sa kanilang mahal sa buhay.
Nagulat na lamang si Amelia nang biglang makarinig ng mga sunod-sunod na putok ng baril, halos tumigil ang pag-ikot ng kaniyang mundo nang makita sa lupa ang ama na tadtad ng baril. Hindi niya na magawang mag-salita bagkus ay agad na lumapit sa kaniyang ama at niyakap ito ng mahigpit. Hindi na maawat ang mga luha na kumakawala sa kaniyang mata.
"Ama!!"
"Huwag mo kaming iwan!!"
Agad namang tumakbo ang sundalo na bumaril sa ama ni Amelia ngunit bago pa ito makalayo ay nasaksak na ito ng isang itak sa dibdib na siyang kagagawan ng isang magsasakang pilipino dahilan para bawian ito ng buhay.
"A-anak.." pinilit magsalita ng kaniyang ama kahit na nahihirapan na ito, halos mabalot na ng dugo ang buo nitong katawan ngunit hindi na inintindi pa ni Amelia, ng dalawa niyang kapatid, at ng kaniyang ina iyon.
"Ama!!"
"Amado!!"
"Ama huwag mo kaming iwan!!"
"Ama!!"
Halos madurog na ang puso ni Amelia, hindi niya akalaing sa murang edad ay mararanasan niyang mawalan ng mahal sa buhay. Paano siya lalaking may ama? Paano na ang magiging buhay ng kaniyang pamilya ngayong wala na ang pundasiyon ng kanilang tahanan.
"A-ameli-ia" kahit nahihirapan ay hinawakan ni Amado ang dalawang balikat ni Amelia at tinitigan ito ng matalim. Nagtaka naman si Amelia sa ginawang iyon ng kaniyang ama. Nakita naman ni Amelia ang pagbabago ng mata ng kaniyang mata.
"Sa-sa'yo k-ko h-hina-hab-ilin i-ito" nagulat naman si Amelia nang makita ang kulay puting hangin na tila mahika na lumilipat sa kaniyang mata na nanggagaling sa mata ng kaniyang ama, bigla niyang naramdaman ang kiliti at kaunting sakit dahil sa kung anong puting hangin na pumapasok sa kaniyang mapupungay na mata.
Napahinga siya ng malalim at napahabol ng hininga ng biglang pumikit ang mata ng kaniyang ama. Parang gumuho ang kaniyang mundo sa nasaksihan, hindi niya na maramdaman ang kaniyang buong katawan maging ang kaniyang buong sistema, tanging pag-luha lamang ang kaniyang nagawa.
Nagulat siya ng may kung anong pumasok sa kaniyang isipan.
"I-ina, kailangan nating magtago!!"
"Anong sinasabi mo??"
"Hindi ko po alam kailangan nating magtago!!" Wala namang nagawa ang kaniyang ina kung hindi itago Ang kaniyang anak sa isang malaking kahoy kung saan maaari silang hindi makita.
Agad na nan'laki ang mata ng ina ni Amelia nang makita kung paano pinasabog ng mga sundalong amerikano ang kinatatayuan nila kanina, umukit rin ang pagtataka sa kaniyang mukha nang maalala ang sinabi ng anak. Isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan.
"Amelia anak, paano mo nalaman na papasabugin ang kinatatayuan natin kanina?" Hindi naman maawat ang kaniyang mga anak sa pag-iyak samantala bakas sa mukha ni Amelia ang matinding pag-aalala.
"Hindi ko po alam. Pumasok lang po sa isipan ko"