Peachy
Nakadapa lang ako dito sa kama ko busy magsulat ng mythology story nang may marinig akong nambabato na naman sa bintana ko. Hinawi ko ang kurtina at nakita si Aries.
"What?" tanong ko agad dito pagkabukas ko ng bintana.
"I like to try isaw?"
Natawa naman ako "I'll be down in 5 minutes"
Nagpalit lang ako ng shorts at kinuha ang wallet ko, nadaanan ko muna ang kwarto ni kuya Prince, may kausap siya sa phone kaya pinakinggan ko muna saglit yun.
"Babe, ano ba naman yan! Ikaw lang naman, wala ka bang tiwala sakin?" frustrated niyang sabi doon sa kausap niya na I assume ay jowa niya.
Dahil nakabukas naman ang pintuan niya, nakita niya ako agad at sinenyasan akong lumapit.
"Bakit?" bulong ko
Tinakpan niya ang speaker ng phone niya "magsalita ka nga sabihin mo magpapatulong ka ikaw na bahala amp" napakamot siya sa ulo niya.
Tatakasan neto syota niya parang tanga talaga tong isang toh. Humalukipkip muna ako bago siya tinaasan ng kilay at dahan-dahang umiling.
"Anak ng! Libre kita milk tea bukas" mukha na siyang desperado patayan ng phone jowa niya hahahaha.
"Kuya! Patulong nga dito sa taas!" sigaw ko.
"Maya nalang babe, labyu" at pinatay niya na ang tawag.
Niyakap ako ni kuya bigla "Isa kang hulog ng langit!" madrama niyang sabi.
Tinulak ko naman siya "oo alam ko, ikaw naman galling impyerno"
Sinimangutan naman niya ako at napatingin sa shorts ko, "O san punta mo?"
"Diyan diyan lang" sagot ko at nagmadaling bumaba.
"Hi" bati ni Aries pagkalabas ko ng bahay.
"HOY PEACHY MAHAROT!" sigaw ni kuya mula sa bintana ko, tumingala ako at sinigawan din siya. "MANAHIMIK KA NALANG PANGET MO" hinila ko agad si Aries paalis.
Sumakay kami ng tricycle papuntang Litex, nakadikit lang siya sakin pero halata mong nanibago siya sa lugar, nililibot niya ang tingin niya habang ako nasa tapat na ng nag-iihaw ng barbeque.
Kumuha ako limang barbeque limang isaw, at limang isaw ng baboy, yun lang din kasi kinakain ko, tinanong ko siya kung may gusto pa siya at yung hotdog lang tinuro niya.
Habang naghihintay, hinila ko siya sa bilihan ng balut, "This is how you eat this" pinukpok yung yung balut at tinanggal yung shell tas hinigop yung sabaw bago tuluyang inalis yung shell niya sa may ibabaw at nilagyan ng asin at suka bago ko kinain.
Buti nalang may dala akong wipes. Ginaya naman niya ako nag thumbs up siya. "Yummy?"
Tumango siya at kumain pa ng isa, "this is weird but it's actually delicious" he chuckled.
Kinuha na namin yung bbq at naglakad nalang kami pabalik ng bahay. "Oh, I'll just buy milk tea here" bumili din siya ng milk tea niya.
Sa kwarto niya kami dumiretso. Kumuha ako ng plato sa may cabinet na nakapatong sa may lababo at pinatong doon ang mga bbq. "Can you get like ano, uhm, this for this" sabay angat ko ng suka, kumuha siya ng bowl para don.
Nilagay ko muna siyempre yung suka sa bowl tas kumuha ako ng barbeque at sinawsaw doon. "This is a barbeque, that is isaw, and the other one isaw ng baboy"
Kinuha niya muna ang phone niya at pinicturan yun, tapos vinideo niya pa, habang vinivideo niya tuwang-tuwa siya, "I'm gonna show this to my friends" bigla niyang hinarap sakin yung camera kaya napatakip ako sa mukha "Hala! Wag moko pakita ang panget ko"
Pinatay naman niya yung phone niya habang kunot-noong nakatingin sakin, "Panget ka? You're not ugly, don't say that" tinikman na niya yung isaw at napapangiwe siya kaya natawa ako sa itsura niya. "This is good but the texture when you chew the food is a bit different" nguya niya.
Tinikman naman niya yung isaw ng baboy, "I like this better"
Humigop ako sa milktea ko at kumain nalang ng isaw. Siya naman nagbayad ng mga barbeque namin, he's treat daw kasi nagpasama siya.
Nang matapos kaming kumain, napatingin ako sa orasan niya, "Ay! I need to go home na pala, thank you for the treat ah, see you in school"
"Yeah sure, thank you for being here today", he smiled at me, jusko Lord, kakatunaw puso.
Kinuha ko na ang milktea ko at bubuksan na sana ang pinto kaso nakalock pala, "Aries this is-" my heart stopped, pag lingon ko nandun na pala siya sa likod ko, napakalapit niya, as in halos magdikit na ilong namin.
Napatitig lang ako sa blue eyes niya, *click* natauhan lang ako ng marinig yung lock kaya humarap na ulit ako sa pinto, "Thank you! Bye"
Nagmadali ako pabalik ng bahay. Pagka-akyat ko ng kwarto inasar pa ako ni Kuya Prince "Hoy! Bat pulang-pula yang mukha mo?", pero di ko siya pinansin at dumiretso sa kwarto ko sabay higa sa kama habang nakahawak sa puso ko.
Dugdug. Dugdug.
Narinig kong may footsteps na paparating sa kwarto ko kaya umupo ako at sumimangot. "Halatang galling ka sa date!" pinaningkitan ako ni kuya ng mata pero nang makita yung milk tea, lumiwanag ang mukha niya at kinuha yun "Akin na toh" nag flip pa siya kunwari ng buhok niya bago umalis ng kwarto ko.
What a way to spend the day
It made me speechless, what should I say?
We were inches apart, is this the start
Of a little crush, is there a spark?
Tweet sent.
@arieswillows02 liked your tweet
BINABASA MO ANG
Behind these Words
Teen FictionAries Willows, grade 12, a new student at School of the Mystic Academy is fond by the mysterious girl who announces on their paging system. He was interested because of a famous twitter account who writes poems. Will he meet the writer behind this...