Chapter 4

16 7 0
                                    

Pilipinas, 1908

Sanome Isabela's POV

Disyembre 28, 1908

Ang araw bago mawala ang kanilang ina.

Kinabukasan ay nagising ako sa hindi malamang dahilan, hindi pa tuluyang sumisikat ang kaya't medyo madilim pa ang buong paligid. Agad akong bumangon sa aking higaan at nagligpit. Nang matapos ay dumiretso ako sa kusina upang uminom ng isang basong tubig.

Bigla naman akong nakaramdam ng init kaya't napagpasyahan kong lumabas ng bahay at magpahangin. Wala pang gaanonh tao sa paligid marahil masyado pang maaga.

Nagulat naman ako ng makita ang isang lalaki na nakaupo sa mahabang kahoy, umiiyak siya at malungkot. Marahan akong nagtago sa isang puno at sinuri ang taong iyon. Nan'laki ang mata ko at napatakip sa aking bibig nang malaman.

Si Kenyo!

Anong ginagawa niya diyan sa ganitong oras at bakit siya umiiyak? Ngunit kahit ganuon ay gwapo pa rin siya sa paningin ko, ang problema nga lang ay hindi niya ako pinapansin at sa tuwing lumalapit ako sa kaniya ay itinataboy niya lang ako.

Nang makarating sa kaniyang harapan ay umupo ako sa kaniyang tabi, agad naman siyang nagpunas ng kaniyang luha marahil ayaw niyang may nakakakita na siya'y umiiyak.

"Ayos ka lang ba?" Hindi naman siya umiimik, ganiyan naman siya palagi sa akin kaya't hindi na ako naninibago.

"Anong ginagawa mo rito?"

"W-Wala lang. Nagpapahangin" bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa hindi malamamg dahilan. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at humarap sa akin.

"Huwag ka nang magpakita sa akin. Sana maintindihan mo" lumakad naman siya palayo habang naiwan naman ako ritong nagtataka at nasasaktan. Gusto ko siya ngunit hindi ko man lang maamin, baka mas lalo lang siyang magalit.

Bumalik na ako sa aming bahay at nadatnan ko naman si ina na gising na rin at nagluluto ng aming agahan. Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"Ang bunso ko talaga, napakamalambing! Huwag kang gagaya sa mga kapatid mo ah?"

"Opo" mahina naman kaming napatawa ni ina, tinulungan ko na siya sa pagluluto upang mabilis itong matapos samantalang kakagising lang ng dalawa kong kapatid habang kinukusot pa ang kanilang mga mata.

"Luto na ang agahan kaya't magsi-upo na kayo rito, kakain na tayo" umupo na kaming lahat at inayos ang mga pagkain na nasa hapag. Mayroong prinitong isda, sinabawang gulay, itlog, at prinitong manok.

Bago kumain ay nagdasal muna kami at nagpasalamat sa panginoon. Matapos ay nagsimula na kaming kumain at wala ng umimik pa, nagulat naman kami nang biglang nabulunan si ate Mirasol dahilan oara mapahinto kami sa pagkain.

Agad namang hinimas ni ate Amelia dahio katabi niya ito. Napatayo naman si ate Mirasol at humawak sa kaniyang bibig sabay takbo sa palikuran, umukit naman ang pagtataka sa aming mga mukha.

Nang makabalik si ate ay tila namumutla na ito at parang nawala sa sariling kulay. Agad naman siyang inalalayan ni ina na maupo at pinainom ng baso ng tubig.

"Ayos ka lang ba anak?"

"Ayos lang po ako" napangiti naman si ina sa naging tugon ni ate Mirasol. Nagpatuloy na kami sa pagkain at wala ng nagsalita pa.

Nang matapos kumain ay sama-sama kaming nagligpit at inayos ang aming mga pinagkainan. Lumapit naman ako kay ina na abala sa pagtatapon ng mga tira-tirang kanin mula sa aming pinggan na pinagkainan.

She can see the futureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon