Pilipinas, 1908
Amelia Isabela's POV
Disyembre 29, 1908
Ganap na alas-otso ng gabi.
"Nome, kamusta na ang iyong kalagayan?" napalingon naman sa akin si Sanome at napahinto sa pagkain, ibinaba niya ang kaniyang kutsara at tinidor at matipid na ngumiti sa akin.
Gabi na at kumakain na kami ngunit ramdam ang kalungkutan sa pagitan naming tatlo, marahil nananabik ang aming puso na muling makita si ina. Hindi kami sanay na wala siya at isa pa ay nawalan na kami ng padre de pamilya, ngayon naman ay ang ilaw ng tahanan.
"Ayos na po ako" nagpatuloy na kami sa pagkain at hindi na umimik pa. Maya-maya pa ay nagulat na lamang kami ng marinig ang paghikbi ng aming kapatid na si Mirasol.
"Bakit Mirasol?"
"Nakokonsensiya po ako Ate, wala po ako rito nang may mangyari kay ina. Inuna ko po ang sarili ko" bigla namang bumuhos ang kaniyang luha dahilan para mapayakap sa kaniya si Nome.
"Ate, wala kang kasalanan. Maging kami ay wala ring nagawa" napayakap naman sila sa isa't-isa dahilan para mapangiti ako ng napakalapad. Masaya akong kahit may hindi magandang sitwasyon sa amin ay nakangiti pa rin sila sa isa't-isa at nananatiling nagpapakatatag.
"Ang hindi ko lang maintindihan, bakit biglang nakalimot si ina at naging ganoon ang kaniyang turing sa atin" kumalas naman sila sa kanilang pagkakayakap, nagpunas ng luha si Mirasol at humarap sa akin.
"Nalulungkot ako para kay ina. Nasaan na kaya siya ngayon?" malungkot na wika ni Sanome, bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses.
"Maging ako rin. Nakakain na kaya siya? May tutuluyan na kaya siya? Maayos kaya ang kaniyang kalagayan? Sana naman nasa mabuting kalagayan si ina" may nangilid naman na luha sa aking mata, maging ako'y nalulumgkot rin ngunit kailangan kong magpakatatag para sa pamilyang ito.
"Huwag kayong mag-alala, hindi naman siya papabayaan ng Diyos" napayakap naman silang dalawa sa akin, nagpatuloy na kami sa pagkain at matapos ay nagligpit.
Niyakap ko pa sila sa isa't-isa at sinabing magiging maayos rin ang lahat. Nagpaalam na kami at natulog na. Sana maging maayos ang lahat, sana.
Kinabukasan ay tahimik lang ang bahay dahil wala si ina, ramdam ang lungkot dahil may kung anong kulang sa amin, si ina.
"Ate, paano na po?" napaupo ako sa higaan ni Sanome, samantalang si Mirasol ay kakapasok lang rin rito at naupo sa kabilang bahagi ng higaan. Ngumiti naman ako kay Sanome, naisip kong kailangan naming magpatuloy sa buhay.
"Hahanapin ko si ina, kayo ay manatili muna rito sa bahay" napatango naman sila sa akin. Lumabas na ako sa silid ni Sanome at nag-ayos ng sarili. Pagtapos ay lumabas ng bahay at nagtungo sa palengke.
Agad naman akong nakarating sa palengke upang mamili ng aming kakainin ngunit nagulat na lamang ako ng kunin ko sa bulsa ang pitaka ni ina ay wala akong nakuha.
Akmang tatalikod na ako nang bigla akong mabangga ng isang tao dahilan para tumalsik ako sa lupa. Biglang nan'labo ang aking paningin kasabay ng pagpikit ng aking mga mata. Ano bang nangyayari.
Pilipinas, 1908
Sanome Isabela's POV
Disyembre 30, 1908
"Ate, magtutungo lang ako sa palikuran" napatango naman sa akin si ate Mirasol kaya't bumangon na ako sa akong hinihigaan.
Nang matapos ay uminom muna ako ng tubig sa isang baso, akmang papasok na ako sa aking silid ng aksidenteng nahagip ko ang pitaka na ina. Napakunot naman ang noo ko dahil dapat dala ito ni ate Amelia.