Chapter 1

41 8 0
                                    

Pilipinas, 1908

Amelia Isabela's POV

Disyembre 29, 1908

"Amelia!"

"Ate Amelia!!"

"Ate Amelia!!!!"

"Hindi!!" Agad akong napabangon sa aking hinihigaan at hinabol ang aking hininga, nananaginip lang pala ako at akala ko ay totoo na ang lahat. Pawis na pawis ang buo kong katawan na animo'y kakagaling Lang sa isang karera.

Bumungad naman sa akin ang mukha ni Mirasol at Sanome na bakas na bakas ang pag-aalala, sa gilid nila ay si ina na nakahawak ngayon sa kaniyang puso at halos hindi na maipinta ang itsura.

"Ayos ka lang ba?"

"Anong nangyari sa'yo?"

"May mali ba?"

"Anong napanaginipan mo?"

"Sandali nga!!" Napahinto naman sila sa mga sunod-sunod nilang tanong, halos mabingi na ako dahil sa ingay nilang tatlo. Kakagising ko lamang ngunit nakakarinding boses na nila ang bumungad sa akin.

"Kumalma kayo. Ako lang ito, si Amelia. Ang pinakamaganda rito sa baryo-"

"Itigil mo nga ang iyong kahibangan! Nag-aalala na kami sa'yo at nagawa mo pang magbiro!" Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Mirasol, siya ang sumunod sa akin at ang bunso naman ay si Sanome.

"Paumanhin" nagpakawala naman sila ng mga buntong-hininga. Bigla namang lumapit sa akin si ina at hinawakan nito ang balikat ko. Nagulat pa ako ng haplusin nito ang leeg ko maging ang aking noo na animo'y sinusuri ang aking kalagayan.

"Ina, tumigil nga po kayo sa iyong ginagawa. Wala akong sakit" napahinga naman ng malalim si ina at umupo sa aking higaan na gawa lamang sa kawayan at mabang kahoy.

"Binangungot ka na naman ba anak ko? " Napatingin naman ako sa dalawa kong kapatid na hinihintay ang magiging tugon ko. Napahinga ako ng malalim bago tuluyang magsalita.

"Opo, pero ayos lang po ako" lumiwanag naman ang kanilang mukha sa sinabi ko. Pinagtama pa ni Mirasol at Sanome ang kanilang kanang kamay at napangiti sa isa't-isa.

"Buti naman walang nangyari sa'yo ate!" Masiglang wika sa akin ni Sanome, kahit kailan ay napakalambing ng kaniyang boses. Siya lang yata ang gusto kong makausap dito sa bahay dahil sa nakakarinding boses ni ina at Mirasol tuwing umaga.

"Hindi na kayo nasanay sa akin" tumayo naman ako at inayos ang aking mga gamit habang isa-isa na silang lumalabas sa aking maliit na kuwarto. Sa wakas, tahimik na ang buhay ko. Paano ba naman ay puro ingay ang ibinibigay nila sa akin!!

"Kumain kana rito at mamimili pa tayo sa palengke" napatango naman ako kay ina at umupo sa isang upuan rito sa kusina samantalang abala naman ang dalawa kong kapatid sa pagkain.

"Akin ito!!"

"Sa akin ibinigay ito!"

"Akin Kaya!"

"Sa akin nga!"

Tinakpan ko na lamang ang tenga ko dahil sa ingay nila, maya-maya pa ay sabay-sabay kaming napalingon kay ina ng sumigaw ito ng napakalakas. Napatingin ako sa kaniyang mga mata na nakatuon ang atensyon sa sahig ng aming bahay. Napatingin naman ako sa sahig at bumungad sa akin ang isang-

Basag na plato.

"Ina huwag!" Agad namang napahinto si ina nang marinig ang sigaw ko. Nagtaka naman ang mukha ng dalawa kong kapatid dahil sa biglaang pagsigaw ko. Hindi ko alam kung saan galing ang sigaw na iyon dahil bigla na lamang iyon lumabas sa bibig ko.

She can see the futureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon