Chapter 22

16 4 0
                                    

Pilipinas, 1897

Habang naglalaro ang magkakapatid ay agad na nakaramdam ng uhaw ang panganay na si Amelia, dali-dali siyang nagtatakbo pabalik sa bahay at uminom ng tubig, bakas ang pagod at pawis sa kaniyang buong katawan.

Nang matapos ay akmang lalabas na siya ng mahagip ng mata niya ang kaniyang ama na seryosong-seryosong nagsusulat sa isang papel, liham.

"Ano po iyan ama?" agad namang itinago ni Maximo ang kaniyang gamit at hininto ang kaniyang ginagawa.

"Wala ito anak, sige na maglaro ka na" napangiti naman si Amelia. Bago pa ito lumabas ay yumakap muna ito sa kaniyang ama at agad na nagtatatakbo pabalik sa kaniyang nga kapatid.

"Anong ginawa mo sa loob ate?" naeengganyong tanong ng bunsong kapatid na si Sanome.

"Wala laro na ulit tayo!" nagpatuloy lang sila sa kanilang paglalaro, sa kabilang banda ay unti-unti ng tumutulo ang mga luha sa mata ni Maximo.

Walang kaalam-alam si Amelia sa mga oras na iyon ay nakaguhit na ang kaniyang kapalaran, ang magiging takbo ng kaniyang buhay, at ang kaniyang hinaharap.





Pilipinas, 1909

Sanome Isabela's POV

Agad kaming nagtatatakbo at nagtungo sa bayan, naalala kong sa tapat ng teatro sila magkikita, samantala napahinto kami nang biglang sumulpot sa aming harapan ang isang lalaki. Matangkad at maputi.

"Saan kayo magtutungo?" tanong nito kay ate Mirasol at bahagyang bumaling ng tingin sa akin.

"Diegor, hinahanap namin si ate" hingal na hingal na saad naman ng aking kapatid, napahawak pa kami sa tuhod dahil sa sobrang pagod.

"Sasama ako" wala na kaming nagawa pa nang sumunod ito sa amin, nang makarating sa tapat ng teatro ay napalaki ang mata ko nang makita si ate na binubuhat ng isang amerikanong sundalo at walang malay.

Sa gilid nito ang isang may katabaang lalaki na nakaputi habang tumatawa, sa gilid nito ang isang lalaking hindi mapakali.

Kuya Guido?

Agad silang pumasok at isinarado ang pinto ng teatro samantala napahinto kami sa tapat niyon at hindi makapaniwala.

"Anong gagawin nila kay Ate?" bakas ang kaba at takot sa amin, hindi namin alam ang gagawin ngunit isa ang natitiyak namin, may gagawin silang hindi maganda.

"Sanome! Ang mata ni ate!" napalingon ako kay ate Mirasol na ngayon ay pinagpapawisan na, samantala ang katabi niyang lalaki ay nagtataka rin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang ina ni kuya Guido, nakita natin na bulag siya. Maaaring gamitin nila ang mata ni ate!" napatakip ako sa aking bibig, hindi ako makapaniwala. Paano nagawa ito ni kiya Guido sa amin, kay ate.

"Sundan natin-"

"Sandali!" hindi pa man rin ako nakakaalis sa aking kinatatayuan ay agad akong pinigilan ng lalaking kasama namin ngayon, napatingin ako sa kaniya ng matalim.

"Sino ka ba?"

"Siya si Diegor, mapagkakatiwalaan siya" nagapapalit-palit ang tingin ki sa kanilang dalawa.

"Hindi tayo dapat magtungo sa loob ng basta-basta, mapapahamak tayo" napaisip naman kami sa kaniyang sinabi, tama siya dahil alam kong kuta iyon ng mga sundalong amerikano.

"Kailangan natin itong pag-isipan"





Pilipinas, 1904

Kasalukuyang nakahiga ang isang babae dahil hindi na ito makakita pa, nagpapahinga ito at sa tabi nito ang isang batang lalaki.

She can see the futureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon