Chapter 2

26 8 0
                                    

Pilipinas, 1908

Amelia Isabela's POV

Disyembre 29, 1908

"Ina?" biglang tumigil ang ikot ng mundo ko nang tuluyang bumagsak sa lupa ang katawan ni ina at mawalan ng malay.

Agad namang inalalayan ni Sanome at Mirasol si ina at dinala ito sa kaniyang kwarto samantalang hindi pa rin tuluyang pumapasok sa aking isipan ang nangyari, bakit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko?

"Ate! Ano bang ginagawa mo diyan!!" natauhan naman ako at ihinakbang ang aking paa patungo sa kusina. Dali-dali akong naghanap ng isang malalim na timba at isang basahan, kumuha rin ako ng maligamgam na tubig at agad na nagtungo sa kwarto ni ina.

"Ate ano bang nangyari kay ina?" Hindi naman ako nakasagot agad at itinuon ang pansin sa bimpo na inilublob ko sa maligamgam na tubig. Wala na akong ibamg inisipa at pinunasan na ang braso, binti, leeg at mukha ni ina. Matapos ay ipinatong ko ito sa kaniyang noo upang bumuti ang kaniyang kalagayan.

Akmang tatayo na ako nang bigla akong pigilan ni Mirasol at higit in nito ang aking braso. Tumitig siya sa akin ng matalim ngunit nakatingin lang ako kay ina, hindi ko magawang tumitig sa kaniyang mata. Hindi ko alam kung bakit.

"Sabihin mo nga Ate, may dapat ba kaming malaman?" Napatingin naman si Sanome sa akin samantala bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib sa hindi ko malaman dahilan.

"W-Wala N-naman!" Hindi ko na inintindi pa ang kanilang sinabi at agad na lumabas ng kwarto ni ina. Umupo ako sa isang upuan rito sa kusina at dali-daling uminom ng tubig, nang matapos ay napahinga ako ng malalim at nagisip-isip.

Bakit parang hindi naayon ang lahat ngayong araw? Bakit-

"Ameeee!!" napatayo naman ako sa gulat nang marinig ang sigaw ni Guido mula sa pintuan, agad naman akong magtungo roon at pinagbuksan siya ng pinto, bumungad naman siya sa akin habang nakangiti at nakatayo ng tuwid.

Si Guido ang kaibigan ko na nakilala ko noong Oktubre, dalawang buwan na ang nakalilipas dahil katapusan na ngayon ng disyemre, dalawang araw na lamang at panibagong taon na.

Napatingin ako kay Guido mula ulo hanggang paa. Naka-suot siya ngayon ng kulay itim na salawal at kulay puting damit, suot niya ang kuwintas na gawa sa kahoy at may naka-ukit na pangalan niya. Nakaayos ang kaniyang buhok pa kaliwa at bagong ligo lang siya. Naamoy ko naman ang kaniyang pabango na nakakahalina.

"Handa ka na ba?"

"H-Hindi pa" bigla naman akong kinabahan sa tanong niya.

"Tara na"

"Hindi pa ako nakakapag-ayos-" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla niyang takpan ang bibig ko dahilan para mapahinto ako. Kumunot naman ang noo ko bilang pagtataka.

"Hindi mo na Kailangang mag-ayos dahil maganda ka na" nagulat naman ako ng bigla niya akong hilahin dahilan para halos matumba-tumba na ako. Nginitian niya naman ako kaya't wala na akong nagawa pa, nagpapa-amo na naman siya sa akin.

"Saan tayo pupunta?" napalingon naman siya sa akin at hindi umimik bagkus ay isang ngiti lang ang itinugon niya sa akin, hindi na lang ako nakaimik dahil kanina pa ako kinakabahan bunga ng magkahawak kami ng kamay ngayon.

Maya-maya pa ay nakarating agad kami sa daungan ng mga bangka, natanaw ko ang paligid na puro mga kalalakihan ang naririto na tulong-tulong sa pag-aahon ng kani-kanilang bangka, ang iba ay masayang nagbubuhat ng mga banyera na naglalaman ng isda.

Napatingin naman ako kay Guido na nakaupo na pala sa isang mahabang kahoy, malapad ito kaya't maraming tao ang kayang makagamit nito.

"Ame halika rito!" bigla namang nagtaka ang aking mukha. Bakit ba ang hilig nila ako tawagin sa palayaw ko. Hindi ko talaga gusto ang palayaw ko dahil animo'y nasa simbahan ang kausap ko at magsasabi ng Amen.

She can see the futureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon