Pilipinas, 1909
Mirasol Isabela's POV
Enero 2, 1909
Ganap na alas-dies ng umaga.Walang gana akong nagtungo sa aking silid pagtapos kumain, gusto kong mapag-isa at gumaan ang aking pakiramdam ngunit naalala kong kailangan ko palang maghanap ng trabaho.
Kahit kakapasok pa lang ay muli akong lumabas at nagtungo sa kusina, naabutan ko naman si ate Amelia na malapit nang matapos sa pagliligpit. Humarap siya sa akin at bahagyang napangiti.
"Ano iyon Mirasol?" napayuko naman ako ng bahagya, alam kong baka hindi niya ako payagan dahil sa nangyari sa akin kahapon.
"Ibig ko pong maghanap ng trabaho tulad ni Nome-"
"Hindi pwede" napahinto naman ako sa aking pagsasalita. Tila may kung anong bumara sa aking lalamunan dahilan para hindi ako agad makapagsalita.
"Ah-B-Bakit po?" napakibit balikat naman siya at huminga ng malalim.
"Mapapahamak ka" nagtaka naman ako sa tinuran niya, iyan na naman si ate sa kaniyang kahigpitan.
"Ngunit ate mas mapapahamak si Sanome dahil mas nakababata siya sa akin" napaisip naman siya sa sinabi kong iyon, ilang segundo rin ang lumipas bago siya muling nagsalita.
"Pumapayag na ako"
"Salamat po--"
"Ngunit mangako ka..." napaseryoso naman ang aking mukha na kanina ay tuwang-tuwa. Mahinahon ang kaniyang boses ngunit natitiyak kong ma-awtoridad iyon.
"Huwag kang iibig"
"Ano po?" napakunot naman ang noo ko, ang akin lamang ay hahanap ako ng trabaho at hindi ng kasintahan.
"Mangako kang huwag kang iibig sa kahit sino nang wala ang aking pahintulot" napatango naman ako sa kaniya ng paulit-ulit habang bakas pa rin ang pagtataka.
"Paano ka po ate?" nagpatuloy na siya sa kaniyang ginagawa at itinuon ang atensiyon sa mga hugasin.
"Hahanapin ko si ina, maghahanap rin ng trabaho" matapos noon ay lumabas na ako ng bahay at nagtungo sa bayan, alam kong mayroong mga kainan sa bayan na maaaring naghahanap ng mga taga-hugas ng pinggan o katulong.
Nang makarating sa bayan ay agad akong nagtanong-tanong sa mga tao at mga karinderya. Ilang beses na akong nagtanong ngunit tila hangin lang ang kanilang tugon sa akin, wala raw silang alam at hindi raw nila alam.
"May alam po ba kayong naghahanap ng katulong?"
"Baka may kakilala po kayong maaaring pasukan ng trabaho"
"Saan po mayroong naghahanap ng katulong?"
Bigla naman akong nakaramdam ng pagod kaya't umupo ako sa iaang mahabang upuan rito na gawa sa kahoy at nagpahinga. Tirik pa rin anh sikat ng araw ngunit mayroon namang malaking puno na siyang sumisilong sa aking kinauupuan.
Maya-maya pa ay nagulat na lamang ako ng may umupo sa aking tabi dahilan para bigla akong kabahan. Napaangat ang tingin ko sa kaniya at nagulat na lamang ako ng mag-tama ang aming mga mata kasabay ng biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso.
Hindi maalis ang titig ko sa kaniya, ngayon na lamang ako muli nakaramdam ng ganitong pabilis ng puso, maging ang mga paru-parong naglalaro sa aking tiyan. Natauhan naman ako ng mapatikhim siya.
"Ano namang ginagawa ng binibini rito sa gitna ng bayan habang tirik ang araw?" hindi naman ako nakatugon agad bagkus ay napatitig ako sa kaniyang mga labi na napakanipis at kulay rosas.