Pilipinas, 1895
Isang selebrasyon ang magaganap sa pagitan ng mga magsasaka sa buong baryo dahil sa masaganang ani at sunod-sunod na paglago ng mga pananim.
Ang mga dadalo ay walang iba kung hindi ang mga magsasaka, mga tagapangalaga ng bawat sakahan, maging ang mga matataas na opisyales ay kabilang rin tulad ng mga sundalong amerikano at mayayamang pamilya.
Agad na umuwi si Maximo upang ibalita sa kaniyang asawang si Glenda ang magaganap na selebrasyon, kasalukuyang ipinag-bubuntis ni Glenda ang kanilang una at panganay na anak na si Amelia.
Natuwa naman ang kaniyang asawa kaya't sumama ito sa kaniya, pagsapit ng gabi ay isinama niya ito at nagtungo sa malaking espasyo ng mga damuhan na siyang pag-gaganapan ng selebrasyon.
Nagkalat sa paligid ang mga tao na siyang makikidalo, ayon sa namumuno ay maaari raw magsama ng asawa o pamilya. Hindi naman nagdalawang isip si Maximo at isinama ang kaniyang asawang si Glenda.
Maraming kaganapan ang nangyari, ang pinakahuli ay ang kainan. Sobrang lalim na ng gabi nang mapagpasyahan ni Maximo na pauwiin na ang kaniyang asawa marahil hindi ito makabubuti para sa kanilang mag-ina.
Agad namang sumunod si Glenda samantalang naiwan naman si Maximo na nakikipag-inuman sa kaniyang kasamahan.
Nang matapos ay hindi na nakayanan pa ni Maximo ang sarili dala ng kalasingan kaya't nakitulog na lamang ito sa bahay ng kaniyang kasamahan, may kalakihan ang bahay nito sapat na upang magkasya silang anim.
Pagkarating sa bahay ng isa sa kaniyang kasamahan ay aagd itong nakatulog sa isang silid at ihiniga ang kaniyang pagod na katawan.
Nagising ito sa kalagitnaan ng gabi nang maramdaman na may nakayakap sa kaniya, sakto naman siyang nakahubad at bumungad sa kaniya ang isang babae na malagkit na nakatitig sa kaniya.
Dala ng kalasingan ay nag-init ang kaniyang buong katawan kaya't noong gabi ring iyon ay may nangyari sa kanilang dalawa.
Kinaumagahan ay nagising si Maximo kasama ang babae, kapwa hubad ang mga ito. Nan'laki ang mata ni Maximo sa nasumpungan, agad niyang pinagsabihan ang babae na huwag itong magsasalita kahit sino.
Umuwi siya sa kanilang bahay ng puno ng pag-sisisi, tila nakagawa siya ng pinakamabigat na kasalanan sa kaniyang sarili, pamilya, at Diyos.
Lumaki ang kaniyang anak hanggang kay Sanome ngunit nakabaon pa rin sa lupa ang nangyari sa kanilang dalawa, hanggang mamatay siya noong araw na binaril ng sundalo ay siya namang pag-usbong ng nakatanim na sikreto sa kaniyang pagkatao.
Pilipinas, 1909
Amelia Isabela's POV
Enero 3, 1909
Ganap na alas-otso ng umaga."Ate kakain na!" lumabas na ako sa aking silid, marahan akong nag-unat ng aking katawan marahil napasarap ang aking tulog.
Hindi ko pa rin makalimutan ang napag-usapan namin kagabi ni Mirasol, alam kong mahirap ang hindi umibig ngunit kailangan niyang gawin iyon. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang kaniyang hinaharap.
Iibig siya sa isang lalaking nagpakita sa kaniya ng kabutihan, agad siyang iibig rito ngunit sa kasamaang palad ay hindi nito masusuklian ang pag-ibig ni Mirasol sapagkat iibig ito sa ibang tao.
Ayokong may masaktan sa aking mga kapatid sapagkag wala na si ina kaya't ako na lamang ang natitira nilang magulang bilang panganay.
"Ate halika na!" umupo ako sa katapat na upuan ni Sanome, nakangiti siya sa akin.