Pilipinas, 1899
Wala na talagang tatalo sa isang magkakapatid na masaya at sama-sama, tulad na lamang ng magkakapatid na si Amelia, Mirasol, at ng bunsong si Sanome.
Hindi pa man tuluyang nakakakita ng hinaharap si Amelia ay nakikiusap naman ang hangin sa kaniya at nararamdaman niya iyon, nang ibigay sa kaniya ang mga matang iyon ay noong mismong oras ring iyon ay nalaman niya na papasabugin ng mga sundalong amerikano ang kanilang kinatatayuan.
Agad niya itong sinabi ng hindi direkta na agad namang ginawa ng kaniyang ina, nagtaka ang kaniyang ina maging ng kaniyang kapatid dahil nang magtago sila sa isang kahoy ay agad na sumabog ang kanilang kinatatayuan kanina.
"Ate, anong nangyari at bakit sumabog kanina? Paano mo nalaman?" magkakasama ang tatlong magkakapatid,
"Hindi ko rin alam. Sabi lang sa akin na mag-ingat raw ako" napatangi naman ang dalawa niyang kapatid at nagpatuloy sa paglalaro.
Pilipinas, 1909
Mirasol Isabela's POV
Hindi pa rin ako lumapabas sa aking kwarto at patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha sa aking mata, kanina pa ako rito at tingin ko'y alas-singko na ng hapin. Wala akong ganang makipag-usap ni kumain.
Kanina pa kumakatok si Sanome ngunit hindi ko lang iyong pinapansin, gusto niyang lagyan ko raw ng laman ang aking tiyan. Samantala sinasabi naman ni ate Amelia na huwag raw muna akong magpahinga at mag-isip isip.
Hindi pa rin pumapasok ang lahat sa aking isipan at tila ba gusto ko na lamang maglaho sa hangin, kaya ba pinipigilan ako ni ate umibig dahil iisa lamang ang aming itinatangi? Hindi iyon patas at alam ng isa't-isa sa amin iyon.
Sinabihan niya akong sa simula pa lamang ay huwag akong iibig kaya't nangangahulugan iyon na sa simula pa lang rin ay niloloko niya na ako.
Mas lalo lang akong natawa sa kapatid ko at hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko nang sabihin niyang nakikita niya ang hinaharap, alam kong panganay siya ngunit hindi sapat na dahilan ang mga ganoong bagay na nababasa namin sa mga libro na mula pa Alemanya.
Napabangon ako sa aking hinihigaan at nagtungo sa kusina, kanina pa ako nakararamdam ng gutom kaya't minabuti kong kumain. Napatayo naman si Sanome nang makita ang presensya ko sa harapan niya.
Marahan akong umupo sa tapat niya at nagsimulang kumain, sinuri niya naman ako at hinaplos pa ang aking noo at kanang bahagi ng leeg. Wala naman akong sakit.
"Ayos ka lang ba?" hindi naman ako agad nakasagot bagkus ay nagpatuloy lang sa pag-kain. Gaya ng sinabi ko ay wala akong ganang makipag-usap ngayon.
"Ate, hindi naman sa pinagbibintangan kita ngunit nakita mo ba ang kahon na nasa ilalim ng aking higaan?" nag-angat ako ng tingin sa kaniya,
"Hindi" matipid kong sagot, nadismaya naman ang kaniyang mukha. Naalala kong nakita ko na rin iyon at alam kong isang misteryo ang nakapaloob roon lalo na sa mga litrato namin at ni ama kasama ang babae na kahawig ng ina ni kuya Guido.
"Ate, atin-atin muna ito ah..." inilapit niya naman ang mukha niya sa akin.
"Tingin ko ay may dapat tayong malaman, napakalaking misteryo ng kahon na iyon dahil nakita kong may dalawang litrato iyon. Ang una ay-"
"Ang una ay litrato nating buong pamilya at ang ikalawa ay litrato ni ama kasama ang isang babae na kahawig ng ina ni kuya Guido" pagpapatuloy ko sa kaniyang sinabi, bakas naman ang gulat sa kaniyang mukha.
"Nakita mo na ba ang laman niyon?" napatango ako sa kaniya na mas lalo niyang ikinagulat.
"Ang ipinagtataka ko lamang ay tila iisa ang babae sa litrato at ang ina ni Kuya Guido, parang parehas" sunod-sunod naman siyang napatango, ngayon alam ko na kung bakit bakas rin ang gulat sa kaniyang mukha nang makita namin ang ina ni Kuya Guido.