Chapter 10

1 0 0
                                    

Peachy


"Okay class, Buwan ng Wika na after two weeks, Peachy paki-explain nalang sa katabi mo, as I was saying, buwan ng wika na after two weeks. Siyempre, may pa-contest ang school sa batch niyo, may gagawin kayong play, yung script ibibigay mamaya, kung sino ang mananalo, perfect na sa exam sa pagbasa" anunsyo ni Sir Hernandez.


"What did he say?" tanong agad ni Aries, oo nga pala ipapaliwanag ko sakanya. Inulit ko lang yung sinabi ni Sir in English, naintindihan naman din agad ni Aries, nag-aaral siya ng tagalog kaya yung mga basic na tagalog words nalalaman na niya.


"At nga pala, may spoken poetry contest tayo saka meron ding mythology writing contest" dagdag ni Sir.


At inexplain ko na naman yun kay Aries. Nag bell na hudyat ng recess na kaya lumabas na ako ng room at sabay-sabay kami nila Craige bumaba.


"Sali ka Perez?" tanong ni Gladiz sakin, "Huh saan?"


"Tanga diba sa Buwan ng Wika" paalala ni Rhea.


"Ay oo nga pala, pwede"


"Alam mo feeling ko, nananandya kang walang kinakain kapag recess minsan" sabi bigla ni Faith kaya kumunot noo ko. Pinagsasabi nito?


Bigla namang may kumalabit sa gilid ko, si Aries.


"Peachy! I made some sandwhich this morning and I realized I made and extra so here" nilapag niya yung sandwhich na nasa ziplock sa mesa namin bago ngumiti sa mga kasama ko at sakin tapos bumalik na kela Patrick, ramdam ko yung titig sakin nila Bianca.


"Iba ka talaga girl!" Anne.


"Sana all" Craige, at pumangulumbaba sa lamesa.


Kinain ko nalang yung sandwhich dahil sayang. Pag-akyat sa room nandoon nadin si Aries kaya pagka-upo ko agad akong nag thank you dahil sa sandwhich.


"Thank you for the sandwhich" hiya kong ani.


"No worries, hey, what are your hobbies? We've been seatmates for almost a month already and I realized I haven't known you yet" he said while resting his chin on his palm.


"I play the guitar, and I write stories" sagot ko naman.


"Favorite color?"


"Blue"


Napapitik naman siya bigla, "Same"


Natawa ako at umayos ng upo kaso nasagi ko naman yung ballpen ko sa mesa kaya nahulog yun. Nagkasabay kami ni Aries pulutin yun. Ang lapit ng mukha niya sakin, ito na naman po yung puso ko ang ingay.


Ramdam kong namula agad ako kaya pinulot ko nalang yung ballpen ko at umiwas ng tingin.


Bago mag-uwian dumiretso muna ako sa office para mag-announce.


"Malapit na ang Buwan ng Wika

Tayo'y mag saya at maghanda

Sa mga parating na kumpetisyon

Inaabangan namin lahat ang bawat seksyon

Magandang hapon! Aking i-aanunsyo ngayon ang mga kumpetisyon na sana ay paghandaan ng bawat seksyon at estudyante" inannounce ko lang kung ano yung mga sinabi ni Sir Hernandez kanina. "Maraming salamat"


"Di ka ba nauubusan ng poem?" tanong ni Sir Mark, makulit tong sir namin na toh dahil bukod sa bading siya, dito rin siya sa school na ito grumaduate.


"Hindi sir, mauubusan palang po charot" biro ko, tumawa naman siya, nagpaalam na ako sa office at bumalik sa room. Nakatingin lang sakin si Aries pagbalik ko sa classroom. Ano kayang trip nito.


Kinuha ko nalang ang bag ko at lalabas na sana kaso may humawak sa braso ko.


"Ano ba naman yan! AY ARIES!" muntikan ko pa masungitan amp. "Sabay ka?" tanong ko, tumango naman siya.


Odiba, nakakaintindi na siya ng kaunti.


Magkatabi na naman kami sa harapan ng jeep. "Why are you always gone whenever there's an announcement?" tanong niya bigla.


Uh-oh. Bawal ko sabihin. Di ko rin kasi alam anong trip ng admins bakit ayaw nila ipaalam. Siguro dahil may mga nakikita ako minsang files sa office na di naman kailangan malaman ng mga estudyante baka ipagkalat ko? Eh kapag isang estudyante lang nasa office malalaman agad nila kanino nang galling yung information.


"Really? I didn't notice that?", pa-inosente effect pa ako.


Kaso, di yata tumatalab kasi nakatingin lang talaga siya sakin kaya napabuntong hininga nalang ako "I wasn't supposed to say this to anyone but, I am a student assistant at the office" nagulat naman siya, siguro kasi alam din niyang bawal nga estudyante sa office.


"Oh okay"


Nakahinga ako ng maluwag. Wew. Muntikan na yun ah. 

Behind these WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon