Chapter 18

1 0 0
                                    

Peachy


Pababa palang ako ng kwarto may naririnig na akong maingay. Ugh. Lord sana di tama hinala ko.


"Pinsan!" niyakap agad ako ni Gina, pinsan kong taga America na hindi ko alam bakit andito ngayon.


"Asan sila tita?" tanong ko, napansin ko naman yung maleta sa may lapag.


"hehe, asa America pa, dito muna daw ako hehe" naka peace sign siya.


Jusko po. "Kay Pepper ka" turo ko agad kay Pepper na nanunuod ng tv. Tinanguan lang niya ako na akala mo'y alam niyang sasabihin ko yun.


Badtrip bakit andito yan. "Penge 150" binigyan naman ako ni Gina ng 150 kaya lumabas na ako ng bahay. Galante kasi siya kaya isang hingi mo lang bigay agad.


Naglakad ako papunta sa Jollibe Soliven dahil malapit yun samin. Nakasimangot akong kumakain mag-isa doon. Paano ba naman kasi, ayoko kay Gina. Siya na ang pinaka maarte kong pinsan sa buong angkan!


Plus, may pagka demonyo yan di lang halata. Maharot pa, super harot! Kuya prince nga hinaharot niyan eh, ka-edaran ko lang kasi yan.


May-umupo sa tapat ko, tataasan ko na sana yun ng kilay nang makitang si Kuya Prince lang pala may hawak na tray. "Ginagawa mo dito?"


"Gina" sagot niya kaya naintindihan ko na.


Pareho naming ayaw dun eh. Sila Kuya Popoy lang ata at Pepper may mahabang pasensya dun.


Pagkatapos namin kumain bumalik nadin kami sa bahay. Parang may tao sa kwarto ko? "Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"


Nagulat si Gina sa prisensya ko. Nakita kong nakabukas ang laptop ko at nasa twitter yun. "pinapakelaman mo ba gamit ko?" sigaw ko.


Dumating naman si Kuya Prince sa tabi ko nakahawak sa braso ko. "H-ha?" inosente pang tanong ni Gina.


"Binge ka?" inis kong tanong.


"Ikaw pala yung isang sikat na account sa twitter na madaming poems" aniya, tinaasan ko naman siya ng kilay. Napansin kong medyo nakabukas din yung bintana. Si Aries!


"Type ko yung renter niyo" sulyap niya sa bintana. Agad naningkit ang mata ko at napa-ubo si Kuya Prince.


"Favorite ka ata niya, lagi niya nilalike mga tula mo eh" Gina.


"Lumabas ka ng kwarto ko" mariing sabi ko.


"Hep! Tulungan mo muna ako sa renter niyo, ganda ng mata eh" pigil ni Gina sakin dahil lalapitan ko sana siya.


"May jowa yan!" sagot ko agad kahit sabi ni Aries na hindi daw sila at inassume ko lang na jowa niya yun.


Nilagay niya ang hintuturo niya sa may baba niya na animo'y nag-iisip.


"Wala akong pake" nakangiting aniya.


The fuck?


"Boba ka?!" susugurin ko na sana siya pero pinigilan lang ulit ako ni Kuya Prince.


"Sige ganito nalang, ako ng bahala sakanya, basta magpapakilala akong, ako yung creator niyan" offer niya. Umiling agad ako. "Boba ka?" ulit ko.


Bigla niyang inangat phone niya at pinakita sakin ang isang picture ni Kuya prince na tulog tapos magkatabi sila, topless si Kuya Prince habang siya kumot lang nagtatakip sakanya habang nakahalik siya sa pisngi neto.


Nanlaki ang mata ni Kuya Prince "Ano yan?!"


Gina just shrugged. "I saw an opportunity I grabbed it!" naalala ko bigla na may reunion kami dati tas nalasing si Kuya Prince, andon si Gina non tas nakita ko siya na nasa iisang kwarto kasama si Kuya Prince kaya hinila ko siya paalis non. Hindi ko naman alam na kumuha pala siya ng litrato.


Demonyo talaga. "oo na, umalis ka na ng kwarto ko pero bago yun penge isang libo, binuwisit mo ako eh" ngiting-ngiti siyang tumakbo paakyat sa kwarto ni Pepper, baka kukunin wallet niya, tama nga ako, pagbalik niya, naglapag siya isang libo at lumabas ng kwarto ko kaya nilock ko yun pagkalabas niya. Andito din sa loob si Kuya Prince.


"Sorry peachy" nakayuko niyang ani.


"okay lang, libre moko Jollibee ng isang buwan" nguso kong sagot bago tumabi sakanya na nakaupo sa kama ko.


"May isang libo ka nga kay Gina" aniya, tinaasan ko siya ng kilay at hinampas. "Eh kung di ka kasi shunga –" pinutol na ni Kuya yung sinasabi ko at kinurot nalang braso ko "oo na, oo na"


Hay. Kelan ba aalis tong si Gina?


Frustrated, stressed, what should I feel next

Can I receive a call even just a text

But of course you're busy with her

I know that with you, my feelings don't matter

Tweet sent!

Behind these WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon