Chapter 2

7 0 0
                                    

Peachy


Wala naman masyadong ginawa kahapon dahil nga first day of classes. Hindi din kami ganong nakapag-usap ni Aries dahil lagi nalang siyang hinahatak or pinapalibutan ng mga kaklase ko specially ng mga pretty dito sa room, sila Bianca, Kira at Dianne.


Halos wala yatang araw na di yan naka make-up. Owell.


Second subject palang namin ngayon at di na ako nakikinig. Puro mga guidelines lang naman at requirements para sa CPAR.


Sana mag bell na gusto ko na mag recess huhu. Gusto ko kumita, makapagbenta nga next week ng pastillas, ayoko kasi umasa lagi sa mga binibigay nila mama. Nag doodle nalang ako sa notebook ko dahil nakikinig si Lianna nang may kumalabit sa likod ko.


"Pogi ng katabi mo" sabi ni Christine, tumaas naman ang dalawang kilay ko bilang pag sang ayon sa sinabi niya "oo nga eh, ganda ng mata" bulong ko at humarap na ulit.


Mga tropa ko nakapaligid sakin, sa gitna naman ibang grupo na ulit yan at yung isang gilid nandiyan yung mga minsang bitch minsang bida ganon.


Gulat ako ng bumulong sakin si aries "Thanks" natawa pa siya ng konti bago kumopya ulit.


Napatingin ako sakanya at bumulong "you understand that?'


He nodded and chuckled "I understand a little tagalog but I didn't fully understand what your friend said"


Napa-ohh ako "I'll teach you how to speak Tagalog next time" sabi ko at ngumiti.


Napatingin siya sa notebook ko kung saan may mga Arabic akong sinulat "You're half Arabian?"


I shook my head "Nah, but I lived in Saudi Arabia before, I was born and raised there"


His face showed how amazed he was "Wow, cool, how bout let's hang out next time?"


I shrugged while nodding "Yeah sure"


Sakto nag bell. Inayos ko gamit ko at nilagay sa lalagyan sa ilalim ng upuan, may sasabihin pa sana si Aries kaya lang lumapit na sila Patrick isang kaklase kong pa-cool at fuckboy.


"Hey Aries, come let's go to the Middle School Canteen" aya sakanya neto, he smiled and bowed his head a little before joining them.


Automatic na kasama ila sila Bianca. "Ilang weeks kaya bago may maging jowa yang new student?" Tanong ni Lily, napaka pretty ng babaeng toh, yung jowa niya taga stem sa dulo pa yung room.


Natawa naman sila Lianna at Christine. "Weak mo naman Peachy" pang-asar ni Christine, pinakyu ko siya bago lumabas ng room at pinuntahan mga tropa ko.


Dalawa kasi tropa ko dito, ay actually tatlo, yung una sila Anne, pangalawa yung sa room tas pangatlo yung mga lalaki na malalakas tama.


Sa usual spot kami nakaupo at nag kekwentuhan lang kami ng kung ano-ano nang may sinundan silang tingin kaya napatingin nadin ako doon.


Si Aries lang pala na kasama sila Patrick, halata mong naiilang si Aries pero nakikisama padin siya.


Tinapik agad ako ni Craige "Kelan mo ba papakilala yan samin?" tanong neto


"malay ko"


Bumalik na kami sa mga classroom namin, wala pa masyadong tao sa room, ako lang saka yung mga tahimik kaya naupo nalang ako sa armchair at sinubsob ang mukha ko sa braso ko.


Nang maramdaman na may umupo sa tabi ko tinignan ko agad sino yun.


Napalinga ako sa paligid, bakit andito agad toh? Asan yung buntot neto? "You're here early, where's your company?"


He pursed his lips and crunched his nose "somewhere I guess? I went up here early"


Napatango nalang ako at pumangulambaba, may computer kami bawat room saka printer pero for academic purposes lang siyempre although nakakalaro kami diyan noon ng mga online games like tetris ganon.


"uhm, can you tour me around the school?" tanong niya bigla kaya bumalik tingin ko sakanya at tumango "Sure! Wait, you haven't seen the school yet?"


He shook his head a little "my mom was the one who got a tour of the school because I just sat inside the guidance office since everything is new to me"


"Hi Aries! Why did you go up early?" singit ni Kira kaya iniba ko na direksyon ng katawan ko


"I just feel like it" sagot neto


"Do you have a girlfriend?" tanong naman ni Patrick na nasa harapan na ni Aries, "I can hit you up with some girls if you like" dugtong neto, napairap naman ako.


Hinampas siya ni Dianne na nasa tabi niya na agad "Bakit mo pa reretohan yan andito naman kami" inis netong tanong kay Patrick kaya napangiwe si Patrick "Type ba kayo?" asar niya


Buti nalang dumating na yung susunod naming teacher kaya bumalik na sila sa mga upuan nila. 

Behind these WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon