Peachy
Pagkalabas ko ng gate namin may lumapit agad sa aking babae, "Miss, excuse me" di ko siya tinitignan dahil baka budol budol kaya nakayuko lang ako
"Yes why?" tanong ko di padin siya binibigyan ng tingin
"Is there still a room available?" bakit ba englishera toh? Saka parang may accent. Tinignan ko na siya at nakitang amerikana pala siya, brown ang buhok niya at mas matangkad ng kaunti sakin tapos kakulay ng mata niya yung mata ni Aries.
Ang tinutukoy niyang room ay yung paupahan namin sa tapat ng bahay namin. Sa amin kasi yun, apat na studio type, dalawa sa baba dalawa sa taas, bakante yung isa sa taas.
"Oh, hi, yes! There's still a room available" sagot ko agad
Tumango naman siya, "Okay, I'll go back later with my son and husband" ngumiti siya at umalis na kaya naglakad nadin ako papuntang sakayan, nasa 10 minutes din na paglalakad ginagawa ko kada umaga.
Pangatlong araw palang simula ang magsimula ang klase pero parang ayoko na pumasok. Buti nalang ngayon din yung araw na maimili kami ng club, last year sa club ako ng KPWKP teacher namin which is HIMIG At TITIK, gumagawa kami ng mga kanta at tula doon. Ngayon naman balak ko mag Ascend, isang social science club na taga bantay din ng late sa umaga.
Pagdating sa sakayan may nakita akong pamilyar na mukha kaya lumapit ako ng slight para makumpirma kung tama ba yung namumukhaan ko, si Aries nga!
May kasama siyang lalaki na parang nasa mid 40's? Iiwas na sana ako ng tingin nang makita niya ako kaya kumaway agad siya sakin at lumapit, nakasunod naman sakanya yung lalaki.
"Goodmorning! Are you off to school?" tanong niya
Tumango naman ako at nginitian yung lalaking kasama niya, "Oh yeah right, this is my step dad" pakilala niya, agad naman akong lumapit "Mano po"
"Papasok ka na din ba neng?" tanong ng step dad niya, "Opo"
"Isabay mo na si Aries, okay lang? Sinasanay kasi namin siyang mag commute eh para ibang experience din" paki-usap ng step dad niya kaya tumango ulit ako
"Sige po, para di narin po saying yung pamasahe niyo"
Nagpasalamat naman yung stepdad niya at may sinabi lang kay Aries bago kumaway samin paalis.
"So" panimula ko "Have you tried riding a bus?" tanong ko, umiling naman siya, hmm, bagong experience toh sakanya pero bahala na, mas mabilis kasi kapag deadly bus sinakyan namin, kapag jeep kasi na pa-Lagro madalas puno na.
Nang makitang may paparating na bus na di aircon, hinawakan ko agad ang pala pulsuhan niya "You need to be fast okay" sabi ko sakanya, tumango naman siya mukhang naguguluhan sa biglaan kong paghawak sakanya
BINABASA MO ANG
Behind these Words
Подростковая литератураAries Willows, grade 12, a new student at School of the Mystic Academy is fond by the mysterious girl who announces on their paging system. He was interested because of a famous twitter account who writes poems. Will he meet the writer behind this...