A/N
Hi! This is another on-going story of mine! Hope you support it! I was actually inspired by someone very far from me of course! Anyways, if you're interested on my other stories please visit my profile hit the follow button and vote on my stories! I have short stories there and one completed story which is titled "Unpredictable".
If you're interested on poems then you must read my iFeelings Books 1, 2 , and 3! They are all my works! Thank you!
Peachy
Tuwang-tuwa akong pumasok sa classroom nang makitang magkaklase padin kami ni Lianna, Grade 12 na kami at HUMSS Strand.
Kakasimula palang ng school year, hindi ba dumadating ang iba naming kaklase, pero kakaunti lang naman ang nadagdag samin, may isang new student na lalaki, pero parang di ko siya nakita nung enrollment?
Nag tatrabaho kasi ako dito sa School of the Mystic Academy dito sa Lagro, isang private school at one of the best schools dito sa Quezon City. So tulad nga ng sabi ko, nag wowork ako sa student assistant tuwing summer.
Ako yung nasa information desk tapos minsan ako din mag reregister ng ID, kapag kulang ng tao sa registrar's office na tatransfer naman ako doon at mag eenroll ng mga estudyante.
Lately lang ako nagstay dito sa pinas, siguro 3 years palang ako totally nag stay dito? Sa Saudi kasi ako pinanganak at lumaki, hanggang ngayon andoon padin magulang ko nagtatrabaho, ang kasama ko lang dito yung mga kapatid ko.
"Uy! Sino yung new student? Nakita mo na? Pogi ba?" tanong ni Jake, yung isang kaklase kong bading.
Umiling ako "hindi ko alam eh, di ko nga siya nakita sa enrollment, pero nakita ko pangalan niya, baka di ako nag register ng ID niya" kabit balikat kong ani
Umupo kami sa gilid ng room kung saan nakatapat yung aircon. Katabi ko si Lianna syempre.
Nakahati sa tatlo yung upuan sa room, left, center, right. Yung mga nasa gitna tig apat yung upuan tas yung nasa dalawang gilid naman tig tatlo.
Nagkakamustahan ang mga tao sa room, lumabas muna ako para sumilay sa katabing room namin kung nasaan ang ICT. Karamihan sa ICt namin ay boys, last year nahalo kami sakanila dahil dalawang section dapat ang hums kaso kasi yung mga natira yung hindi na kasya sa room eh hinalo nalang sa ICT.
Kaya ang set up minsan ay lalabas kami ng room para pumunta sa ibang room para sa mga subjects namin na wala sila.
"Kuya!" tawag ko kay Roi na ngumiwe nang makitang ako ang tumawag.
Kaklase ko siya simula grade 10 nung una akong nag-aral dito dahil gusto ko maexperience ang pag-aaral sa Pilipinas.
Mabilis naman ako makacope up dahil every summer noon ay pumupunta kami dito para magbakasyon.
BINABASA MO ANG
Behind these Words
Teen FictionAries Willows, grade 12, a new student at School of the Mystic Academy is fond by the mysterious girl who announces on their paging system. He was interested because of a famous twitter account who writes poems. Will he meet the writer behind this...