Pilipinas, 1894
One week before the eyes was given to Maximo.
Mr. LudwigRin Fartoli was badly criticize by his fellow scientists due to the fact that he's just a simple one. Words fell down on his heart whenever someone judged him. The worst is he might lost his position.
There came in his mind to do something, to prove something that he can do what they can do and more and the likes. He think of something unique and innovative experiment that will blow their minds once they saw his experiments.
Until unexpected plan drown in his mind, since he's also an ophthalmologist and he loves to read fantasies, there he conclude to conduct and create an eye that can see a future. Wasting time is not in his mind so he started his plan the day after tomorrow.
His subject for the experiment is his one and only daughter, but fate goes wrong. Its not fits. Until he met Maximo from the Philippines who travel just to seek for Job. since Mr. Fartoli is finding a person that he can use for the experiment, he created a deal together with Maximo.
Maximo was just simple as life, so he agreed to what Mr. Fartoli wants. After that, he'll receive 50,000 dollars as exchange for being subject im the experiment. 1 week was the overall days before the saud experiment was done.
Until one morning came, Maximo open his eyes and thej he saw the future of Mr. Fartoli's assistant. He immediately tell it to the scientists, but Mr. Fartoli was not contented. He want something more. Maximo have the feeling that something bad will happen so he leave and go back to the Philippines.
His life gets miserable and more, he want to oppose to what will happen but he can't do anything because it might be worst.
Pilipinas, 1909
Amelia Isabella's POV
Habang naghahanap kay ina rito sa bayan ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagod, kung saan-saan na ako nagtanong at kahit anong deskripsyon ang ibigay ko ay wala raw silang alam.
Maging ang mga kakilala rito ni ina ay hindi raw siya nakita at nag-alala rin raw ang mga ito, ang ipinagtataka ko lamang ay kung naaalala niya pa ba kami dahil noong araw na nawala siya ay hindi niya raw kami kilala.
Nakausap ko kanina si Guido at nakakuwentuhan rin na maaaring dinapuan si ina ng matinding karamdaman. Ayon sa kaniya ang sakit na iyon ay tinatawag na Alzheimer's disease. Bihira na lamang raw ang mga gumagaling roon at sa paglipas ng panahon ay tuluyan na raw ang pagkawala ng mga alaala ng taong tinamaan ng sakit na iyon.
Habang kausap ko kanina si Guido, tila balisa siya at wala sa sarili, sunod-sunod ang pagpapakawala niya ng mga buntong hininga kaya't may parte sa aking kaloob-looban na may dinaramdam siya. Kung ano man iyon ay hindi niya raw maaaring sabihin sa akin.
Sinabi niya rin sa akin kanina na magkita raw kami bukas bandang alas-sais ng gabi sa tapat ng teatro, tinanong ko siya kung bakit ngunit ang tanging sinabi niya lamang ay may pupuntahan raw kami. Sa totoo lang, matagal ko nang kaibigan si Guido kaya't kahit kinakabahan ako sa sinabi niya kanina at nararamdaman kong may mangyayaring hindi maganda ay pupunta pa rin ako dahil may tiwala naman ako sa kaniya.
Palakad-lakad lang ako rito nang may bumangga sa aking isang babae, payat siya at hanggang balikat lamang ang buhok nito, muli akong nakararamdam ng matinding kaba nang magtama ang mga mata namij kasabay ng paglabas ng puting hangin sa kaniyang mga mata patungo sa akin.
Isa siyang mahirap na tao na nagtatanghal sa teatro, malalaswa ang mga tinatanghal roon at isa na siya roon. Ginagawa niya ito dahil bukod sa pang-tustos sa araw-araw na pangangailangan para sa pamilya ay tinakot rin siyang papatayin ang kaniyang pamilya sa oras na siya'y umalis.