Chapter 5

3 0 0
                                    

Peachy


Tumakbo agad ako at humawak sa magkabilang railings ng bus sabay buhat sa sarili ko para makapasok at akyat agad ng di aircon na bus. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, ayun! Upuan.


Umupo ako katabi ng lalaking nakahoodie at nakatakip pa talaga mukha dahil nakasubsob ang mukhan niya sa backpack niya. Naramdaman niya yatang may umupo sa tabi niya kaya sumiksik siya sa gilid para bigyan ako ng space.


Nang magsalita ang kundoktor, inangat niya ang mukha niya kaya nanlaki ang mata ko, "Aries!" gulat kong bati.


"Oh, hi" antok niyang bati, kumuha na ako ng pamasahe at nagbayad sa kundoktor. Mahina akong natawa nang nagbayad nadin siya "Bey yad pow"


Nakangiti naman sakanya si manong siguro dahil halatang amerikano toh pero nagtagalog.


Pagkababa namin, nakasalubong namin sila Rylie kaya inakbayan agad siya papasok. Nagtuloy-tuloy lang ako paakyat sa room kaya lang hinarang agad ako ni Sir Yabo, "Oh sir goodmorning" bati ko dito, gumilid muna kami bago siya nagsalita


"May announcement mamaya, dahil PRO ka, ikaw taga announce, do your best ha! Yung paging system nasa office kaya rinig ka agad nila Principal. Plus, di pwedeng malaman ng iba na ikaw ang nagsasalita kasi baka dumugin ka bigla ng ibang estudyante dahil sa announcements, although I trust you, mas okay ng ingat."


Nag thumbs up naman ako "Sige sir"


Pagka-upo, kinuha ko agad ang notebook ko at nag compose ng announcement. Sabi ni sir Yabo kasi kailangan daw iannounce na mag sstart na mag marshall ang Ascend. Ililista ang mga late at kailangan nilang pumila sa open area sa tapat ng variety store.


Nagpadagdag din si sir na maglagay daw ako ng poem every announcement para kakaiba.


"Another school year has started

All the mistakes before we parted

Let this be a new chapter

That we will cherish forever

Goodafternoon Mystics! This announcement is about the club Ascend starting their duty next week. This is a reminder fo everyone to avoid being tardy! Have a nice day!"


"Thank you nak" pagpasalamat ni sir Yabo sakin, ngumiti naman ako at nag bow ng kaunti bago lumabas ng office, hindi naman kita ng mga tao tong office kaya di din talaga nila malalaman sino nag announce, bukod sa mga kaklase ko siguro kasi for sure mapapansin nilang nawawala ako tuwing may announcement.


Bumalik ako ng room para kunin ang gamit ko at inakbayan si Lianna nang maalala kong kasabay ko pala si Aries kaya humarap ako sakanya "You're going to come with me right?" paninigurado ko, tumango naman siya at tahimik na nakasunod sa amin ni Lianna.


Sumakay na si Lianna ng jeep pa Lagro loob habang kami ni Aries sumakay kami ng pa-Cubao, buti nalang walang nakaupo sa harapan kaya doon na kami.


"Where were you when there was an announcement?"


Bilis naman makapansin neto "Cr"


"The speaker was good, I liked the poem before the announcement"


Napatingin naman agad ako sakanya "Really?" he nodded "Yeah, I'll be looking forward to those"


I bit my lip to stop my lips in forming a smile, I feel my heartbeat race, napahawak ako sa dibdib ko, ano ba toh?


Finally Friday na! Excited akong naglakad papuntang sakayan dahil pagkatapos ng araw na toh weekend na. Di ko nakita si Aries sa sakayan, wala din siya sa sinakyan kong bus, hindi ko siya hinahanap okay, hindi talaga, sadyang hindi ko lang kasi siya nakita.


Pagkapasok ko palang ng room lumabas ulit ako dahil tinawag ako ni Miss Daisy, yung assistant principal. Binati ko muna siya siyempre


"I liked your announcement the other day" she said, pinagapir ko ang kamay ko at nag bow ng slight "Thank you po"


"Since we always have this mysterious speaker every year, at dahil ikaw nadin ang nag announce the other day, we've decided to pick you as the mysterious announcer, with a twist, last year diba before every announcement there's a line from a book? Now we want a poem and I know hindi mahirap yun sayo since nagawa mo naman para sa announcement niyo sa club"


I thanked her, it was a great opportunity for me to practice my skills.


"Kahit ano po bang topic nung poem?' tanong ko, tumango naman siya at bumalik na ako sa classroom masaya.


Nakita kong nandoon na si Aries "You're early today" bati ko


He chuckled "Yeah"


Nang mag-uwian na, hindi sumabay sakin si Aries, bakit kaya?


Pagka-uwi ko, binuksan ko agad nag ref para tignan kung may makakain ba doon kaso wala. Amp. Nagpalit nalang ako ng damit bago buksan ang tv para manuod ng Netflix, ano kaya pwedeng kainin?


Makabili na nga lang kay ate ng burger at fries, palabas palang ako ng gate ng bahay nang makita ko sila Tita Katie, "Hi sweety!" bati neto sakin at niyakap ako, wow close.


"Hi! Are you moving in today?" tanong ko agad at inaya siyang pumasok muna sa bahay ngunit tumanggi siya "No, it's fine. Yeah, he's moving in later, where are you heading?"


"I'm just gonna buy something"


"Okay go ahead" she gestured me to go kaya pumunta na ako sa tindahan ng burger at fries, kilala ko na yung ateng nagtitinda dito dahil madalas ako tambay dito, may upuan lang siyang isa sa labas, pag wala pa akong kasama sa bahay, kumakain muna ako sa tapat ng tindahan niya.


Di ko alam pero di ako tumambay sa tindahan ni ate ngayon at nagmadali akong naglakad pauwi, nag dahan dahan lang ako upang sumulyap sa paupahan namin kung andon ba siya, dahil sa taas nga pala siya tumakbo agad ako sa second floor buti yung kwarto ko yung tapat ng bintana niya.


Sumilip ako ng pasimple sa bintana, inawang ko ng kaunti ang kurtina para di halata.


Napasarado agad ako nang makitang napaliingon siya sa bintana ko. Wew. Bumaba nalang ako para kainin yung pagkain ko.


Muntikan na ako doon ah. 

Behind these WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon