Chapter 16

2 0 0
                                    

Peachy


Buwan ng Wika na at kakatapos lang namin iperform yung play namin kaya magpapalit na kami dahil awarding na pagkatapos ng isang oras.


Color blue na Filipina ang suot ko tapos pinusod ko lang ang buhok ko. Kinakabahan din ako dahil iaannounce nadin mamaya yung nanalo sa mythology writing contest at sa spoken poetry.


Pagkabalik sa auditorium, naupo na ako sa tabi ni Lianna na tapos nadin magpalit.


"Magandang tanghali senior high!" bati ni Miss Ortega sa stage. Siya ang emcee ngayon.


Nagpalakpakan naman ang lahat. "Aking iaanunsyo ang nanalo sa Mythology writing contest, unahin natin ang sa Grade 11"


Inanounce ni Miss Ortega yung mga nanalo sa grade 11. Hiwalay kasi yung mythology writing contest sakanila at sa amin. Yung spoken poetry lang hindi.


"At sa baitang 12, ikatlong gantimpala, Ruiz Sevan!" umakyat sa stage yung isang taga ABM.


"ikalawang gantimpala, Hanna Chu!"


Kinakabahan ako, di ko na ineexpect na tawagin pa ako. "At ang kampyon, Peachy Perez!" Agad akong hinampas ni Lianna. Tuwang-tuwa naman akong umakyat ng stage at tinanggap ang medal at certificate.


Nang matapos ang program, humiga agad ako sa sahig pag dating namin sa classroom.


"Peachy congrats! " bati sakin ng mga kaklase ko


"Thank you!"


Umupo naman na ako ng ayos at kinuha ang phone ko.


"Congrats" sabi ni Aries pagkaupo niya sa tabi ko.


"Thank you"


"Want to grab something to eat after school? We could go to the mall. My treat!" Aries said.


"Sure" inayos ko na agad ang gamit ko dahil malapit nadin naman uwian.


Nang mag bell sabay kaming bumaba ni Aries. Dumiretso kaming SM Fairview para sa Parkway kami kumain.


"Let's eat, Frankies!" hinila niya ako sa loob, buti wala masyadong tao. Siya na ang nag-order, magkatabi kami dahil ewan ko sakanya? Tinabihan niya ako.


Habang hinihintay yung order, tingin siya ng tingin sakin kaya I asked him kung anong problema.


"Nothing, I'm just amazed that you write stories!" he said, amusement painted on his face.


"oh, yeah" napatango naman ako.


Behind these WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon